Dani Barretto ibinahagi ang pagkakataon na naubos ang pasensiya niya sa anak at nawalan siya ng kontrol sa harap nito. Narito ang kaniyang kuwento at naging realization ng celebrity mom.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Dani Barretto inalala ang pagkakataon na naubusan siya ng pasensya sa anak.
- Paalala ni Dani sa mga magulang.
Dani Barretto inaalala ang pagkakataon na naubusan siya ng pasensya sa anak
Sa isa sa kaniyang podcast ay ibinahagi ng celebrity mom na si Dani Barretto ng minsang naubusan siya ng pasensiya sa anak. Ayon kay Dani, ay naluluha siya sa tuwing maalala kung paano niya nasigawan ang anak. Ito daw ay minsang hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman ng anak at ginawa niya na lahat.
“Pumitik na ko lahat ginawa ko na, binayaran ko na. Kung saan saan na kita dinala. Bakit walang nagwowork.”
Ito ang pagbabahagi ni Dani na-frustrate nalang dahil sa pag-alala sa anak. Pero imbis na ma-comfort ito ay nasigawan pa niya ng hindi sinasadya.
“I was just so mad. Sabi ko just talk, tell me what you feel like sinigawan ko na yung anak ko. Right after, I felt so bad. Like hindi niya kasalanan yun. Pero ako yung na-frustrate para sa kaniya.”
Ito ang sabi pa ng celebrity mom.
Larawan mula sa Facebook account ni Dani Barretto
Paalala ni Dani sa mga magulang
Dahil sa karanasan, si Dani may paalala sa mga magulang. Lalo na sa pagkokontrol sa kanilang emosyon sa harap ng mga anak. Ibinahagi niya rin kung paano niya agad na-realize ang pagkakamali at ipinangakong hindi na ito mauulit pa.
“It was so hard for me to admit to myself na what happened? You’re not allowed to snapped.”
“Inakap ko kaagad. Sabi ko ‘I’m so sorry, I’m so sorry. Bigla akong nagsorry. Kasi sabi ko kung kaya niya naman i-express, i-express niya e.
Ito ang sabi pa ng celebrity mom.
Larawan mula sa Facebook account ni Dani Barretto
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!