Responsibilidad ng ating kapulisan na panatilihin ang kaayusan at tayo ay protektahan. Kaya nga sumasailalim sa training ang mga pulis ay upang tayo ay maprotektahan mula sa krimen sa Pilipinas. Ngunit minsan, mayroong mga pulis na inaabuso ang kanilang kapangyarihan at sila mismo ang gumagawa ng karahasan sa taumbayan.
Tulad na lang ng isang insidente kamakailan kung saan ginahasa ng pulis ang isang batang babae kapalit ng paglaya ng kaniyang mga magulang. Paano nangyari ang ganitong insidente? Ano ang magagawa ng mga magulang upang makaiwas sa ganitong pangyayari?
Pati mga pulis ay gumagawa ng krimen sa Pilipinas
Source: Shutterstock
Nangyari ang insidente nang mahuli ng mga pulis ang mag-asawa dahil umano sa pagbebenta ng droga. Ngunit pinilit ng mga pulis na isama ang 15 taong gulang na anak ng mag-asawa.
Ayon sa ina ng bata, sinabi daw ng isang pulis na si Eduardo Valencia na ilalaglag daw ang kaso sa kaniyang mga magulang kung pumayag siya na makipagtalik sa pulis.
Matapos kasuhan ang kaniyang mga magulang, nagpresenta ang pulis na iuuwi daw sa bahay ang bata. Ngunit sa halip na sa bahay ay sa motel nito dinala ang bata at doon siya ay ginahasa.
Nang makauwi na sa bahay ang bata, doon niya inamin sa kaniyang mga kamag-anak na ginahasa siya ng pulis. Dahil dito, agad na nagsampa ng reklamo ang pamilya ng bata, at ito ay nakarating kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar.
Matapos sampahan ng reklamo, agad na hinuli ang suspek. Itinanggi man ng suspek ang akusasyon, natagpuan sa mga medical tests na ginahasa nga ang batang babae. Sasampahan ngayon ng kaso ang suspek dahil sa nagawang krimen.
Mahirap magtiwala ng basta basta
Sa panahon ngayon, mahirap talagang masabi kung sino ang iyong mapagkakatiwalaan. Kaya’t mahalagang laging paalalahanan ang iyong anak na mag-ingat sa mga taong nasa paligid nila.
Bukod dito, mahalaga ring turuan ang iyong anak kung paano nila mapoprotektahan ang kanilang sarili. Heto ang ilang mga self defense techniques para mapangalagaan nila ang kanilang sarili.
Paano makakaiwas sa krimen sa Pilipinas ang mga kabataan?
1. Alamin ang iyong karapatan. Importanteng alam ng iyong anak ang kaniyang karapatan. Hindi siya dapat pumayag na sumama sa pulis, lalo na kung walang dahilan para siya ay hulihin o dakipin.
2. Huwag lumakad ng mag-isa. Kung sila ay lalabas, siguraduhing mayroon silang kasama na isang taong mapagkakatiwalaan mo din.
3. Umiwas sa madidilim at liblib na lugar. Hindi dapat sila manatili sa mga madidilim at liblib na lugar. mas mabuti na naroon sila sa lugar na matao at maraming ilaw, at mayroong mga CCTV.
4. Humingi ng tulong o tumakbo. Kapag sila ay nasa panganib, hindi dapat sila magdalawang-isip na humingi ng tulong o tumakbo para sa kanilang seguridad.
5. Mag-aral ng self defense. Nakakatulong rin ang self defense upang maprotektahan ng iyong anak ang kaniyang sarili kung sakaling siya ay mapunta sa panganib. Ngunit ito dapat ang huling paraan kung wala na talaga silang ibang magawa. Mas mabuti pa rin na umiwas sa gulo para sa kaligtasan.
Puwede nang matuto ng self defense ang mga bata mula sa edad na 10 hanggang 11 taong gulang.
Panoorin ito para sa ilang mahahalagang self defense techniques:
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
BASAHIN: 5 Self-defense basics every dad should teach his daughter
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!