Ang tukso ng pangangaliwa ay hindi lamang nakakaapekto sa mga kalalakihan kundi sa mga babae rin. Sa katunayan, parami ng parami ang mga babaeng nagtataksil sa kanilang mga asawa, na ayon sa Psychology Today ay nasa 30 hanggang 60 porsyento ng mga kababaihan, kumpara sa 50 hanggang 70 porsyento ng mga kalalakihan.
Bakit nanlalaki ang mga babae?
Ayon kay Dr. Frances Praver, isang clinical psychologist, ang dahilan kung bakit nanlalaki ang mga babae ay dahil wala siyang takot at desperado na. Nagpapasyang magtaksil sa kanyang asawa sa pagnanais ng pagbabago sa kanilang pagsasama. Para sa kanila, ang isang affair ay hindi lamang para sa katuwaan kundi dahil sa pangagailangan ng kanilang mga emosyon.
Image from Freepik
Hindi mahalaga kung siya ay may perpektong asawa, may bahay o kaya naman ay anak, ani Dr. Praver. Naniniwala na maraming babae ang nangangaliwa habang sila ay kasal. Para sa karamihan ng mga babae, ang hindi natutugunan na pagnanasa at pangangailangan ang dahlia kung bakit naghahanap sila ng ibang mga paraan para maramdaman ang seguridad sa kanilang sarili at maging kuntento kung kaya’t madalas silang nauuwi sa mga braso ng ibang lalaki.
Higit sa romansa o ang pangangailangan na maramdaman na sila ay pinoprotektahan at pinahahalagahan, maraming babae ang naghahanap ng affair para mapatunayan na may pagkakapantay-pantay sila sa isang relasyon, ayon kay Dr. Praver.
Higit sa romansa o ang pangangailangan na maramdaman na sila ay pinoprotektahan at pinahahalagahan, maraming babae ang naghahanap ng affair para mapatunayan na may pagkakapantay-pantay sila sa isang relasyon, ayon kay Dr. Praver.
Image from Freepik
Ayon naman sa isang manunulat na si Susan Shapiro, na s’yang nag-research tungkol sa pagtataksil ng mga kababaihan simula pa noong dekada 90, napag-alaman niya na ang pagtataksil karaniwan ay nangyayari sa kinamamayaan ng pagsasama, dahilan sa mga sumusunod:
- Hindi sila nasisiyahan sa pakikipagtalik sa asawa
- Nakakakilala sila ng mas kanais-nais na katuwang sa kanilang trabaho
- Hindi nila nararamdaman na sila ay pinahahalagahan ng kanilang asawa
- Nagkakaroon muli sila ng koneksyon sa kanilang mga ex at nakakakilala sila ng iba pang mga lalaki sa internet
- Nahuhulog ang loob nila sa ibang lalaki
Sa maraming pagkakataon, nagsisimula ang pagtataksil sa tinatawag na emotional cheating. Kung naaramdaman mo na hindi natutugunan ng iyong asawa ang iyong mga pangangailangan, mas mabuting ito ay inyong pag-usapan. Narito ang mga natuklasan ni Shapiro sa kanyang pag-aaral sa loob ng dalawang dekada.
Image from Freepik
- 70% ng mga kababaihan ang nagsasabi na kabaligtaran ng kanilang asawa ang kanilang kinakasama
- 40% ang nagsasabi na ang kanilang kinakasama ang kanilang paraan para makawala
- Higit 60% ng mga maybahay ang handang magkaroon ng affair sa internet
- 65% ng mga babaeng kanyang nakapanayam ang nagsabi na mas nasiyahan sila sa pakikipagtalik sa kanilang kabit
- 90% sa kanila ang nagsabi na inakala nilang imposible silang magkaroon ng affair.
Sa mga impormasyon na ito, maaari nating masabi na parehong ang babae at lalaki sa isang pagsasama ang may kasalanan kung bakit nagkakaroon ng emotional at physical cheating. Ang pagtataksil ay walang pinipilang kasarian kaya naman kailangangan maging maingat ng mga mag-asawa.
Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Bianchi Mendoza.
READ: 10 Signs your husband is cheating, according to a former mistress
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!