"Libre ba ang COVID testing kit?" at iba pang impormasyon na dapat malaman

COVID testing kit price Philippines: magkano nga ba at ano ang protocol para sa pagpapa-test?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

COVID testing kit price Philippines: magkano nga ba at ano ang protocol para sa pagpapa-test?

COVID testing kit price Philippines

Una nang naglabas ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng pahayag na libre na ang pagpapa-test para sa COVID-19.

Screenshot from Twitter

Ngunit sa press conference na ginanap kanina, naitanong sa Department of Health ang di umano pagtanggi ng mga ospital sa mga taong nais magpa-test. Sagot naman nila, nagbaba na raw sila ng protocol maging sa mga pribadong ospital. Ang pakiusap nila ay makipag-cooperate ang mga ito sa gobyerno para makatulong sa pag-contain ng COVID.

UP Test kits, inaprubahan na rin ng FDA

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Ang test kits naman na na-develop ng team ni Dr. Raul Destura mula sa University of the Philippines-National Institute of Health ay inaprubahan na ng Food and Drug Administration o FDA. Ito naman ay mas mura kumpara sa mga test kits na galing sa ibang bansa.

Ito ay nagkakahalaga lamang ng 1,320 pesos. Napabalita na simula pa noong January ay available na ito. Ngunit dahil kinailangan pang maaprubahan ito at mapatunayang mabisa ay hindi ito kaagad na pinagamit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Destura, mayroon na silang 1,000 test kits sa kasalukuyan at ito ay ready for use na. Pahayag naman ng Department of Science and Technology o DOST, kayang makapag-produce ng mahigit 200 test kits sa isang linggo. At ito ay isu-supply sa DOH para sa mga susunod na linggo.

Testing centers

Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod sa UP-NIH, tinitignan din ng World Health Organization ang testing capabilities ng mga national laboratories sa Southern Philippines Medical Center sa Mindanao. Vicente Sotto Medical Center sa Visayas at Baguio General Hospital sa Northern Luzon. Ang Lung Center of the Philippines naman dito sa Maynila ay maari ring maging testing center.

Sintomas ng COVID-19

Hindi airborne ang COVID-19 pero nahahawa ito sa pamamagitan ng air droplets mula sa taong nagtataglay ng virus. Ang mga droplets na ito ay nailalabas sa katawan ng COVID-19 victim sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Narito ang ilan sa mga sintomas na dapat mong bantayan:

  • runny nose
  • sakit ng ulo
  • ubo
  • paninikip ng dibdib
  • sore throat
  • lagnat

Ugaliing maghugas ng kamay at magsuot ng mask kung mae-expose sa matataong lugar. Kung kaya naman ay manatili na lamang sa bahay at umiwas muna sa mga lugar kung saan puwede kang ma-expose sa virus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

SOURCES: InterAksyon, ABS-CBN News

BASAHIN: ATM at iba pang mga bagay kung saan maaaring mahawa ng COVID-19

Sinulat ni

mayie