X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ito ang epekto sa bata kapag binu-bully siya ng kaniyang kapatid, ayon sa study

5 min read
Ito ang epekto sa bata kapag binu-bully siya ng kaniyang kapatid, ayon sa study

Alamin ang mga tips kung paano maiiwasan at masosolusyonan ang bullying sa pagitan ng iyong mga anak.

Ayon sa isang pag-aaral, ang epekto ng bullying sa magkakapatid ay maaring madala ng isang bata hanggang siya ay mag-dalaga at mag-binata.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Epekto ng bullying sa magkakapatid.
  • Paano maiiwasan at matitigilan ang bullying sa pagitan ng magkakapatid.

Epekto ng bullying sa magkakapatid

epekto ng bullying sa magkakapatid

Technology photo created by karlyukav - www.freepik.com 

Asaran, sakitan at iyakan, ilan ito sa madalas na makikitang tagpo sa magkakapatid na Pilipino. Para sa ating mga magulang ito ay paraan lang nila ng pag-bobonding o paglalaro.

Pero ayon sa isang pag-aaral, ang mga ito ay palatandaan ng bullying na may masamang epekto sa isang bata. Ang epekto ng bullying sa magkakapatid, sila ay mas prone o may mas mataas na tiyansang magkaroon ng mental health problems sa kanilang adolescence period.

Ito ay maaaring maging long-term kung hindi agad maayos o maagapan. Ang epektong ito hindi lang umano mararanasan ng biktima ng bullying kung hindi pati narin ng kapatid niyang bully.

Ang findings na ito ay base sa pag-aaral na ginawa ng mga researcher mula sa University of York, England. Ito ay natuklasan ng mga researchers matapos i-analyze ang data ng higit sa 17,000 na na mga bata.

Dagdag pa ng pag-aaral mas madalas ang bullying sa pagitan ng magkapatid ay mas malala rin daw ang epekto sa kanilang mental health at well-being.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maiuugnay sa nauna nang naidokumentong epekto ng bullying sa isang bata. Tulad na lamang ng increased physical health problems, higher risk at level ng depression at pagkakaroon ng mga emotional at behavioral disorders.

Ang mga batang na-bubully ay mas madalas din na nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas: sakit ng ulo, pagsakit ng tiyan, pag-ihi sa higaan, hirap sa pagtulog o insomnia.

Paano maiiwasan ang sibling bullying?

epekto ng bullying sa magkakapatid

People photo created by jcomp - www.freepik.com 

Ang sibling bullying ay matutukoy gamit ang talong components ng bullying. Ito ay ang power imbalance, intentional actions at repetitive behavior.

Halimbawa kung laging inaasar o tinatawag ng iyong anak ang kapatid niya ng kung ano-anong pangalan o bagay ito ay bullying. Lalo na kung ito ay nakakasakit sa kaniyang kapatid.

Dagdag pa kung dahil dito ay napapahiya ang kapatid niya o kaya naman ay nasasaktan niya na ng pisikal.

Paano maiiwasan at ma-sosolusyonan ang bullying sa pagitan ng magkapatid? Ito ang mga dapat mong gawin.

1. Paglayuin sila sa oras na sila ay nagtatalo.

Para mas maiwasang lumala ang tensyon sa pagitan nila sa oras na sila ay nagtatalo ay mabuting paglayuin sila. Huwag magtakang pumagitna sa halip ay hayaan na muna silang magkaroon ng oras na magkalayo sa isa’t isa.

2. Hayaan silang mag-cool down saka sila pagharapin at kausapin.

Sa oras na sila ay nag-cool down na ay saka sila pagharapin. Bigyan ang bawat isa ng oras para makapagsalita. Kung ang kanilang pag-uusap ay ingemination ay paalalahanan sila na dapat silang kumalma at maging strong para masabi ang nasa isip nila.

3. Hayaan silang magsalita at huwag silang i-interrupt.

Mahalaga na mabigyan ang bawat isa ng pantay na oras at pagkakataon para masabi ang point nila. Ito ay nakakatulong para pakalmahin ang kanilang nararamdaman. Saka sila hayaang mag-isip ng paraan kung paano nila ma-address ang kanilang problema.

BASAHIN:

PANOORIN: Isang bata gusto ng mamatay dahil sa bullying

“Bully daw ang anak ko!” Mga dapat malaman tungkol sa bullying

Ayon sa isang psychologist, narito ang maaaring gawin para maging close ang magkapatid

4. Ibahagi sa kanila ang consequences ng kanilang ginawa.

Tulad ng kung paano nakakaapekto ang pag-aaway nila sa isa’t isa. Kung paano nila nasasaktan ang isa’t isa ng hindi sinasadya. Saka sila bigyan ng consequences bilang leksyon sa ginawa nila.

Maaaring ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng gawaing-bahay tulad ng paghuhugas ng plato o pagwawalis sa bakuran ninyo.

5. Magkaroon ng rules.

Para mapigilang mangyari pa ulit ang bullying sa pagitan ng iyong mga anak ay mabuting magkaroon na kayo ng rules. Tulad ng bawal ang sakitan, asaran at paninira ng gamit ng bawat isa. Ipaliwanag na ayos at natural lang ang magalit pero mali na ito ay ibuntong nila sa kanilang kapatid.

6. Bantayan sila.

Siyempre para masigurong nasusunod ang rules na iyong itinakda ay kailangang bantayan mo ang iyong mga anak. Dapat din ay maging consistent ka sa consequences na ipinapataw sa kanila sa oras na sila ay lumabag sa inyong rules.

7. Maging mabuting halimbawa sa iyong anak.

Ito ang epekto sa bata kapag binu-bully siya ng kaniyang kapatid, ayon sa study

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Photo by Ketut Subiyanto from Pexels

Ang pagtuturo ng pag-respeto at pagkakaroon ng empathy sa feelings at sitwasyon ng iba ay magagawa sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa sa iyong anak.

Gawin ito sa pamamagitan ng pakikipagusap sa kanila na may respeto. Dapat rin ay ituring silang mga kaibigan at i-encourage sila na gawin rin ito sa isa’t isa.

Paalalahan din sila na dapat bilang magkapatid ay dapat sila ay nagtutulungan at handang suportahan ang isa’t-isa sa lahat ng oras.

Source:

Science Daily, Scholastic

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ito ang epekto sa bata kapag binu-bully siya ng kaniyang kapatid, ayon sa study
Share:
  • 5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

    5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

  • 7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

    7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

  • May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

    May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

  • 5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

    5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

  • 7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

    7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

  • May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

    May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.