Maaari bang magkaroon ng pulmonya si baby kapag natutulog ng nakatapat ang electric fan?

Totoo ba na nagiging dahilan ng pneumonia sa sanggol ay ang pagtapat sa kanila sa electricfan? Narito ang mga dapat malaman ng mga magulang tungkol dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong bata pa tayo, malamang ay naririnig mo madalas ang iyong nanay tungkol sa mga paniniwala na may connection sa sakit. Katulad ng, Kapag natulog ka na nakaharap sa’yo ang electric fan, ikaw ay magkakasakit. ‘Wag kang matutulog na basa ang buhok. ‘Wag kang maliligo sa ulan kasi magkakaroon ka ng lagnat. Ngunit dahilan nga ba ng pneumonia sa sanggol ay ang pagtapat sa electricfan?

Isang nanay ang nagbahagi ng kwento tungkol sa kanyang hindi makakalimutang experience. Ang anak nito kasi ay maaaring nagkaroon raw ng pulmonya (pneumonia) dahil nakatutok palagi rito ang electric fan.

Narito ang kanyang kwento.

Dahilan ng pneumonia sa sanggol, dahil nga ba sa electric fan?

Naniniwala ang isang ina nagkaroon ng sakit sa baga ang kanyang anak dahil natutulog ito ng nakatapat ang electric fan sa kanya. Hindi tumagal, ito ay naging pneumonia.

Ayon sa kanya, ang kanyang anak ay palaging malusog at hindi nagkakasakit. At dahil nga sa pagtulog nito na may nakaharap na fan, ito ay nagkaroon ng pneumonia. Tumagal rin ng tatlong araw ang kanyang anak sa ospital. Dito siya isinailalim sa diagnosis at treatment. At napag alaman na ito nga ay pulmonya.

Pagkatapos ng treatment sa bata ay gumaling rin ito kaagad. Ang payo naman ng doctor ay pag pahingahin muna ang bata at ‘wag hahayaan na matulog sila ng walang damit. Iwasan rin ang pagtapat ng electric fan sa kanila habang naka full ito.

Maaaring nagtataka ka kung bakit nagdudulot ng seryosong condition ang fan. Kaya naman narito ang ilang mga research tungkol sa myth na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahilan ng pneumonia sa sanggol, dahil nga ba sa electric fan? | Image from Unsplash

Ano nga ba ang pneumonia?

Ang Pneumonia o pulmonya sa tagalog ay isang infection sa parehong air sacs ng ating lungs. Ang sacs na ito ay maaaring may nakabara na pus dahilan para magkaroon ng pneumonia symptoms sa mga bata. Katulad ng lagnat, hirap sa paghinga at panlalamig. Kahit na common ang pulmonya sa bata, maaari pa rin itong magdulot ng seryosong condition sa kanila.

Maraming matatagpuan na germs katulad ng bacteria, fungi, virus o parasite na dahilan ng pneumonia. Maaaring magkaroon ng pulmonya ang parehong bata at matanda. Samantalang ang mga taong may mahinang immune system at iba pang sakit ay high risk na magkaroon ng malalang komplikasyon katulad ng respiratory failure, sepsis, kasama na ang death.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga sintomas ng pneumonia o pulmonya sa tagalog:

  • Nahihirapan huminga
  • Lagnat na umaabot sa 38.5 C o mababa pa
  • Discomfort
  • Sort throat
  • Panlalamig
  • Panginginig
  • Pananakit ng ulo
  • Dry cough
  • Mabilis na paghinga at may kasamang tunog
  • Pananakit ng tyan o dibdib
  • Pagsusuka
  • Kulay green o madugo ang plema
  • Hirap sa pagkain (infants) o pagbaba ng appetite (older kids)

Mahirap tukuyin ang pneumonia sa bata dahil nakadepende ito sa infected lungs. Ang middle o top infection ay dahilan ng hirap sa paghinga. Samantalang ang infection naman sa lower part ay nagdudulot ng pagsusuka, nausea o masamang tyan.

Pero ang tanong, maaari bang magdulot ng pulmonya ang pagtulog kaharap ang fan? Paano ang ubo?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahilan ng pneumonia sa sanggol, dahil nga ba sa electric fan? | Image from Unsplash

Maaari bang magdulot ng pulmonya ang pagtulog kaharap ang fan? Narito ang side ng science dito

Ayon kay Dr. Anay Bhalerao, ang ubo ay nakukuha sa virus na nakakalat sa hangin. At hindi laging ibig sabihin ng sipon ng bata ay magkakaroon ito ng ubo o lagnat.

Ang runny nose ay dulot ng allergic reaction na dulot ng ibinubugang dumi ng electric fan sa loob ng kwarto. Pinabulaanan rin ni Dr. Anay na hindi magkakaroon ng pulmonya ang bata kapag nakatapat sa electric fan.

Poor air quality, crowding, or even dust can cause a baby to have a runny nose. Air circulation from a fan may aggravate the condition, but will not cause Pneumonia. Conditions like Pneumonia and Flu are caused by pathogens. These pathogens spread among people from close contact. Unless the child is in contact with these pathogens and has low immunity, he will likely not develop the flu or pneumonia.

Payo ni Doc, panatilihin ang basic hygiene kapag may sipon si baby. Katulad ng paglilinis ng kwarto, paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos hawakan si baby. Dagdag pa nito na kung magkaroon ng lagnat ang iyong anak ay mabuting agad na pumunta sa doctor.

Dahilan ng pneumonia sa sanggol: Treatment & prevention

Prevention

  1. Maghugas ng kamay palagi.
  2. GUmamit ng ibang cup o utensil kapag may sakit ang bata
  3. Kailangan ng immunizations para maiwasan ang infections
  4. Palakasin ang immune system ng iyong anak katulad ng pagbibigay ng sapat na tulog, exercise at healthy diet
  5. Pangaralan ang iyong anak na kung uubo o babahing, dapat ay tabunan ang kanilang mga bibig at agad na maghugas ng kamay.
  6. Pagsuotin ng surgical mask ang bata kung siya ay may sipon o ubo
  7. Mahalaga ang breastfeeding sa first six month ng bata para maiwasan ito at mapalakas ang immunity ng baby.

Kung mayroong lagnat, ubo o hirap huminga ang bata, agad rin silang dalhin sa doctor. Dito sila isasailalim sa diagnosis at effective treatment.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pneumonia ay dahil sa pathogens. Kaya isa sa mga paraan para maiwasan ito ay ang pagkakaroon ng tamang vaccine ng bata. Kailangan nilang magkaroon ng  seasonal flue vaccine para hindi magkaroon nito.

Ang mga taong may mahinang immune system ay kailangan rin ng pneumococcal vaccine.

Dahilan ng pneumonia sa sanggol, dahil nga ba sa electric fan? | Image from Unsplash

Treatment

Nakadepende ang gamot na ibibigay ng doctor kung anong bacteria o virus ang pinagmulan ng pneumonia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • kung ito ay dahil sa bacterial infection, kailangan nila ng antibiotics para gumaling.
    • Tumatagal kadalasan ang treatment ng 7 to 10 days
    • Kailangang tapusin ang antibiotics na scheduled ng doctor. Maaaring hindi maging epektibo ang epekto ng antibiotics kapag hindi nakumpleto ang pag-inom nito.
  • kung ito ay dahil sa bacterial infection, kailangan nila ng anti-viral medicine para gumaling dahil hindi makakatulong ang antibiotics dito.
    • kung hindi malala ang viral infection, makakatulong ang bed rest, balances diet at pag inom ng madaming fluids para gumaling.
    • iwasan muna ang pakikipaghalubilo sa ibang bata katulag nd exercise o indoor at outdoor activity

Home remedies para mapabilis ang recovery

  • Bigyan ng maraming fluids ang bata. Fruit juices o soup dishes katulad ng misua soup at bihon soup
  • Kung nananakit ang dibdib ng iyong anak, gumamit ng warm compress sa chest area
  • Siguraduhin na mabibigyan ng tamang prescribed medication ang iyong anak na binigay ng doctor
  • Lagyan ng cool fever patch ang noo ng iyong anak kung siya ay may lagnat.
  • Maging patient kung walang ganang kumain ang iyong anak.

 

If you want to read the english version of this article, click here.

 

BASAHIN:

Baby na may pneumonia tinanggihan ng mga ospital sa Laguna

Sinulat ni

Mach Marciano