Ayon sa survey, maraming sa mga tatay ang nakakaranas ng dad shaming. Mayroong pinagkaiba ang pagbibigay ng payo sa pagpapalaki ng bata at nakakapanirang pagpapahiya. Kalahati ng mga lumahok sa survey ay nagsabing binabago nila ang istilo ng pagpapalaki ng bata dahil sa mga komento. Subalit, ang kalahati pa ng bilang na ito ay nagsabing hindi epektibo at nakakapagpahiya lamang ang dad shaming.
Ang bagong mga datos ay mula sa C.S. Mott Children’s Hospital National Poll on Children’s Health. 713 na mga tatay ang lumahok. Sa mga ito, nasa 13 taong gulang ang pinaka-matandang anak.
Ano ba ang dad shaming?
Ang dad shaming ay ang pagpapahiya sa mga ama. Posibleng ito ay nakadirekta sa paraan ng pagpapalaki ng bata, sa kanilang estado sa buhay, o kaya sa mga responsibilidad nila sa bahay. At ayon sa naisagawang survey, ang mga karaniwang linalait sa mga tatay ay ang mga sumusunod:
Istilo ng pagdi-disiplina sa anak
Kadalasang ang asawa ang pumupuna. Dahil sa hindi pagkakapareho ng istilo ng pagdisiplina, nalilito ang mga bata at di pagkaka-sundo ng mga magulang.
Kung ano at paano nagpapakain ng anak
Isa sa mga madalas na pinupuna sa mga tatay ay kung ano ang pinapakain sa mga anak. Karaniwan, inaasahan ng iba na kapag tatay ang nagaalaga, walang sustansya ang kinakain ng bata o kaya naman ay hindi sapat.
Pakikipaglaro sa anak
Ang tingin din ng iba ay hindi binibigyan ng sapat na atensyon ng mga ama ang mga bata. Minsan naman ay dahil masyado raw magulo makipaglaro ang mga tatay lalo na kung sa lalaking anak.
Epekto ng pag-aalaga
Kabilang dito ang maraming bagay na maaaring maapektuhan ng pagaalaga sa bata. Kasama dito ang epekto sa pagtulog, kaligtasan o kaya naman ang itsura ng bata.
Ano ang epekto ng dad shaming sa mga ama?
Ayon sa co-director ng survey na si Sarah Clark ng University of Michigan, ang ibang ama ay inaaaral ang tamang pag-aalaga dahil sa mga pagpunang natatanggap. Ngunit, ang sobrang pagpuna sa mga tatay ay nagiging sanhi ng pagbaba ng kumpiyansa nila sa kakayahan maging ama.
Ayon sa survey, lagpas 25% ng mga lumahok ang nagsabi na ang mga negatibong paratang ay nakakasira sa kumpiyansa nila sa kakayahan maging ama. Nasa 20% ng mga lumahok naman ang nagsabi na nawawalan sila ng gana na maging magulang dahil sa mga ito. Halos 4 sa 10 sa mga lumahok ang nagsabing hindi makatarungan ang mga natatanggap na paratang.
9 sa 10 mga ama ang nagiisip na maganda ang kanilang pagaalaga sa kanilang mga anak. Ngunit, 1 sa 10 mga ama ang nakakaramdam na sila ay hindi nararapat maging ama. Ito ay dahil sa awtomatikong pag-iisip ng mga propesyonal na ang mga tatay ay hindi maalam sa mga pangangailangan at kaugalian ng mga anak.
Ayon kay Sarah Clark, ang mga pasimpleng panlalait sa mga kakayahan ng ama ay nakakasira sa kumpiyansa ng mga tatay. Maaari rin nitong maparating sa mga tatay na hindi sila importante sa kapakanan ng bata.
Sinu-sino ang madalas gumawa nito?
Ayon sa survey, ang mga madalas na pinanggagalingan ng dad shaming ay ang mga:
- Asawa o partners
- Lolo at lola ng bata
- Mga kaibigan ng tatay
- Propesyonal na nakakasalamuha ng bata (guro, duktor, nars)
Ano ang sanhi ng dad shaming
Ang nakikitang sanhi ng dad shaming ay ang tinatawag na gender roles. Ito ang inaasahan na kakayahan ayon sa kasarian dahil sa kultura o nakasanayan ng mga tao. Ayon sa gender roles, ang mga nanay ang may natural na kakayahan mag-alaga ng bata. Kabaliktaran nito, ang mga tatay ay kinikilalang may limitadong kapasidad para sa pagbabantay at pagdidisiplina. Kapag nangyayari ito, ang mga maliliit na di pagkakapareho sa istilo ng pagaalaga ay maaaring maging sanhi ng prublema.
Ang kultura, ayos ng pamilya at sariling pinagdaanan sa sariling ama ang humuhubog sa istilo ng pagaalaga ng isang ama at inaasahan ng iba.
Source: WebMD
Basahin: 4 Types of mom-shaming that all moms can relate to
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!