COVID recovery Philippines, patuloy na nadadagdagan. Pinoy na unang nag-positibo sa sakit ikinuwento kung paano siya naka-recover mula rito.
COVID recovery Philippines
Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga Pilipinong nakaka-recover mula sa sakit na coronavirus disease o COVID-19. Mula sa 380 na naitalang nag-positibo sa sakit ay may 15 na katao na ang ganap na naka-recover rito. Isa nga sa tinitingnan dahilan ng DOH upang maisagawa ito ay ang tamang pag-aalaga at pag-quarantine ng mga nag-positibong kaso.
“We are trying to analyze the 15 recoveries that we have and we see that it is the usual management in our hospitals, whereby we provide management support to the symptoms they are exhibiting, caring for them and quarantining them.”
Ito ang sagot ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang panayam.
Recovery story ng isang COVID-19 patient
Samantala, sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi naman ng unang Pinoy na nag-positibo sa coronavirus disease ang kaniyang karanasan sa sakit. Siya ay si Carlo Llanes Navarro, ang COVID-19 patient #4 sa Pilipinas.
“I was COVID-19 patient no. 4. As patient no. 4, I was the first Filipino to be confirmed positive after a lull of more than a month following the three Chinese travelers from Wuhan.”
Ito ang panimulang pahayag ni Navarro sa kaniyang Facebook post. Pagkukuwento pa niya, hindi man siya sigurado pero malakas ang suspetya niya sa kung paano niya nakuha ang sakit.
Nito umanong Pebrero ay bumayahe si Navarro at kaniyang pamilya sa Japan. Ito ang mga panahon na kung saan wala pang naitatalang community transmission ng sakit sa bansa. Pero magkaganoon man ay naging maingat parin sila sa kanilang pananatili at pamamasyal roon. Lagi umano silang nakasuot ng mask at madalas rin nilang hinuhugasan ang kanilang mga kamay.
“In Tokyo, we thought we were making-up for the risk by always wearing our masks, vigorously washing and rubbing our hands with alcohol and Thieves essential oil, and wearing disposable latex gloves which we regularly changed and threw away throughout our five days there.”
Pagkahawa sa virus
Pero hindi daw siya nakaligtas sa virus ng nasa eroplano na sila pauwi sa Maynila noong February 25. Dahil may isang Pinoy na nakaupo sa kaniyang likuran ang walang humpay sa pag-ubo. At siya ay na-expose rito ng higit sa 4 na oras sa loob ng eroplano. Bagamat hindi niya inaalis ang kaniyang mask sa loob ng mga oras na iyon.
“We took our flight back home on February 25, Tuesday.
Gia and Evie sat together in one row and I in another. Behind me was a Filipino man coughing vigorously. Nothing could be done and we sat in that plane for more than 4 hours. We had our masks on the whole time. We suspect this is where I picked-up the virus.”
Isang linggo nga matapos silang makabalik sa Pilipinas ay dito na nagsimulang magkaroon ng 37.7-degree Celsius na sinat si Navarro. Sinabayan rin ito ng pangangatog ng kaniyang katawan o chills. Kaya naman agad siyang nagpunta sa ospital at nag-request na dumaan sa COVID-19 testing. Noong una ay ayaw pa nga raw siyang payagang dumaan sa test dahil hindi naman siya nagmula sa isang COVID-19 hotspot na bansa, Pero nagpumilit siya at pinagbigyan ng ospital.
Nang mga oras ring iyon ay sinimulan na ng kaniyang pamilya at mga kasambahay na i-isolate ang kanilang sarili para makasigurado.
Positibo sa COVID-19 disease
Dalawang araw nga matapos siyang dumaan sa testing ay nakatanggap siya ng tawag sa DOH. At ang kinatatakutan niya nga ay totoo, positibo siya sa sakit. Bagamat ng mga oras na iyon ay wala na siyang lagnat. Ngunit nakakaranas parin siya ng pananakit ng katawan at ubo.
“At this time, Evie was in Lipa and she instructed Gia and our helper to stay in Evie’s mom’s nearby place in BGC to isolate.
On March 5, Thursday, I had no more fever, but felt muscle pains and had a bad cough. I received the frightening call from the DOH that evening. I was promptly whisked away by an ambulance to RITM in Alabang.”
Mabuti na nga lang daw ay nag-negatibo sa sakit ang mga nakasama niya ng huling mga araw. Kaya naman ang tanging inisip niya nalang ay kung paano gagaling sa sakit. Na kung saan ayon sa kaniya ay hindi ang sakit sa katawan ang nakakatakot. Kung hindi ang psychological effect ng sakit na dulot ng takot at pag-alala kung gagaling pa ba siya rito.
“For two weeks in the hospital, it was not the physical pain that is frightening! It was the psychological effect that made it difficult. I was vomiting endlessly and had diarrhea probably due to stress.”
Unang Pinoy na naka-recover sa COVID-19 sa Pilipinas
Laking pasalamat ni Navarro, matapos ang dalawang linggong pagkaka-confine ay hindi na siya nagpakita ng sintomas ng sakit at siya ay nakalabas na ng ospital.
Sa kaniyang karanasan ay may mga bagay na na-realize si Navarro. At gustong niyang ibahagi ito sa ating mga kapwa niya Pilipino. Ito ay ang pagiging aware sa nangyayari sa ating kapaligiran. At ang pagsunod sa mga ibinibigay na panukala at paalala ng gobyerno upang malabanan ang pagkalat ng sakit. Tulad ng pananatili sa loob ng bahay at ang hindi pagsasawalang-bahala ng sintomas ng sakit sa oras na maramdaman ito. Dahil sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagkalat ng sakit at mas maraming Pinoy ang maililigtas mula rito.
“I realized that ignorance and inaction will cause the virus to spread faster. That should anyone experience ANY symptoms, they should stay home and limit contact with others. They should NOT shrug-off any symptoms and downplay them. This community quarantine is something we need to protect the people that we love.”
“Because I got myself quickly tested, by my immediate confinement, I shielded my elderly parents. I shielded our senior household helpers. I shielded my family.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Navarro.
SOURCE: CNN, Rappler, ABS-CBN News, World Meter
BASAHIN: Real mom shares her experience nang nagpa-test siya for COVID-19