X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

STUDY: Batang laging nasisigawan at napapagalitan, lumalaking may mas maliit na utak!

6 min read
STUDY: Batang laging nasisigawan at napapagalitan, lumalaking may mas maliit na utak!

Pinapalo at madalas na nasisigawan ang anak? Mabuting ngayon pa lamang ay magdahan-dahan at ito ay itigil na.

Laging galit sa anak?  Basahin ang artikulong ito at malaman ang sumusunod:

  • Epekto sa brain development ng iyong anak sa tuwing nasisigawan at napapagalitan
  • Paano makokontrol ang galit upang hindi agad na masigawan at makagalitan ang iyong anak?

Ayon sa isang pag-aaral, ito ang epekto kung ikaw ay laging galit sa anak mo!

Mas maliit na utak, ito umano ang epekto sa isang bata na laging napapagalitan, nasisigawan o kaya naman ay napapalo habang lumalaki.

Ito ang natuklasan ng isang bagong pag-aaral na pinangunahan ng psychology researcher na si Sabrina Suffren mula sa University de Montréal sa Canada. Ang pag-aaral nailathala sa Development and Psychology journal.

Ayon kay Suffren, ang findings ng kaniyang pag-aaral ay dapat maging daan sa mga magulang at sa ating lipunan na maintindihan. Kung paanong ang mga masasakit na salita at pisikal na pananakit sa mga bata ay maaaring makaapekto hindi lang sa social at emotional development ng isang bata.

Kung hindi pati na rin sa brain development niya. Sapagkat base sa ginawa niyang pag-aaral, ang mga batang laging nasisigawan, napapalo at napapagalitan ay may mas maliit na brain structure kumpara sa normal.

Paliwanag ni Suffren,

“The implications go beyond changes in the brain. I think what’s important is for parents and society to understand that the frequent use of harsh parenting practices can harm a child’s development. We’re talking about their social and emotional development, as well as their brain development.”

laging galit sa anak

People photo created by master1305 – www.freepik.com 

Paano isinagawa ang pag-aaral?

Ang findings ng kaniyang pag-aaral, natuklasan niya matapos subaybayan ang 94 na bilang ng kabataan mula ng maipanganak hanggang sila ay mag-binata o mag-dalaga na.

Ang kanilang paglaki ay minonitor taon-taon. Kabilang sa pagmomonitor na ginawa ni Suffren sa mga bata ay kung ano ang parenting practices ng mga magulang nila.

Ganoon din ang child anxiety levels na nararanasan nila mula ng sila ay mag-2 taong gulang hanggang sa maging 9 na taong gulang na.

Ang mga bata hinati sa dalawang grupo base sa kanilang high at low exposure sa harsh parenting practices. Tulad ng paninigaw, pamamalo at palaging pagiging galit sa harap ng isang bata.

Para makita ang epekto nito sa brain development ng mga bata, sila ay sinailalim sa anatomical MRI ng sila ay tumungtong na sa edad na 12 hanggang 19-anyos.

Doon nga natuklasan ng pag-aaral na ang mga batang na-exposed paulit-ulit sa harsh parenting practices mula kanilang pagkabata ay may mas maliit na utak. Ito ay kung ikukumpara sa laki ng utak ng mga batang may low exposure lang sa nasabing mga harsh parenting practices.

BASAHIN:

STUDY: Gustong tumalino ang anak? Gawin itong exercise na ito

Ito ang dahilan kung bakit sinasaktan ng anak mo ang kapatid niya!

5 na rason kung bakit HINDI mo dapat binibigay ang password mo sa asawa mo

Dapat matutunan ang pagkontrol ng galit sa harap ng iyong anak!

Ayon kay Suffren, napakahalaga ng findings na ito. Sapagkat sa ito ay nagpapatunay na hindi lang ang pang-aabuso ang maaaring makasama sa development ng isang bata.

Kung hindi pati na rin ang mga negative parenting practices ng mga magulang na maituturing bahagi o parte ng pagpapalaki natin sa ating mga anak.

“These findings are both significant and new. It’s the first time that harsh parenting practices that fall short of serious abuse have been linked to decreased brain structure size, similar to what we see in victims of serious acts of abuse,” pahayag ni Suffren.

Ayaw mangyari ito sa iyong anak? Mabuting matutunan na ang pagkokontrol ng galit para sa kapakanan niya. Paano ito magagawa? Makakatulong ang mga sumusunod na tips.

laging galit sa anak

Girl photo created by jcomp – www.freepik.com

10 Tips kung paano makokontrol ang galit at hindi maibuntong ito sa iyong anak

1. Magbilang ka.

Para dahang-dahang humupa ang galit mo at bumagal ang tibok ng iyong puso ay makakatulong ang pagbibilang ng isa hanggang sampu. Kung talagang galit na galit naman ay maaaring paabutin ito ng 100 para tuluyang mapakalma ang sarili mo.

2. Mag-inhale at exhale.

Kapag tayo ay galit ay bumabaw at bumibilis ang ating hininga. Kaya ang pag-iinhale at exhale kapag galit ay makakatulong para maibalik sa ayos ang iyong paghinga at pati ang galit mo ay humupa.

3. Maglakad-lakad ka o mag-exercise.

Ang pag-eexercise ay kayang pakalmahin ang iyong mga nerves na nakakapagbawas ng iyong galit. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng paglalakad-lakad, pagbibike o pagtakbo. O kaya naman kahit anong activity na magdudulot ng paggalaw ng iyong katawan at isipan.

4. Magulit-ulit ng isang mantra.

Maghanap ng salita o kataga na makakatulong sa ‘yong kumalma at mag-refocus tulad ng “Relax”, “Kalma” o “Okay lang ‘yan”. Ulitin ang salitang ito ng paulit-ulit kapag ikaw ay galit.

laging galit sa anak

People photo created by fwstudio – www.freepik.com 

5. Mag-stretching.

Ang pag-stretch ng katawan ay makakatulong para makontrol ang iyong katawan at emosyon. Ilan sa simpleng stretching exercise na puwede mong gawin ay neck at shoulder rolls.

6. Pumunta sa tahimik na lugar.

Kapag nakakaramdam ng galit, mabuting umalis sa lugar na nakakagalit sa ‘yo. Magpunta sa isang lugar na tahimik. Saka ipikit ang iyong mata at mag-imagine ng lugar o eksena na makakapag-relax o makakapagpasaya sa ‘yo.

7. Makinig ng music.

Para maitaboy ang iyong galit ay maaari ring magpapatugtog ng music. Mas mabuti kung ito ay club music na ikaw ay mapapasayaw o kaya naman ay pop music na maaari mong sabayan.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

8. Manahimik ka muna at huwag magsalita.

Para maiwasang mas lumala ang galit na nararamdaman, mas mabuting manahimik ka muna at huwag magsalita. Sa ganitong paraan ay makakahinga ka ng maayos at marerelax mo ang iyong katawan at isipan.

9. Think before you speak.

Kapag tayo ay galit, madalas ay nakakapagsabi tayo ng mga salita o kaya naman ay nakakagawa ng bagay na kalaunan ay pagsisihan natin.

Kaya naman hangga’t maaari ay mas mabuting isipin muna natin ang ating gagawin o sasabihin. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang minuto sa sarili na kumalma bago sabihin ang gustong nating sabihin o gawin ang gustong gawin.

10. Kapag kalmado na saka i-express ang galit.

Kapag tayo ay kalmado mas masasabi natin ng maayos at maliwanag ang ating punto. Ito rin ang pinakamagandang pagkakataon na sabihin ang frustration o galit sa paraan na hindi makakasakit sa ating anak o kapwa.

 

Source:

Science Daily, Healthline

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • STUDY: Batang laging nasisigawan at napapagalitan, lumalaking may mas maliit na utak!
Share:
  • Dahil sa galit sa mister, misis itinapon ang anak sa bintana!

    Dahil sa galit sa mister, misis itinapon ang anak sa bintana!

  • Ito ang epekto sa bata kapag mabilis mo siyang nakakagalitan

    Ito ang epekto sa bata kapag mabilis mo siyang nakakagalitan

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Dahil sa galit sa mister, misis itinapon ang anak sa bintana!

    Dahil sa galit sa mister, misis itinapon ang anak sa bintana!

  • Ito ang epekto sa bata kapag mabilis mo siyang nakakagalitan

    Ito ang epekto sa bata kapag mabilis mo siyang nakakagalitan

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.