Dahilan kung bakit nangangaliwa ang asawa, saan nagsisimula?
Isa sa pinakamahirap at pinakamasakit na parte ng relasyon ay ang pangangaliwa ng iyong asawa. Ang betrayal na ito ay isa sa dahilan kung bakit nagbabago ang perspective natin sa buhay.
Ayon sa statistics, parehong babae at lalaki ang nangangaliwa sa isang relasyon. Ngunit kadalasan nating naririnig ang kwento ng isang lalaki na nagkaroon ng affair sa ibang babae at ito ay nagreresulta ng pagkasira ng pamilya.
Ngunit ngayon, pag-uusapan natin ang confession ng isang babae at ang affair na ginawa niya sa ibang lalaki. Ibinahagi niya ang timeline ng kanyang mga karanasan at ano ang partikular na nangyayari sa loob ng affair.
Extramarital affairs
Dahilan kung bakit nangangaliwa ang asawa, ano nga ba?
Nagsimula lang siya bilang kaibigan ko
Ayon sa kanya, nagsimula ang pagkakaibigan nila ng makilala niya ito sa Facebook. Ina-add siya nito at dito nagsimula ang pagkakamabutihan nila. Hindi rin alam ng kanyang asawa ito.
“He started out being a friend of a friend’s. I met him on Facebook, in the comments section as we were arguing about a topic of interest to the both of us. He added me up and we were soon we reacting to each other’s posts on the regular. At the time my husband did know of his existence as a friend of mine,”
Marami ang pagkakapareho nila at pinagkakasunduang bagay. “He was like a perfect match.” Ayon sa kanya.
Dagdag pa ng babae na sariwa pa sa kanyang memory ang miscarriage na nangyari sa kanya isang taon lang ang nakakalipas nang magsimula ang affair nito sa iba.
Meron itong isang anak na lalaki, limang taong gulang. 5 months pa lamang ang siya sa kanyang pinagbubuntis nang ito ay malaglag. Dahil sa nangyari, nagbago na lamang siya bigla at hindi aware na nilalayuan na niya ang kanyang mga kaibigan.
“It was antagonising every time we would meet because they would show off those extra babies on their arms like arm-candy and it would irk me thoroughly. I stopped going out with them, I stopped taking their calls,”
Ayon sa kanya, gusto niyang magkaroon ng bagong kaibigan. Kaya nang dumating ang lalaking ito, naging masaya siya dahil hindi pa rin siya nagkakaroon ng lalaking kaibigan. Hindi rin niya lubos maisip na magkakaroon siya ng affair sa iba. Isa kasi siyang tipikal na nanay na busy sa gawaing bahay, pag-aalaga ng anak at iniintindi lang ang buhay may asawa.
“During those first few conversations, my husband and child featured strongly throughout. He knew I was married and had a family and I would give him daily updates of my life. But slowly, I started only talking of my son, and avoided mentioning my husband and our ten-year marriage in my daily stories and chats with him, until I slowly began to drop my husband completely out of the conversations,”
Dagdag nito na alam ng naging kaibigan niya na may asawa at anak siya. Ngunit paglipas ng mga araw, napansin na lamang niya na ang anak na lang niya ang kinakausap nito. Hindi na niya sinasali sa usapan ang 10 years marriage life nito at kanyang asawa sa bagong kaibigan.
Hanggang ang mga usapan nila ay nagkaroon na ng laman. ‘Yung tipong kailangan na niyang burahin ang kanilang pag-uusap sa cellphone dahil alam niyang magagalit ang asawa niya.
Ayon sa babae, hindi pa siya aware kung saan patungo ang kanilang araw-araw na pag-uusap ng lalaki. Ang alam nito, friendship lang ang tangi niyang hanap.
Extramarital affairs: Pwede bang maging mag bestfriend ang isang babaeng may asawa sa single na lalaki?
Sa ibang anggulo, maaari ba talagang maging matalik na kaibigan ang isang babae at lalaki?
Bahagi ng babae, hindi niya sinasabi na ang pagkakaibigan ay magdadala sa inyo sa isang problema. Ngunit para sa kanya, ito ay oo. Dagdag nito na sa simula pa lang ay bagong kaibigan ang tanging hanap niya. Isang kaibigan na magiging karamay niya.
Ito ay dahil hindi na niya nararamdaman at nakikita ang connection nito sa kanyang asawa. Masyado na kasi itong babad sa trabaho at hindi na siya napapansin. Kapag siya ay may pinagdadaanan, hindi man lang ito napapansin ng asawa niya.
Sa madaling salita, hindi niya nararamdaman ang pagmamahal at pagaaruga ng kanyang asawa.
“I don’t want to sound like I’m harping on small things, but my birthday was never celebrated, anniversaries were not cared for. I can count the number of times my husband just touched my face, like for no reason at all. There was no tenderness in our relationship and I was really craving for it,”
Hindi man lang nahawakan ng kanyang asawa ang kamay nito. Kasama na ang mga random hugs at kisses na hindi niya naramdaman sa asawa niya.
The only touch I experienced was during sex. And there was a lot of it, but it was not very satisfactory at all. I just wanted to feel.. loved I guess. Feel human almost,”
Pag-amin nito na hindi niya naramdaman na may problema pala siyang pinagdadaanan. Hanggang sa dumating ang lalaking nakilala niya online at ipinakilala siya sa bagong mundo. Ayon sa kanya na nagsisisi siya sa nangyaring affair ngunit may part pa rin sa kanya na nagpapasalamat siya dahil nakilala niya ito. Nakaramdam kasi siya ng pagmamahal at pag aaruga kahit papaano.
“For years I was just living my life as a married woman and I was slowly losing my spark without even knowing it, and suddenly this guy comes along and tells me things I did not believe in myself anymore. He was first and foremost a very good friend. And he was very kind to me, and I had not been receiving those things for a very long time prior to him coming into my life,”
Kahit na alam niyang may consequence na mangyayari, pinili pa rin niyang maranasan kung ano ang ‘affair’ na tinatawag.
Dahilan kung bakit nangangaliwa ang asawa: The aftermath
Ayon dito, aksidenteng nalaman ng kanyang asawa ang affair nito sa ibang lalaki dahil nakalimutan niyang burahin ang conversation nila sa cellphone.
Nang malaman ng kanyang asawa ang affair nito, nagalit ito ng todo. Pumasok na rin sa usapan ang divorce at sinabing kukunin nito ang kanilang anak. Dito na siya natauhan at narealize ang kasalanang ginawa niya.
Ang pagkawala ng kanyang anak ay masakit na para sa kanya. Pag-amin niya, mahal nito ang kanyang asawa. At ayaw rin itong humantong sa pagkasira ng kanyang pamilya.
Sa huli, mas pinili niyang ayusin ang problemang kanyang ginawa at ayusin ang pagsasama nila ng kanyang asawa. Ngunit umabot rin ito ng tatlong taon bago bumalik ang dati.
“Fast forward to almost four years later now, and it took a good three years for things to finally normalise and fall into place. There is still the odd day when the incident would be brought up, but it has reduced so much in frequency,”
Pagkatapos ng lahat, dito niya narealize ang problemang ginawa niya. Ayon sa kanya, mahirap harapin ang responsibilidad at ibalik ang dating buhay niya.
Humingi rin sila ng payo at tulong sa iba’t-ibang marriage counsellor pero hindi pa rin ito naayos.
“We went to a few marriage counsellors but nothing helped. He is not the sort to ever open and talk about anything so I quickly understood the only help I would be getting with my relationship problems came from within me. I was the only one who could fix this,”
Kapag nagagalit ang kanyang asawa, nananahimik na lang siya para hindi sumabay sa tension na nangyayari. Ipinaalam rin niya sa kanyang asawa ang lahat ng tinatanong nito. At isang araw, bigla na lamang itong hindi nagtanong sa kanya.
Sinubukan rin nilang magbalik loob at humanap ng religious answer. Ngunit hindi rin ito gumana. Hanggang sa sinabi ng kanyang asawa na maghiwalay na lang sila at humanap ng iba.
Dito rin pumasok ang ‘Open Marriage’ kung saan bukas sila sa konsepto na mag date ng iba at makipagrelasyon rin dito.
“After An Affair, Keeping Our Marriage Meant Working It Out Everyday”
Ang tanging ginawa lang ng babae ay maghintay at hindi kumibo sa lahat. Dahil ayon sa kanya, siya ang may kasalanan at responsibilidad niya ito.
At sa paghihintay niya, bumalik din sila sa dati.
“I needed to hold vigil for my relationship. For a very long time, it felt like I was just was waiting for forgiveness while remaining repentant and trying to work on my marriage. It seemed to me that I had to be patient for a very long time, years in fact, but I am glad I did. I know that seems like a very anti-climatic answer but that’s exactly what I did. I waited – a lot,”
Kwento rin ng babae, pagkatapos ng affair, naging dahilan ito kung bakit nagsimula na ding kausapin siya ng kanyang asawa. Nararamdaman na niya ang communication nila bilang mag-asawa at dumadating na sa point kung saan wala na silang dapat itago sa isa’t-isa.
“Thankfully, in my case, I was able to iron out (most) of the problems and I am still married to my husband. Are we happy? Yes, thankfully, 4 years later we are finally happy most of the time. Of course, we are not totally happy all the time and I don’t think anyone is, but we try our best. I am trying my best,”
Pagpapayo sa ibang kababaihan na may parehong nararanasan
Isa sa nakatulong sa kanila ay pagdadasal kasama na ang matyagang paghihintay.
“Meanwhile, I kept listening to a lot of TedTalks and lectures on extramarital affairs, and on the mentality of cheating and how it happened and I heard something very interesting that was like a revelation to me,”
Aminado ang babae na siya ay isang tipikal na asawa lamang. Ngunit hindi nya lubos maisip kung bakit nangyayari ito sa kanya.
Sa isang lecture na narinig niya, napagalaman niya na ang pangangaliwa ay hindi dahil ayaw mo sa iyong partner. Ito ay dahil tinatalikuran mo na ang dating ikaw. Hindi rin dahil naghahanap ka ng kalinga sa iba kundi gusto mong makita ang bagong ‘ikaw’ para maranasang mabuhay ulit.
Nagsimula na siyang hanapin ang happiness niya. At tumigil na dumepende sa kanyang asawa. Nagkaroon siya ng oras para sa kanyang sarili.
Payo naman niya sa mga kababaihan na pareho sa kanyang sitwasyon,
“Don’t do it. Don’t enter into close relationships with the other sex when you’re married, even if it starts out as strong friendship. Unless it is a mutual friend, and the friend is present in your everyday life in clear sight to your husband and is not a secret, don’t do it. If you think you have to keep this relationship a secret from your spouse, best friends, and family, it is not a relationship you should be having.”
Para sa kanya, ang Cheating ay nangangailangan ng matinding emotional wall sa iyong asawa.
“Choosing to confide in and trust, and find joy and happiness primarily in someone else outside your marriage can directly lead to cheating: avoid that at all costs,”
Kailanman, hindi naging okay ang pangangaliwa. Kung ikaw ay inaabuso, pisikal man o mentally, kumalas kana sa relasyon imbes na mangaliwa.
“Cheating opens up a whole new can of worms, one that will change not only your husband’s life but also yours drastically,”
Translated with permission from theAsianparent Singapore