Ano-ano nga ba ang kahalagahan ng pagpapatawad sa iyong partner? Narito ang iba’t ibang benepisyo ayon sa mga eksperto.
4 reasons kung bakit mahalaga ang pagpapatawad sa isa’t isa sa isang relasyon
Sa tuwing mayroong away, mahalagang mapatawad mo ang iyong partner dahil may dala itong maraming benepisyo. | Larawan mula sa Pexels
Marami na ang nagdaan diyan: makakagawa ng mali ang partner. Mahirap nga naman magpatawad, lalo kung naapektuhan ka nang labis sa ginawa niyang ito.
Sa kabilang banda, maiisip mo rin na katuwang mo pa rin siya sa buhay. Sa huli’t huli kayo ang magkasamang dalawa. Bakit nga ba raw mahalagang nagpapatawad sa iyong partner? May sagot ang experts diyan.
1. Mas nagkakaroon ng malayang komunikasyon.
Mas nabibigyang daan ang komunikasyon sa relasyon kung madalas na nagpapatawad. | Larawan mula sa Pexels
Sa tuwing nakakagawa ng mali ang iyong partner, pakikinig ang isang way para sa pagpapatawad. Mahalaga ito para makaipon ng tiwala at respeto sa isa’t isa.
2. Hindi na napapalaki pa ang maliliit na away ang pagpapatawad sa iyong partner.
Mas madaling patawarin ang mga maliliit na away. Kaya mahalaga na mapatawad ang partner mo para hindi na lumaki pa ito.
3. Nabibigyang daan ang pagiging tapat sa isa’t isa.
Dahil nga bukas sa pagpapatawad, nabubuksan din nito ang pagiging tapat. Ibig sabihin, mas malayang nasasabi ang hinaing at puna sa loob ng relasyon.
4. Nawawala ang bigat ng past mistakes.
Isang malaking hinga sa stress at anxiety rin ang tanggapin ang kapatawaran ng iyong partner. | Larawan mula sa Pexels
Malaking tulong din sa relasyon na makalimutan ang past mistakes kung nakapagtawad ka. Hindi ito nagiging bagahe sa isa’t isa dahilan para maging rason ulit ng away.
Bagaman ito ang kahalagahan ng pagpapatawad, dapat pa rin na malaman ang limitasyon. May mga pagkakataong kailangan ng labis na pag-unawa kung dapat pa bang patawarin pa o hindi na.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!