Ilang huwarang daddies na tinitiis maglakad para lang makapasok sa trabaho ang binigyan ng libreng bike!
Daddies na naglalakad araw-araw papasok ng trabaho, binigyan ng libreng bike
Ang simpleng regalo sa mga tatay ay malaking bagay na para sa kanila. Simpleng ‘Thank you’ man ‘yan o hindi pagkalimot sa katagang ‘Ingat ka!’ kapag papasok sila sa kanilang trabaho.
Lalo pang sinubok ang kanilang katatagan ngayong krisis ng COVID-19. Kasalukuyan pa rin kasing nasa ilalim ng General Community Quarantine ang Metro Manila at kanselado pa rin ang mga pampublikong transportasyon. Sa magandang balita, balik trabaho na ang ilang manggagawa. Ngunit hirap pa rin sila sa araw-araw na pag commute dahil walang masakyan.
Dahil kailangang kumayod kahit sa nasa gitna ng krisis, ang ilang tatay ay napilitang pumasok para may pang gastos araw-araw. Ito ay sa kabila ng problema sa masasakyan. Ang ilan ay napilitang maglakad papasok ng trabaho kahit na abutin pa sila ng ilang oras sa daan.
Sa tulong ng morning show na “Unang Hirit”, ang dalawang magiting nating daddies na sina Christian Kenneth Salazar, halos anim na oras na nagtatyagang maglakad papasok ng trabaho. At si Tatay Johnny Guinacaran na hindi iniintindi ang apat na oras na paglalakad makapasok lang sa kaniyang trabaho.
Sa Facebook post ng Unang Hirit, magiliw nitong ibinahagi ang pamimigay nila ng bike sa ating dalawang tatay! Ang post ay may caption na,
“Anim na oras ng paglalakad ang tinitiis ni Christian Kenneth Salazar para makarating sa kanyang trabaho. Si Tatay Johnny Guinacaran naman, apat na oras ang ginugugol sa paglalakad kahit na inatake ng stroke dati! Bilang saludo at pasasalamat sa kanilang pagpupursigi, binigyan ng bisikleta ang dalawang ama! Ito ang maagang regalo ng #UnangHirit para sa paparating na Father’s Day. Bilang tulong din sa kanilang kaligtasan, nagbigay ng safety gear ang programa sa pamamagitan ng #UHLigtasPadyakProject. Saludo kami sa inyo, Sir Christian at Tatay Johnny!”
Bilang pasasalamat at regalo ng Unang Hirit, binigyan ang mga ito ng libreng bikes na siguradong magagamit nila papasok sa trabaho!
Bukod sa brand new bike, binigyan rin sila ng safety gear na mula sa “Ligtas-Padyak” project. Ito ay kung saan nakapagbigay na sila ng mahigit 100 na set ng helmet, vest at blinking lights.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:
- Lagnat
- Dry cough
- Pagkaramdam ng pagod
- Hirap sa paghinga
May iba naman na nakakaranas ng:
- Sore throat
- Diarrhea
- Runny nose
- Nausea
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source: