Mga Blood type A maaaring mas madaling kapitan ng COVID-19

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod sa age at sa current health situation, isa rin pa lang factor na kailangang i-consider dahil delikado sa COVID-19 ang blood type ng isang tao.

Can blood type affect the COVID-19 risk? | Image from Freepik

Can blood type affect the COVID-19 risk?

Ayon sa pag-aaral na ginawa sa mga pasyente sa China, natuklasan na ang mga may blood type A ay mas mataas ang risk factor na magkaroon ng COVID-19 kaysa sa mga taong Blood Type O.

Kumuha sila ng mga blood samples mula sa 2,173 na pasyente ng nasabing virus. At kumuha rin ng blood samples sa mga hindi infected na tao. Dito nila nalaman na ang mga Blood Type A ay may mataas na tyansa na magkaroon ng virus at madaling makita ang mga sintomas.

Lumabas din sa research na ang mga taong may Blood Type O ay may mababang tyansa na magkaroon ng COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon rin kay Wang Xinghuan ng Zhongnan Hospital of Wuhan University, ang mga taong may Blood Type A ay kailangang mag-doble ingat sa kanilang mga kalusugan at iwasan ang ma-expose sa mga taong carrier ng nasabing virus. Maaari kasi silang kapitan agad ng COVID-19.

Sa 206 na nag positibo at namatay sa COVID-19 sa Wuhan China, nakita sa tala na 85 na tao sa kanila ay Type A.

Can blood type affect the COVID-19 risk? | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit ang pag-aaral na ito ay walang matibay na foundation at kailangan pa ng malalim at madaming pag-aaral para masabing mas madaling kapitan ng virus ang mga taong may Blood Type A. Pero dahil sa pag-aaral na ito, maaring makatulong ito sa kanila para mabilis na ma-identify ang mga positive patients. Hinihikayat rin nila na isama na i-consider sa initial test ang blood type ng isang tao dahil pwede itong makatulong sa pagtingin ng mga pasyente.

Ayon kay Gao Yingdai ng State Key Laboratory of Experimental Hematology, kahit na pwede itong makatulong sa mabilis na pag-alam ng mga medical professionals sa COVID-19, hindi pa rin dapat dumepende ng buo sa statistic na ito.

“If you are type A, there is no need to panic. It does not mean you will be infected 100 percent. If you are O, it does not mean you are absolutely safe, either. You still need to wash your hands and follow the guidelines issued by authorities.”

At kung ikaw naman ay Blood Type O, hindi ibig sabihin nito ay dapat ka nang makapante sa nasabing virus. Mabuting ugaliin pa rin ng bawat isa ang malinis na kapaligiran at paghuhugas ng kamay. Iwasan rin muna ang matataong lugar upang hindi ma-expose sa mga hindi kilalang carrier ng COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Can blood type affect the COVID-19 risk? | Image from Freepik

Naitala naman ngayong araw, March 23 ang may pinakamataas na kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ito ay umabot sa 82 katao ang nakumpirma ngayong araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, mayroon ng 462 na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa bansa. Habang 18 naman ang naka recover at 33 ang mga namatay.

Ang mga bagong naitalang namatay ay may mga sakit sa puso, diabetes at hypertension.

Samantala, ayon naman sa mga health official, asahan na ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay dahil marami pa ang mga paparating na resulta sa mga pasyenteng minomonitor.

Source: South China Morning Post , Medical News Today

READ: Doctors who died because of COVID-19; Salamat, you are our heroes!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano