Mga bagay na dapat i-consider sa pagpili ng damit ni baby

Alam nyo ba mga mommy na  doble dapat ang damit ni baby sa taglamig dahil kung nilalamig ka sa panahon, 2x na nilalamig si baby? Basahin.

Bagong panganak ka ba mommy? O may plano nang mamili ng mga damit ni baby dahil nakapag-gender reveal na kayo? Basahin dito ang mga dapat iconsider sa pagpili ng mga damit na kailangan at dapat isuot ni baby.

Common na sa mga mommies at daddies na sa pagpili ng damit ni baby ay inuuna nila ang gender, safety, madaling maisuot, proteksyon at maging ang kalidad.

Pero minsan, nagiging clueless ang mga parents sa pagpili ng isusuot ni baby kapag may darating na okasyon, iba’t ibang panahon at klima, at iba pang mga dahilan.

Mga mommies, alam naman nating may pagkakaiba sa size at shape nila, at maaaring mabilis ang kanilang paglaki. Maaaring ang pipiliin at bibilhin mong damit ay may range ng sizes at iba’t ibang kulay.

Kailangan ding madaling isuot kay baby at kumportable sa kanya.

Para malaman ng mga mommies ang mga dapat nilang i-consider sa pagpili at pagbili ng damit ni baby, narito ang mga pag-uusapan natin:

  • Ano ang mga damit na kailangan ni baby sa bawat klima?
  • Best shop kung saan maaaring bumili ng damit ni baby
  • Dapat bang bumili ng mamahaling damit ni baby?

Mga damit ni baby na kailagan niya sa 0-12 na buwan

Mga mommies, siyempre sisimulan nating damitan si baby pagkapanganak sa kanya. Iisa-isahin natin ang mga damit na dapat bilhin para sa kanya habang siya ay lumalaki.

Hindi maikakaila na mabilis ang paglaki ni baby. Kaya naman, sa bawat damit na bibilhin mga mommies, siguraduhang minimum na bilang lamang kada types ng damit.

  • Para sa mga bagong panganak hanggang 3 months old

Kapag naghahanap tayo ng mga damit para sa bagong panganak na baby hanggang 3 buwan, hanapin ang size 000.

Ang mga damit na dapat piliin ay komportable, malambot, at madaling labhan at linisan. Tulad ng mga damit na gawa sa cotton, at mga stretchy jumpsuits na nasa harap ang sarahan.

Tignan din sa label ng damit kung fire hazard ba ang binibili. Mas safe itong isuot kay baby.

Kapag taglamig naman, mahalaga ang mga jacket na para kay baby, pati ang mga medyas. Puwede ring samahan ng mittens para hindi lamigin ang mga kamay niya at hindi rin masugatan ng kanyang kuko.

Ito ang mga suggestions na damit na dapat para kay baby mula 0-6 months old:

  • 6 na singlets
  • 6 na jumpsuits/onesies
  • 2 jumpsuits para sa gabi
  • 3 tops (maaaring may short sleeve o wala)
  • 2 cotton hats
  • 3 muslin wraps lalo na kapag taglamig
  • Baby sleeping bag kung walang muslin wraps
  • 3 pares ng medyas
  • 3 pares ng mittens/baby gloves na manipis

Maaaring mabago ang bilang ng bawat damit na ito o ang mga bibilhing damit ngunit ito ang maximum na kailangan ng baby mo mommy para sa 99.99% na proteksyon at alaga.

Auxillary na damit na puwedeng i-consider na bilhin ay baby bibs, lalo na kung di pa marunong ngumuya ng pagkain si baby o kaya kapag may times na lumulungad siya.

  • Para sa mga 3 months old hanggang 12 months old

Sa ganitong range ng buwan, lumalaki rin nang mabilis si baby. Ang bawat babies ay may iba’t ibang sukat, laki, at tangkad kaya maaaring maiba ang mga nakaplano mo nang bilhin na size depende kung paano siya lumalaki.

Sa ganitong edad rin ay medyo naglilikot-likot na si baby at kakailanganin talaga ng maraming pamalit na damit. 

Pero mommies, maaari niyong i-consider ang ilan sa mga damit na ito na dapat meron si baby sa kanyang 3-12 months old:

  • 4 to 8 na shirts
  • 4 to 8 na onesies (para sa mga 3-6 months old)
  • 7 one-piece footed na pajamas
  • 3 to 6 na rompers
  • 2 to 4 na terno ng pang-itaas at pang-ibaba
  • 1 to 3 seasonal na outfit lalo na kung ipapasyal-pasyal na si baby
  • 4 to 8 na pares ng medyas at 1 pares ng sapatos na swak sa size ni baby
  • 1 to 2 na sweater kapag taglamig
  • 1 to 3 na hats para sa taglamig at tag-init

Tandaan mga mommies, siguraduhing malalambot at gawa sa cotton ang mga bibilhin na damit ni baby. Huwag ring bumili ng damit na hindi bagay sa klima ng paligid at temperature sa loob ng bahay.

Ang pinakamahalagang i-consider ng isang mommy ay ang pagkakomportable at safe na pakiramdam ni baby para sa kanyang pananamit.

Mga damit ni baby na dapat bilhin ni mommy sa bawat klima

Ang unang kailangang iconsider ng mga mommies sa pagpili ng damit ni baby ay ang klima at panahon. Kailangan ng baby ng proteksyon dahil ito ang pinaka-function ng damit.

Nakakalito at clueless ka sa umpisa pero mapipili mo rin ang approapriate na damit kay baby lalo na sa mga extreme na temperatura. Kung nilalamig ka, maaaring dalawang beses na nilalamig si baby, ganun din kapag mainit.

Dito sa Pilipinas, mayroon tayong dalawang default na klima, ang tag-init at tag-ulan. Ang tag-init ay nagsisimula kadalasan mula March hanggang June. Samantala, ang tag-ulan naman ay nagsisimula mula July hanggang November.

May mga buwan kung kailan nagiging mild ang klima, kahit pa tag-init 0 tag-ulan. Ang pinakamalamig na panahon ay dumadating kada December hanggang January.

May binabagayang damit ang bawat panahon at klima na ito. Dahil hindi pa marunong mag-regulate ng temperature ng katawan si baby, dapat laging bantayin at piliin ang tamang damit sa kanya.

Isa-isahin natin ang mga dapat tandaan at piliing damit ni baby sa kada klima.

Kinuha ang larawan sa | freepik.com

Pag-consider sa Tag-ulan

Sa ganitong panahon maaaring makakuha ng sakit si baby tulad ng lagnat, sipon, ubo at iba pang sakit tuwing malamig ang klima. Kung kaya, ito ang mga bagay na dapat iconsider:

1. Maglagay ng layers.

Magandang maglagay ng 2 layers ng damit ni baby. Tinatrap ng layers na ito ang init para maging proteksyon ni baby sa lamig ng panahon. Mga thin cotton na damit ang maaaring gamiting pandoble ni baby. Maaaring magdagdag kung kinakailangan.

Maaring piliin ang thin sleeper onesie, tapos patungan ng long sleeved o kaya ng pajama. Huwag din kalimutan ang medyas ni baby.

2. Takpan si baby.

Siguraduhing natatakpan ang buong katawan ni baby, mula ulo, pwera sa mukha, hanggang paa. Bumili ng mga hats ni baby, hoodie na onesie, mittens, pajama, at medyas.

Kinuha ang larawan mula sa | freepik.com

3. Gumamit ng blankets kapag nasa labas ng bahay.

Kung mamamasyal kayo ni baby sa labas para mag-stroll, maaaring kumutan si baby ng blanket o takpan si baby ng rain cover ng stroller kung available. Iwasang mabasa si baby kung maulan naman.

4. Iwasang damitan si baby ng maraming layers.

Ang napakaraming layers naman ng pagdadamit kay baby o paglalagay ng maraming blankets ay maaaring mag-cause ng overheating at SIDS (sudden infant death syndrome).

Kung galing din kayo sa labas ng bahay, alisin ang mga damit na dinoble kay baby, kahit pa natutulog siya.

5. Panatilihin ang normal na temperatura sa bahay.

Ang normal na room temperature ay 37 degrees Celcius. Iwasang maging mas mataas o mas mababa sa normal temperature ang inyong bahay.

Kung natutulog si baby, laging i-check kung pinagpapawisan na si baby kung nakadoble, at i-check din kung nalalamigan na siya masyado.

Pag-consider sa Tag-init

Hindi lang sa tag-ulan o taglamig dapat ingatan si baby. Nakakasama rin kay baby ang maalinsangan at napaka-init na panahon.

Ito ang mga dapat i-consider sa pagpili ng damit para sa iyong little one kung tag-init:

1. Huwag i-doble ang damit ni baby.

Kung lalampasa na sa 25-37 degrees Celcius ang temperatura ng paligid, alisin o huwag nang doblehin ang damit ng iyong little one. Sa sobrang init na klima, sapat na ang isang layer ng damit ni baby.

2. Takpan ang bumbunan ni baby ng manipis na hat.

Bumili ng hats na para naman sa tag-init lalo na ang magagaan at maninipis na hats. Maaaring proteksyon din ito sa bumbunan ni baby hindi lang sa tag-ulan kundi sa sobrang katirik na araw.

3. Suotan ng maninipis na damit ang iyong little one.

Kung sobrang init sa labas ng bahay, suotan ng maninipis na damit si baby. Minsan, puwede pa ring suotan ng isa pang layer si baby lalo na kung natutulog. Maaaring damitan siya ng sleeper onesie o thick sack.

Kung karga-karga ni mommy si baby, gumamit ng carrier na maipis magiging kumportable si baby.

4. Huwag hayaang ma-expose sa araw si baby.

Payo ng ilang doktor na puwedeng gumamit ng sun screen ang mga baby ngunit hindi pa ito applicable sa mga babies na 6 months below.

Ang hangga’t puwede, huwag hayaang ma-expose si baby sa araw. Kung naglalakad sa labas, gumamit ng manipis na hat at payungan si baby at ang sarili. Habang naglalakad, magpahinga kahit saglit sa makulimlim na shed.

5. Huwag hayaang masilaw si baby.

Panatilihing protektado ang mata ni baby sa direktang sinag ng araw. Maaaring bumili ng sunglass na swak at sakto para kay baby.

Dahil ang gamit ng damit ni baby ay proteksyon sa kaniya, siguraduhin ito sa pagpili ng damit na dapat bilhin mga mommies. Kung napadaan kayo sa department store sa baby’s section, alamin ang mga sumusunod na dapat iconsider din sa pagpili ng damit maliban sa klima o panahon:

  • age at size

Tandaan na maaaring mabilis ang paglaki ni baby. Kung bibili ng damit, pumili ng mga range ng size ng damit batay sa kasalukuyang damit ni baby hanggang sa expected na paglaki ng size ni baby.

  • gender

May mga damit ng baby sa department stores na naglalagay ng gender batay sa kulay at itsura. Bilhin ang appropriate para kay baby.

  • design ng damit at okasyon

Katulad ng gender-based na mga damit, may mga damit na may design din. Maaaring bilhin ang damit na may design batay sa kailangan ni baby sa iba’t ibang okasyon tulad ng christening, birthday parties, pamamasyal, etc.

Huwag bilhin ang damit na overdesigned tulad ng mga may mga beads, crystals, etc. na maaaring malunok o makain ni baby.

  • presyo

Kapag ang mga mommies ay may baby na, isinasama na rin sa budget si baby. Siguraduhing ang bibilhing mga damit na kailangan at per occasion ay nasa abot kayang halaga at pasok sa budget.

Larawan mula sa Shutterstock

BASAHIN: 

LIST: Top 12 comfortable at affordable baru-baruan para kay baby

Ito ang dahilan kung bakit dapat labahan muna ang bagong damit bago ipasuot kay baby

21 Best detergent para sa damit ni baby

 Best shops sa Pilipinas kung saan puwedeng mamili ng damit ni baby

Kailangan mga mommies, meron din tayong alam na malapit na bilihan sa pagpili ng damit ni baby. Maaari ring magpadeliver dahil na rin sa pandemic situation at guidelines na meron sa bansa.

Pero, mas okay kung mahahawakan, makikita, at mache-check mo ang quality, nipis, presyo, at ganda ng mga damit.

Narito ang 5 sa best shops na puwede mong pagpilian:

Kung naghahanap ka ng store na maraming deals para sa damit ni baby, ito ang pwedeng hanapin. Binuo ang store na ito ng mga mommies, aspiring mommies, at ng mga kids-at-heart.

Ang Edamama ay grupo ng iba’t ibang indibidwal na may experiences at nalalaman na pwedeng magbigay ng advice sa iyo sa pagpili ng tamang damit at gamit ni baby.

Sinimulan ng isang mommy rin ang store na ito. Ang pagkakaroon ng first-hand experience sa pagpapalaki ng baby ang maaaring makatulong din sa iyo na makapamili ng baby essentials na tama para sa baby mo.

Maliban sa mga damit at gamit ni baby, ang Urban Essentials ay isang perfect comfort hub ng mga mommies sa pagpapanatili ng kanilang postivie lifestyle. Maliban sa mommies ay store din ito para sa lahat ng babae in all ages.

Mga mommies na sobrang busy at maraming inaasikaso kaya hindi makalabas ng bahay para bumili ng damit ni baby? Narito ang Milk & Honey online shop.

Maaari kang umorder, magbayad on hand or online, i-track ang order sa mabilis at madaling paraan. Maliban sa mga kailangan ni baby, nagbebenta rin sila ng beauty products, food supplements, clothing accessories, maging party needs.

Ito ang online baby store na sobrang good ang quality ng kanilang produkto para kay baby.  Ang store na ito ay isang family-run business na nagbebenta ng mga unique na gamit ni baby, essentials para kay baby, gears, at footwear.

Marami pang magaganda at mapagkakatiwalaang online at physical stores para sa pagbili ng mga damit ni baby. Hanapin lamang ang pinakamalapit at accessible sa inyo mga mommies. Maaaring isama rin si baby sa pagpunta sa physical store.

Kung nagbabalak ka palang maging mommy, maaari ring pagtanungan ang mga nasabing stores sa kanilang experience, choices, at mga bagay na na-consider sa pagpili ng damit ng iyong little one

Dapat bang bumili ng mamahaling damit ni baby?

Larawan mula sa Shutterstock

Hindi masama ang pag-i-invest sa mga damit ng iyong little one. Bilang mommy na may iniisip na budget daily o monthly, maaari ring i-consider ang presyo ng mga biiblhing damit ni baby.

May mga mommies na isinasa-alang-alang ang presyo dahil maganda at tumatagal ang produkto, may mga mommies naman na nalilimitahan ng kanilang budget.

Tignan ang ilan sa maaaring pros at cons sa pagdedesisyong bumili ng mga pricey na damit ni baby.

Pros ng pagbili ng mga mamahaling damit:

  • Quality
  • Safety
  • Proteksyon
  • Customizable kaya pricey
  • Pwedeng i-resell kapag malaki na si baby

Cons ng pagbili naman ng mamahaling damit

  • Kulang sa budget
  • Maaaring makabili ng fake or scam kung online
  • Hindi worth it kung nagbabalak na isa lang ang magiging baby

Mga mommies, tandaan at laging isipin ang proteksyon at kapakanan ni baby sa pag-consider ng kanyang damit. Kung kaya ng budget, huwag tipirin si baby.

 

 

Sinulat ni

Nathanielle Torre