Dani Barretto, masayang inanunsyo ang kanyang pagdadalang-tao!

lead image

Masayang ipinakita ni Dani Barretto ang kanyang baby bump sa pinuntahang event ng asawang si Xavi Panlilio at ipinakita nga niya ang kanyang bump in style.

Masayang inanunsyo ni Dani Barretto sa kanyang Instagram account kagabi na siya ay nagdadalang-tao sa una nilang anak ni Xavi Panlilio. Ginawa ni Dani ang anunsyo sa Mega Equality Ball na kanilang pinuntahan ng kaniyang kabiyak na si Xavi.

Instagram post ni Dani Barretto

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Dani Barretto-Panlilio (@danibarretto) on

Via Instagram post nga pinili inanunsyo ng blogger/influencer na si Dani Barretto ang kanyang pagbubuntis. Ayon sa kanyang caption, "My Inspiration and my purpose. You changed my life in so many beautiful ways. I never thought this kind of happiness was even possible."

Dagdag pa niya, "In a few months, you will be the most delicate treasure we will ever hold in our arms, and there will be nothing more fragile in the whole world. For countless days, and nights we will always look down on you and be reminded of all the love that the three of us will forever share."

Tulad nga ng ibang mga celebrities na nagpo-post ng kanilang mga baby bumps, ipinakita din ni Dani Barretto ang kanyang baby bump in style. Nagsuot siya ng mahabang black dress na kumikinang na gawa ni Patricia Santos, ang gumawa din ng kanyang wedding gown.

Pag-anunsyo din ng asawang si Xavi Panlilio

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Xavi Panlilio-Barretto (@xavipanlilio) on

Nang inanunsyo ni Dani Barretto ang kanyang pagbubuntis sa Instagram at pagpapakita ng kanyang baby bump, nag-post din ang kanyang asawang si Xavi Panlilio sa Instagram nito ng couple picture naman nila na ipinapakita ang baby bump din ni Dani habang nakatingin ang asawang si Xavi sa bump.

Sa Intagram post ni Xavi sinabi niya sa kaniyang caption, "The past few months have been a rollercoaster of excitement. Meeting you gave me butterflies, a proposal had us hold our breath, a wedding gave us all the love and joy to fill a lifetime, and what’s to come is what will piece it all together."

"In a few months, you will be the most delicate treasure we will ever hold in our arms, and there will be nothing more fragile in the whole world. For countless days, and nights we will always look down on you and be reminded of all the love that the three of us will forever share," aniya pa.

"Mommy and daddy love you," dagdag pa ni Xavi.

Congratulations, Dani and Xavi!

 

Basahin: Dani Barretto, ni-reveal ang hinanakit sa amang si Kier Legaspi

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!