Dani Baretto ibinahagi sa kaniyang latest vlog ang mga pagbabagong naranasan sa kaniyang katawan simula ng siya ay magbuntis.
Ang numero una sa listahan ay ang pagkakaroon ng acne na ngayon niya lang naranasan.
Dani Baretto sa kaniyang pagbubuntis
Ayon kay Dani, bago siya magbuntis ay napaka-cooperative ng balat niya. Madalang siyang nagkakaroon ng pimples at kung magkaroon man ay hindi nagkakapeklat kapag gumaling na.
Pero magmula daw ng siya ay magbuntis halos kada linggo ay may bago siyang pimple sa ilong at sa kaniyang baba. At ang kapansin-pansin ay ang mga peklat na naiwan matapos itong maghilom.
Nagulat din daw si Dani kung gaano kabilis ang naging pagbabago sa kaniyang katawan. Dahil maliban sa pagiging acne-prone ng balat, lahat daw sa kaniyang katawan ay nagsimulang lumapad at lumaki.
Pero sabi ni Dani mas sumipag siya nang siya ay magbuntis na maaring parte ng kaniyang pagma-mature dahil sa paparating na malaking responsibilidad sa kaniya.
“I got really very gutsy when I got pregnant maybe because of the motivation na kailangan kong mag-ipon because I have a baby on the way. When I got pregnant, I got to travel more for leisure and for work. Mas marami akong nagawa, feeling ko mas naging malakas ako,” pagbabahagi pa ni Dani.
Mga pagbabago sa kaniyang katawan
Tulad din ng ibang buntis ay nakaranas ng migraines at pagsusuka si Dani sa kaniyang unang buwan ng pagbubuntis. Ngunit nawala din daw ito ng 2nd month ng kaniyang pregnancy.
Habang sa kaniyang 3rd month ay parang mas lumakas siya, sinipag mag-trabaho at nag-travel nang mas madalas. Pero paala ni Dani, ang pagbibiyahe ay hindi safe sa lahat ng buntis. Kaya naman mas mabuting kumonsulta muna sa doktor para malaman kung safe ba para sa buntis at kaniyang baby ang bumiyahe.
Mas napadalas nga daw ang pagbisita ni Dani sa doktor mula ng siya ay nagbuntis. Ito ay para masigurado na maayos ang lagay ng baby sa kaniyang sinapupunan.
“Mas naging fan ako ng doktor. Mas napapadalas ako ng punta para malaman ko kung ano ‘yong dapat kong kainin o tama ba ginagawa ko. I visit the doctor every 2 weeks to get checked kasi praning ako. How my pregnancy is, may complications ba o may kailangan ba kong inuming gamot,” pagbabahagi pa ni Dani.
Isa pa nga daw na napansin ni Dani na pagbabago sa kaniyang katawan simula ng siya ay mabuntis ay ang paghina ng kaniyang immune system. Na dahilan para hindi mawala-wala ang sipon at congestion na kaniyang nararanasan.
Pero ayon kay Dani kahit daw simpleng sipon ay dapat iniingatang huwag lumalala lalo na kung nagdadalang-tao. Dahil sa kaniyang karanasan, ang simpleng sipon ay nauwi sa ubo na nakapag-trigger ng kaniyang asthma at nagdulot rin ng ibang kumplikasyon sa kaniyang pagbubuntis.
Payo ni Dani Baretto sa ibang buntis
Paalala ni Dani sa ibang buntis, kapag nakaramdam ng kakaiba sa kanilang katawan ay agad na pumunta sa doktor para malaman kung ano ba ang dapat na gawin na safe para sa kaniya at kay baby. At higit sa lahat huwag mag-self medicate.
“Kapag buntis ka at feeling mo may sakit ka, magdoktor ka na”, mariing paalala ni Dani.
Tulad ng ibang buntis ay mayroon ding stretch marks si Dani. Ngunit kinokontrol niya ito sa pamamagitan ng pagpapahid ng oil na itinuro sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan na mommies na.
Hindi na rin daw nakakatulog nang maayos si Dani. Nakakaranas na rin siya ng pananakit ng likod, cramps at heartburn. Pero ganoon pa man super enjoy at excited daw si Dani sa kaniyang pagbubuntis. Kaya naman lahat ng preparations ay ginagawa niya sa pagdating ng first baby niya.
“Be responsible at kailangang pag-isipan ang lahat ng ggawin. Natutulog na ko ng maaga at nagigising na ko ng maaga. Pinapapraktis ko yung sarili ko na matulog na ng maayos as preparation”, kwento ni Dani.
Sa kaniyang pagbubuntis ay marami nga raw natutunan si Dani, isa na dito ang maging proud sa pagiging babae.
“Pregnancy enlighten me so much with our body and I never felt this proud to be a woman to be able to carry a child for 9 months and experience these changes”, sabi pa niya.
Narito ang latest ni vlog ni Dani Baretto tungkol sa kaniyang pagbubuntis.
Basahin: Dani Barretto, masayang inanunsyo ang kanyang pagdadalang-tao!