Nagbahagi ng kanyang breastfeeding journey ang celebrity mommy na si Solenn Heussaff. At ayon sa aktres, she loves breastfeeding!
Breastfeeding kay baby
Sa journey ng isang pregnant mommy, isa sa pinaghahandaan diyan ay ang pagpapasuso o yung tinatawag nating breastfeeding kay baby.
Ang breastfeeding ay isang mahalagang gawain. Dahil ang gatas ng ina ay isa sa mga pangunahing kailangan sa development at healthy na pangangatawan ng sanggol habang lumalaki.
Marami rin ang benefits ng sanggol sa gatas ng ina. Ito ay dahil ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng antibodies. Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.
Solenn Heussaff breastfeeding journey | Image from Unsplash
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba’t-ibang importanteng ingredients para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil dito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kanyang paglaki. Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso ay kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.
Bukod pa dito, ang breastfeeding para kay baby ay makakatulong para mapanatali ang maganda at healthy nitong pangangatawan. Maiiwasan rin ang obesity o labis na katabaan sa kanyang edad.
Solenn Heussaff breastfeeding journey
Isa na ang celebrity mommy na si Solenn Heussaff sa nagbahagi ng kanyang journey sa breastfeeding. Nagbigay ito ng kanyang experiences sa pagpapasuso sa kanyang baby at ibang tips na maaaring makatulong sa mga moms na may struggle sa. breastfeeding.
Aminado si Mommy Solenn Heussaff na ang pagpapasuso o breastfeeding ay hindi madaling journey para sa mga nanay. Ito ay madaming kailangang pagdaanan at matutunan. Pero sa kabila nito, gusto pa rin niyang magbigay ng gatas sa kanyang anak sa pamamagitan ng breastfeeding.
“Breastfeeding might be the hardest thing that any woman has experience in her whole life. I do love the feeling of breastfeeding and i love to breastfeed.”
Ayon kay Mommy Solenn, may dalawang klase ng babae. Ito ang ‘gifted woman‘ at ‘non-gifted woman‘ na partikular sa breastfeeding. At kabilang siya sa ‘non-gifted woman‘ pagdating sa gatas.
Sa kwento ng aktres, noong bagong panganak pa lamang siya ay talagang nag struggle ito sa pagbibigay ng gatas sa kanyang anak. Dito siya nag-alala dahil bumababa ang timbang ng kanyang baby. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, binigyan ito ng breastmilk para kay baby Thylane.
Solenn Heussaff breastfeeding journey
Mahalaga ang breastmilk sa newborn babies dahil ito ang pinakakailangan nila para sa mabilis at healthy nilang paglaki. Tanging sa ina lamang nila nakukuha ang ganitong klaseng sustansya.
Ngunit ayon kay Mommy Solenn, nasa isang nanay ang desisyon kung ito ay gagamit ng breastmilk, mixed milk at formula milk. ‘Wag hahayaan na i-judge kayo ng karamihan. As long as alam niyong healthy si baby, ito ang pinaka importante sa lahat.
“But as a mom out there, if you were purely BREASTFEEDING, if you are MIXED FEEDING or if you are FORMULA FEEDING, you do you DON’ LET ANYONE JUDGE YOU. At the end of the day as long as your baby is healthy, that’s the important thing.
Dagdag pa niya, ‘Every mom is different’ dahil hindi lahat ay may pagkakaroon na mabigyan ng sapat na gatas ang kanilang mga anak.
Payo ni Mommy Solenn, kung uugaliin ng isang ina ang mag latch, ito ay may posibilidad na magkapag produce ng sapat na gatas ang isang mommy. “The more you latch, the more you produce milk.” Dagdag pa niya na ‘wag agad panghinaan ng loob at ma-stress. Ito ay dahil maaaring makaapekto ang stress sa pagproduce ng gatas ni mommy.
Solenn Heussaff breastfeeding journey | Image from Solenn Heussaff Instagram
Isa pang way kung paano magkaroon ng gatas ay ‘wag kakalimutan ang mag pump. Pwedeng gumamit ng kamay o electric pump. The best time para mag pump ay kapag natapos si baby na mag latch.
‘Wag kakalimutan ang pagkain ng tama at healthy. Ang pagkain ni mommy ay isang importanteng bagay na malaki ang epekto sa kanyang pagpapasuso at pagproduce ng gatas.
BASAHIN:
Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!