Bilang paghahanda sa papasok na school year kung saan mai-implement ang online learning, San Juan public schools may libreng tablet.
San Juan public schools libreng tablet
Upang mapaigting ang online learning sa lungsod ng San Juan, inanunsyo ni City Mayor Francis Zamora na gagawing pilot school for the digital learning ang Pinaglabanan Elementary School.
Kasunod nito ay magpapamahagi sila ng 11,000 na tablets at ilang units ng laptop sa mga mag-aaral at eskwelahan sa San Juan. Ito ay kaugnay ng proyekto ng Department of Information and Communication o DICT.
Image from Freepik
“Tayo po ay nagkaroon ng kasunduan kasama ang Department of Information and Communication (DICT) kung saan ang San Juan po ay bibigyan ng 11,000 tablets para sa ating public schools,” San Juan City Mayor Francis Zamora said in Facebook live post on Monday, June 15.
Ang itinakdang pilot school ay bibigyan naman ng 1,500 laptop units. Ito ay upang maging 1 is to 1 ang ratio ng laptop at teachers.
“Ito ay bahagi ng programa ‘Makabagong San Juan’ kung saan nangako ako noon na tayo ay magiging smart city,” dagdag pa ni Mayor Zamora.
Free Wi-Fi sa buong lungsod
Matatandaan na noong 2019 ay nagkaroon ng mga internet hotspots sa lungsod ng San Juan at ito ay tinawag na Free Wi-Fi for All program.
Ang mga residente doon ay nagkaroon ng access sa 400 mbps na internet sa mga selected public places katulad ng San Juan City Hall, San Juan Library at San Juan Mini Park.
Free online learning portal
Image from Freepik
Mayroon namang inilunsad ang Department of Education na online learning portal. Kung saan maaring mag-upload ang mga pampublikong guro ng teaching materials. Ito naman ay maaring ma-access ng kanilang estudyante.
Magandang pagkakataon rin ito upang magabayan ng mga magulang ang kanilang anak sa pag-aaral. At isang mainam na paraan upang sila ay magkaroon ng productive at quality time ng magkasama.
Upang magamit ng iyong anak ang DepEd Commons ay kailangan niya ng internet. Pati na smart phone, tablet, laptop o desktop computer na kung saan maari niyang buksan ang learning portal.
Hanapin sa google ang DepEd Commons o kaya naman ay bisitahin ang website nito.
Paano gamitin ang DepEd Commons
- Sa landing page ng DepEd Commons website ay hanapin at piliin ang pangalan ng school ng iyong anak.
- Sunod na lalabas ang mga grade level na maaring pagpilian kung saan nabibilang ang iyong anak. Piliin at i-click ang kaniyang grade level.
- Matapos piliin ang grade level ay saka lalabas naman ang mga subjects na mayroon ang iyong anak. Ang mga subjects na available sa DepEd online learning portal ay naka-depende sa grade level ng iyong anak.
- Kapag napili na ang subject na gustong aralin ay lalabas ang mga available resources na mayroon sa online learning portal. Dito ay maaring mamili kung gustong matuto sa pamamagitan ng games o puzzle. I-click lang ang “Go to link” button upang ito ay mabuksan.
- Mayroon rin namang available resource na maaring i-download kung gusto itong pag-aralan sa susunod pang mga oras.
Ano naman ang blended learning?
Image from Freepik
Matatandaan na nagsimula na ang online enrollment nito lamang June 1, 2020 hanggang sa katapusan ng buwan kasalukuyan. Samantala, muli namang magbubukas ang klase para sa school year 2020-2021 sa darating na August 24, 2020.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang magiging pamamalakad ng klase ngayong school year 2020-2021 ay maaaring online schooling o kaya gumamit ng TV, internet at radio.
Meron ring mga magbibigay ng module ng paaaralan sa mga estudyante. Ito ay dahil hindi pa rin pinapayagan ang face-to-face classes sa lahat ng paaralan hangga’t wala pang vaccine laban sa COVID-19.
Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.
Source:
PIA,DICT
Basahin:
DepEd, nagbigay ng minimum specs para sa laptops at desktop na gagamitin sa distance learning
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!