Dani Barretto may sweet na mensahe sa inang si Marjorie Barretto sa 50th birthday nito. Marjorie may sagot sa anak na pinasalamatan rin ang pagiging mabuting anak nito sa kaniya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Dani Barretto to mom Marjorie Barretto sa 50th birthday nito.
- Birthday ni Marjorie Barretto.
Dani Barretto to mom Marjorie Barretto sa 50th birthday nito
May sweet na pagbati si Dani Barretto sa kaniyang inang si Marjorie Barretto. Ito ay pinadaan ni Dani sa pamamagitan ng isang Instagram post na talaga nga namang magpapakilig sa bawat inang makakabasa nito.
“Happiest Birthday to the woman who held me through all the wins and loses of my life. The one who showed me the true meaning of strength and resilience.”
Ito ang bungad na mensahe ni Dani sa kaniyang inang si Marjorie.
Nagbigay tribute rin si Dani sa mga aral na itinuro sa kaniya ng kaniyang ina. At sinabing utang niya lahat dito kung anuman ang mayroon siya ngayon. Sa huli ay ipinarating niya dito kung gaano niya ito kamahal.
“Your love and guidance has got us through a lot of tough times, and you made the happy ones even more meaningful. All that I am today, I owe it all to you, Mom. ❤️”
“We celebrate you not just on your birthday, but everyday. I love you so much, mommy! Cheers to 50! 🍾”
Ito ang pagbati pa ni Dani sa ina.
Birthday ni Marjorie Barretto
Si Marjorie may reply sa mensaheng ito ni Dani sa kaniya. Pinasalamatan niya ang anak sa pagmamahal nito sa kaniya at sa pagsama sa kaniya sa nakaraang 31 years ng buhay niya bilang ina nito.
“Thank you, Dani. 31 yrs of my 50 yrs I was your Mom. What an honor and privilege to have grown up with you! I love you! Thank you for loving me so much and for always showing me that. Blessed to be your Mom❤️.”
Ito ang sabi pa ni Marjorie.
Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi rin si Marjorie ng mga larawan sa kaniyang naging birthday celebration. Doon ay makikitang kumpleto ang kaniyang mga anak. At hindi niya lang basta ipinagdiwang ang 50th birthday niya. Pero pati ang pagiging ina niya sa mga mababait niyang anak.
“My family. My children. My biggest blessing. They are My source of strength and i am proud to be their Mommy. Thank you for all the love you have shown me during my party. Your speeches that made us cry.”
“Like I said, 31yrs of My 50yrs in life, i was Mother. And I thank them for patiently growing up with me. We all went through so much in life together, but no doubt, our love for one another has kept us safe and strong. We are always BETTER TOGETHER! ❤️ Love each and every one of you so much!”
Ito ang sabi pa ni Marjorie Barretto sa kaniyang 50th birthday celebration.