Cristine Reyes sa relasyon nila ni Marco Gumabao: “Definitely not tropa anymore”

Mga kaibigan at kapamilya nina Marco at Cristine all out ang support sa kanilang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cristine Reyes and Marco Gumabao relationship reveal ikinagulat at ikinakilig ng publiko.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Cristine Reyes and Marco Gumabao relationship reveal.
  • Reaksyon ng mga netizens.

Cristine Reyes and Marco Gumabao relationship reveal

Larawan mula sa Instagram accout ni Marco Gumabao

Marami ang nagulat sa isa sa mga latest post sa Instagram ni Marco Gumabao. Dahil sa naturang post, si Marco ibinida ang sweet na mga larawan nila ni Cristine. Sa unang tingin ay iisiping may pelikula lang na ginagawa ang dalawa. Pero sa caption ng post ni Marco ay iba ang sinasabi nito. Ito ang kumpirmasyon ng relasyon nila ni Cristine na tinatawag niyang kaniyang “home at adventure”.

“You are my home and my adventure all at once. ❤😘”

Ito ang caption ng post ni Marco.

Si Cristine agad rin namang nag-comment sa post ni Marco na kung saan siya rin ay naka-tag. Ang sagot niya iba’t-ibang emojis na nagpapakita kung gaano siya kasaya sa relasyon nila ni Marco.

Kasunod nito ay lumitaw ang interview ni Cristine noon sa programang Tonight With Boy Abunda kung saan natanong siya kung ano para sa kaniya si Marco. Ang sagot niya noon ay “trotropahin at hindi jojowain”. Dahil paliwanag ng aktres noon ay napakabata pa ni Marco para sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook accout ni Cristine Reyes

Si Cristine ngayon ay 34 years old habang si Marco naman ay 28 years old.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero sa latest Instagram stories ni Cristine, pagkatapos ng rebelasyon ng kanilang relasyon, ang aktres ito na ngayon ang sabi – “Definitely not tropa anymore.”

Reaksyon ng mga netizens

Ang iba pang mga celebrities at pati na mga netizens hindi maitago ang kilig sa relationship reveal ni Marco at Cristine. Pati nga ang mga ate at pamilya ni Marco ay tuwang-tuwa sa rebelasyon niyang ito. Ito ang ilan sa kanilang reaksyon.

“Baby bro is off the market! 🎉.”

“Kakakilig naman❤❤❤, bagay na bagay kayong dalawa.”

“❤ love wins babes. Congratulations🎉.”

“Congrats guys!!! More more happiness to you both!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement