Ibinagi ni Cristine Reyes sa isang panayam ni Luchi Cruz Valdez ang kaniyang karanasan bilang isang single mom at kung paano nabago ang kaniyang outlook sa buhay.
Ayon kay Cristine Reyes marami siyang mga bagay na nagawa ngayong quarantine at isa na rito ang pagbabasa niya ng libro.
“Nakatapos po ako ng isang libro. Dati hindi po ako nakakatapos.”
Noon kasi hindi umano siya nakakatapos at hanggang sa simula lang siya ng libro. Kaya naman nang magkaroon ng quarantine nagkaroon siya ng oras sa pagbabasa. Tinanong din siya ni Luchi kung bakit hindi na siya ganoon pala-post sa kaniyang social media account ng mga nangyayari sa kaniyang buhay. Ayon sa kaniya,
“Dati mahilig akong mag-post. Parang part siya ng buhay ko. Ngayon naisip ko gusto kong gawin ‘yung araw ko na hindi lang puro cellphone; na hindi lang ako puro basa na, gusto kong marinig na ang ganda ko, ang ganda mo, ganiyan. Ngayon kapag sinabihan ka nila ng hindi maganda masasaktan ka.”
Naging malaking part din ang pagkakaroon niya ng anak kung bakit madalang na siyang magbahagi ng kaniyang personal na buhay sa social media.
“Ingat po ako dahil may anak ko. Isa po si Amara sa dahilan kung bakit hindi na ako nag-e-engage or kung ano lang maisipan ko gagawin ko.”
Dahil sa pagiging artista ni Cristine Reyes, normal lamang na maraming mga matang nakatingin sa kaniyang buhay. Pero hindi naman artista ang kaniyang anak kaya naman gusto niya rin itong protektahan at magkaroon kahit papaano ng isang normal at tahimik na childhood.
Nagbahagi rin si Cristine patungkol sa pagiging homeschooled ng kaniyang anak na si Amara. Aniya may online teacher pa rin naman si Amara kahit nasa bahay.
“Actually, may teacher pa rin naman po. Online lang po. Kailangang i-prepare mo lang lahat ng kailangan nila. Ngayon naman madali na dahil mayroon ng group chats ‘yung mga teacher at mga mommies.”
Dagdag pa niya kailangan niya lamang ihanda ang mga kakailanganin ng anak na si Amara a night before o a day before ng klase nito. Para hindi na ito mahirapan at magahol. Sinisiguro niya na okay na ang mga ito.
Tinanong din siya ni Luchi kung ino-oversee niya ba si Amara at kung paano siya bilang isang teacher mom. Sa pagkukuwento ni Cristine may kasama naman daw siya pag-aasikaso kay Amara. Pero nasubukan daw talaga ang kaniyang pagba-balance ng panahon sa gawaing bahay at kay Amara noong summer kung saan nag-start ang quarantine.
“Actually, may yaya rin po si Amara pero po nung summer class. Ako lang. Kasi naka quarantine po ‘yung mga staff. So, iyon po ‘yung medyo mahirap. Kasi nalilipasan ka po ng gutom kasi may oras sila. Tapos man yung mga kailangan mong gawin. Si Amara naman so hindi ka makakain.”
Pababago sa buhay ni Cristine ng maging isang ina
Pagkukuwento pa ni Cristine si Amara raw ay kabaliktaran niya nung siya’y bata pa, “Sobrang daldal po ni Amara. Baliktad kami nung bata ako. Ako super quiet ako sa class.”
Nakuwento rin ni Cristine kung paano nabago ang buhay niya nang siya’y maging ina. Tinanong siya ni Luchi kung mayroon bang mga ups and downs sa kaniyang karanasan.
“May ups and downs po. Ups po ‘yung mayroon akong maliit na tao na naglolook up sa akin na alam niyo po ‘yun na unconditional ‘yung love niya sa akin. And the same way with me, na kapag tinitignan ko rin siya ito pala ‘yung ibig sabihin ng unconditional love. Kasi hindi mo siya malalaman hangga’t hindi ka pa magkaroon ng anak.”
Dagdag pa ni Cristine Reyes, “Nag-iba ‘yung outlook ko sa buhay. Hindi na puro “me, me, me.” Ngayon mas kung uhm, ano ‘yung mas important, ‘yung mas importante sa buhay hindi na mga superficial. Meron pa rin superficial pero at the same time alam mo na its not worth it.
Para kay Cristine Reyes binago talaga ng kaniyang pagiging nanay kay Amara ang kaniyang buhay. Mas naging mature na siya sa kaniyang mga desisyon sa buhay at nagkaroon siya ng bagong reason para mabuhay,
“So, ang ups para sa akin yung si Amara nagbigay sa akin ng life because before I think I was lifeless sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.”
Noon daw kasi kahit na marami siyang pera, may bahay, at magandang trabaho hindi raw siya grateful sa kaniyang buhay.
“Dati pala-away ako, kilala ako sa pagiging pala away, dahil nung bata ako isolated ako—kasi hindi ako masaya.”
Hindi siya tunay na masaya kahit na maraming magagandang nangyayari sa kaniyang career sa showbiz. Kahit umano sinasabi ng maraming tao na dapat masaya siya dahil maraming magagandang nangyayari sa buhay niya.
“So, nung dumating si Amara sa buhay ko parang siguro naghahanap ako ng love. And si Amara ‘yung nagkappagbigay sa akin nu’n. Naiyak ako.”
Sa pagkukuwento pa ni Cristine gusto niya umanong iparanas sa kaniyang anak na si Amara ang mga bagay na hindi niya naranasan noong bata siya. Gusto niya umano na lumaki si Amara ng kabaligtaran kung paano siya lumaki.
Gusto niya umanong itanim kay Amara na mayroon Diyos dahil noong bata siya sa Diyos lamang daw siya kumapit.
“Eventually, magkakaroon ako ng pamilya hindi man iyon natupad. Nagkaroon ako ng anak at siguro iyon yung kailangan ko para i-fullfill niya yung missing part sa puso ko, sa buhay ko. Uhm, diyan pa lang masaya na ako.”
Iba talaga ang nagagawa ng motherhood sa isang babae. Nagbibigay ito ng panibagong meaning sa kanilang buhay. Katulad ng kay Cristine Reyes. Kahit na nasa kaniya na ang lahat at napakamatagumpay ng kaniyang career sa showbiz hindi ito ang nakapagbigay sa kaniya ng tunay na ligaya. Kaya mga mommy paano ba nabago ang buhay niyo nang kayo’y nagging nanay?
Source:
BASAHIN:
Anne Curtis, naiyak matapos magkuwento tungkol sa anak na si Dahlia
WATCH: Solenn Heussaff nagbahagi ng kaniyang breastfeeding journey says “Every mom is different”
How Motherhood Is Teaching Me To Be Kinder To Myself