Isang dalagita ang ginahasa sa Lingayen, Pangasinan bago mag-bisperas nitong Pasko. Ayon sa report, ang dalagita ay 13-anyos at galing sa pangangaroling nang mangyari ang panggagahasa. Paano maiiwasang mangyari ito sa iyong anak? Alamin dito ang maari mong gawin.
Mababasa dito ang sumusunod:
Dalagita ginahasa matapos mangaroling
Nangyari umano ang insidente sa madilim na baybayin ng dagat sa Libsong East, Lingayen, Pangasinan. Papauwi na daw ang biktima matapos mangaroling nang alukin siya ng dalawang lalaking nakamotorsiklo na sumabay nalang sa kanila. Ang menor de edad tinanggap ang alok ng mga suspek na hindi niya inakalang may masamang binabalak pala.
Kinilala ang isa sa mga suspek na si alyas Roniel, 18-anyos at residente ng nasabing lugar. Si Roniel daw ang gumahasa sa biktima. Susundan pa dapat ito ng isa pang kasama nito pero ito ay tumigil ng may tumawag sa kaniya at sinabing alam nito na kasama ng dalawa ang menor de edad. Na-unsyame ang balak ng isa pang suspek at sa halip ay inihatid ang dalagita sa bahay nito.
Pinagtangkaan daw ng dalawang itinuturong suspek na sasaktan nila ang biktima kung ito ay magsusumbong. Pero dahil sa nareport na ang insidente ang dalawang suspek ay ipinaghahanap na ng mga pulis. At base sa medical reports ay positibo ngang ginahasa ang kaawa-awang dalagita.
Paano maiiwasang mangyari ito sa iyong anak?
Sa mga ganitong uri ng krimen, paano nga ba mapoprotektahanan ang iyong anak? Narito ang ilang hakbang.
- Hikayatin ang open communication para mapagusapan at maiwasan ang mga hindi kanais-nais na bagay na mangyari sa iyong anak.
- Turuan silang magsabi ng “hindi” nang may kumpiyansa at umalis sa mga sitwasyong hindi sila komportable.
- Kilalanin ang kanilang mga kaibigan, kakilala, at mga lugar na madalas nilang puntahan.
- Siguraduhin na laging may kasamang adult o matanda ang iyong anak na mapagkakatiwalaan.
- Hikayatin silang maging alerto at kilalanin ang mga posibleng hindi ligtas na sitwasyon.
- Turuan silang iwasan ang mga lugar na liblib, lalo na kung kasama ang mga taong hindi nila ganap na kilala o pinagkakatiwalaan.
- Siguraduhing alam nila ang mga resources tulad ng hotline o lokal na organisasyon kung saan sila makakahingi ng tulong.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!