Ibinahagi ng vlogger at anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto ang karanasan ng kanyang baby sa diaper rash noong newborn pa lamang ito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Dani Barretto on diaper rash ng anak: “Wala namang magulang na gustong makitang in pain ang anak nila”
- Payo ni Dani Barretto sa mga parents na sinasanay na ang anak na hindi magsuot ng diapers
Dani Barretto on diaper rash ng anak: “Wala namang magulang na gustong makitang in pain ang anak nila”
Diaper rash ang isa sa mga sakit ng ulo ng parents. Makikita mo kasing nagsa-suffer ang bata sa kati, hapdi, at hassle na kayang ibigay nito. Si Dani Barretto, ibinahagi niya sa isang interview during the Pampers Up and Down Playdate event ang karanasan nila sa pagpapagaling ng rashes ng kanyang baby. Nagkaroon kasi ng naturang kondisyon si Millie noong newborn pa lamang ito.
Ayon sa kanya, kahit daw noong kapapanganak pa lang ng anak niya ay nakararanas na ito ng ito ng rashes dulot ng diaper na hindi hiyang sa kanyang balat. Magmula raw ng magpalit na sila ng brand ay hindi na niya ito muling prinoblema pa.
“She had diaper rashes when she was a newborn and ever since we switched never na naulit, so parang ako grateful ako in a sense na hindi ko na pinroblema ‘yon.”
Laking pasasalamat pa nga raw niya sa brand kasi prone talaga si Millie sa allergies na tulad nito.
“Sobrang sensitive nung skin niya so this is the only brand na nagamit ko sa kanya na hindi ako nagkaproblema.”
“I’m also grateful kasi ever since we switched to Pampers, it has been such an easy parang never na akong nagka-problem when it comes to diapers,” dagdag pa niya.
Para sa kanya biyaya raw na maiituturing ito dahil maraming mga magulang ang nagsu-suffer sa problemang ito. Alam niya rin daw naman na walng parents ang gustong makakita na nasasaktan ang kanilang anak lalo’t nasa murang edad pa lamang.
“Wala namang magulang na gustong makitang in pain ang anak nila eh. So talaga para for me I’m very grateful. That’s why when Pampers reached out I was so happy. Kasi it gave me the opportunity to share more about it.”
Very thankful din daw siya na marami na siyang natutunan along the way. Sa ngayon daw ay marami pang kailangang matutunan pa rin bilang first time mom. Pero nagpapasalamat na siya sa mga knowledge na na-gain niya from forums, talks and siyempre sa other moms din.
“Of course as a first-time mom, hindi mo naman alam lahat, e.”
Ang anak ni Dani na si Millie ay 3 years old na. Sa dating panayam ng theAsianparent Philippines kay Dani, sinabi nito na nagkakaroon na ng improvement sa speech delay ng kanyang daughter.
Dani sa pagsasanay kay Millie na hindi na magsuot ng diaper: “Be extra patient and extra understanding”
Dani Barretto kinailangan ng mahabang pasensya sa pagsasanay sa anak na hindi na magsuot ng diaper. | Larawan mula sa Instagram account ni Dani Barretto
Bukod sa maaaring maging problema ng diaper rash, susunod naman na iisipin ng magulang ay kung paano sasanayin ang kanilang anak na hindi na magsuot ng diaper. Para kay Dani Barretto, isang mahabang pasensya raw ang kinailangan niyang ibigay. Ito ay upang unti-unting matutunan ng kanyang anak na masanay nang walang suot na diaper.
“I guess it’s the patience lang kasi siyempre you get to be extra patient and extra understanding that they are still trying to learn and they are trying to understand you.”
Kailangan daw maunawaan ng parents na mayroon ding struggle na pinagdadaanan ang kanilang anak. Dahil nakasanayan nilang magdumi o umihi kahit saan dahil nga sa comfort at convenience na dala ng diapers. Kaya nga dapat lang daw na tyagain ng parents ang pagtuturo sa kanilang anak patungkol dito,
“And what’s happening, kung ano ‘yong ‘tinuturo mo sa kanila and siyempre nakasanayan na nila. ‘Yong comfort na they don’t have to go anywhere. Kasi kahit saan puwede silang mag-go but ‘yon lang naman ang struggle.”
Binigyang assurance naman niya ang kapwa niya mga magulang na worth it ang pagtuturo na ito. Fulfilling kasi para sa kanya na nakikita ang anak na si Millie na unti-unting nauunawaan ang kanyang mga sinasabi. At ginagawa niya na ito independently.
“Other than that it is so fulfilling when you see your kid picking it up and getting it, and learning. Kahit hindi mo na sabihin siya na mag-isa ‘yong gagawa.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!