Cristine Reyes sinabihan ng ina: "You never should have been born. I tried so many times to abort you."

Ayon kay Cristine, halos araw-araw daw sinasabi ng mommy niya sa kaniya na sana hindi nalang siya ipinanganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cristine Reyes mom and her hurtful words may naging malaking epekto daw sa pagkatao at ugali niya habang siya ay lumalaki.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Cristine Reyes childhood story.
  • How Cristine Reyes mom and her hurtful words affected her.

Cristine Reyes childhood story

Image from Cristine Reyes Instagram account

Sa pamamagitan ng isang podcast interview sa programang Eight Billion Project ay ibinahagi ng aktres na si Cristine Reyes ang mga tagpo sa kaniyang pagkabata na hindi niya malilimutan.

Ito ay mga pangit na pangyayari sa kaniyang buhay na tumatak sa kaniyang memorya at nagdulot ng napalaking epekto sa kaniyang pagkatao.

Kuwento ni Cristine ito ang unang pagkakataon na ibinahagi niya ang malungkot at masakit na bahagi ng kaniyang pagkabata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Cristine ay nakilala bilang anak ng aktres na si Venus Imperial at kapatid ng aktres rin na si Ara Mina. Tulad ng kaniyang kapatid at ina ay kapuri-puri rin ang galing sa pag-arte ni Cristine. Ngunit sa kabila ng kasikatan ay may madilim na bahagi pala ang pagkabata ni Cristine.

Kuwento ni Cristine, anim na taong gulang siya ng malaman niyang adopted lang pala siya ng mga magulang na kinalakihan niya. Ito ay labis na ikinagulat ni Cristine.

“They told me, ‘You are not our real child.’ I was shocked. I don’t even remember if I said something. I think I was in a state of shock.”

Sa piling ng mga ito ay naging masaya ang buhay ni Cristine. Dahil doon ay tinatrato siya ng maayos at minamahal siya.

“I remember growing up in a very loving family. They are all happy people. I was treated very well and the love is just overflowing with all the people there in that house.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cristine Reyes mom and her hurtful words

Cristine Reyes mom and sisters/ Image from Cristine Reyes Instagram account

Nabago lang umano ang buhay niya ng makilala niya na ang kaniyang tunay na ina. Ito ang isang tagpo sa buhay niya na hinding-hindi umano makakalimutan ni Cristine.

“I remember my mom pulling me out. I was holding my Daddy Metring (amang kinalakihan ni Cristine) tightly. In my head, ‘Don’t let me go! Don’t let me go!’ I was crying.”

Mula ng araw na iyon ay nahiwalay na si Cristine sa magulang at pamilyang kinalakihan niya. Ito rin ang pagsisimula sa pagbabago sa buhay niya na hindi niya akalaing dadalhin niya ang epekto hanggang ngayon na siya ay ganap na adult na at isa naring ina.

“Ever since when I moved to my mom’s my biological mom I felt like I didn’t have a voice. My voice didn’t matter so as much as possible you know I don’t really talk and I just keep everything inside.”

Maliban sa hindi siya makapagsabi ng kaniyang nararamdaman, araw-araw ay nakakarinig rin daw ng masasakit na salita si Cristine sa kaniyang ina. Mga salitang tumatak sa isip niya at hinding-hindi niya makakalimutan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I was very neglected at six years old. I remember whenever there’s a problem, I would constantly hear words, ‘You know, you should have died. You never should have been born.”

“I tried so many times to abort you. You’re just something else. Your grip was there. You should have died.”

Ito daw ang mga salitang halos araw-araw naririnig ni Cristine mula sa kaniyang ina.

BASAHIN:

5 Top childhood cancers: A comprehensive guide for parents

Suicide note ng 14-anyos sa magulang: “Your ideal daughter was too perfect. I couldn’t become her.”

Ito ang epekto sa bata kapag binu-bully siya ng kaniyang kapatid, ayon sa study

Epekto kay Cristine ng pangit na pagtrato at masasakit na salita ng ina

Para sa isang bata ay hindi niya maintindihan kung bakit ito sinasabi sa kaniya ng mommy niya. Ang tanging alam niya lang noon ay masakit ito at nagdudulot ng labis na lungkot sa bata pa noong si Cristine.

Dahil sa pangit na pagtrato kay Cristine noon ay naging matatakutin umano siya. Hindi rin umano siya nakakatulog ng maayos at lumaking masungit o laging galit sa iba.

“In school, my best friend Luis would always remember me as a kid who always have this angry face and always have this dark circles in my eyes. Because I wasn’t sleeping very well. I’m always scared. Because I was told every day and night that I was unwanted.”

Ito ang kuwento pa ni Cristine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanda niya rin na nagseselos siya sa ibang bata na nakikita niyang may inang nag-aalaga sa kanila. Lagi niya umano tinatanong noon, bakit ang mga ito ay may mapagmahal na ina at siya ay wala.

Ang frustration na ito ni Cristine ay nadala niya hanggang siya ay maging artista na. Ito nga ay madalas niya daw naipapakita sa pamamagitan ng bad behavior sa iba.

“I carried it in my career in the showbiz industry. They have their moms taking care of them. They have someone protect them in the business industry.

I didn’t have that. And I have to work until the morning. I remember my first commercial. It was already past 12 and I am 14 years old. I couldn’t articulate what I wanna say. So I just give a bad behavior. Because I couldn’t speak.”

Mga realizations ni Cristine mula sa pangit na pagkabata

Image from Cristine Reyes Instagram account

Ngayong siya ay ganap na ring isang ina, ay naintindihan ni Cristine kung paano siya naapektuhan ng pangit na pagtrato at masasakit na salita na ibinabato sa kaniya noon ng kaniyang ina.

“My mom has a very sharp tongue. And I think I carried it as well it’s in me as well and that’s what I want to work on like I hurt people with my words because I grew up like that. I thought it’s normal to like say bad things to other people.”

Ang mga realization na ito ay nangyari matapos sumailalim sa isang self-development seminar si Cristine sa US. Dito niya mas nakilala at natutunan niyang mahalin ang sarili. At kung paano hindi dapat makaapekto ang kaniyang naging pangit at bitter na kabataan sa buhay niya sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Now, I’m realizing you can speak up. I can stand up for myself. Yeah, I have this past. Yeah, I have a bad childhood. But you can always make a difference. You don’t have to carry it.”

Ito ang nasabi pa ni Cristine sa naturang panayam.

Sa ngayon, si Cristine ay isa ng ina sa anim na taong gulang na si Amarah. Ang anak ng aktres sa dating boyfriend at martial artist na si Ali Khatibi.

Photo:

Image from Cristine Reyes Instagram account