Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dahilan kung bakit mas mabuting hindi kayo nagpapalitan ng password ng asawa mo.
- Ano ang dapat mpara magkaroon ng healthy na pagsasama.
Mga rason kung bakit hindi kayo dapat nagpapalitan ng password ng asawa mo
Transparency, mahalaga iyan sa isang relasyon. Sapagkat ayon sa mga eksperto ay paraan ito ng pagpapakita na honest sa isa’t isa ang magka-pareho.
Pero hindi sa lahat ng oras ay maaaring maging transparent sa lahat ng bagay ang magkarelasyon. Lalo na kung hindi maituturing na healthy ang kanilang pagsasama.
Paliwanag ng mga eksperto, sa kinalaunan ang pagiging masyadong transparent ay maaaring makasama. Partikular na kung ang pinag-uusapan ay ang phone, social media accounts at personal passwords mo na dapat ay confidential lang sa taong nagmamay-ari nito.
Para mas malinawagan ay narito ang mga rason kung bakit hindi kayo dapat nagpapalitan ng password ng asawa mo ayon sa mga eksperto.
1. May tiwala kayo sa isa’t isa.
Ayon sa isang 2018 study, 86% ng magkakarelasyon ang nagpapalitan ng kanilang password. Partikular na ang password nila sa mga entertainment websites o app tulad ng Netflix o Spotify.
Isa sa sinasabing dahilan ng magkakarelasyon kung bakit nila ito ginagawa ay dahil sa convenience at mas nakakatipid sila sa paggawa nito.
Ito rin umano’y dahil sa nagtitiwala sila sa kanilang partner at palatandaan ito ng kanilang intimacy sa isa’t isa. Ang mga nasabing magkarelasyon ay naiulat na may healthy romantic relationship.
Pero para kay Michelle Drouin, isang psychology professor mula sa Purdue University, ang pakikipagpalitan ng password sa asawa sa mga entertainment accounts tulad ng nabanggit ay wala namang problema.
Pero kung phone o computer password mo na ang ibibigay sa kaniya mas mabuting mag-isip muna ng mabuti. Sapagkat hindi tulad ng mga entertainment accounts, ang pagbibigay access sa kaniya sa lahat ng laman ng phone at computer mo ay isang napakalaking hakbang.
Pahayag niya,
“Unlike a Netflix or Hulu account, where you’re just giving someone access to this outside entertainment entity when you’re giving someone the password to your phone, you’re allowing them complete access to your entire life.”
Paliwanag pa ni Drouin, kung talagang mahal ninyo ang isa’t isa ay nagtitiwala kayong walang gagawin ang isa sa inyong makakasama sa iyong relasyon.
Kung walang trust sa inyong pagsasama, maituturing na unhealthy ang inyong relasyon. Isa sa mga rason kung bakit hindi kayo dapat nagpapalitan ng password ng asawa mo. Mas maiintindihan ito sa tulong ng mga sumusunod na dahilan.
BASAHIN:
Mas mabuting HINDI i-check ang cellphone ng asawa mo, ayon sa mga eksperto!
REAL STORIES: “Ang pag-aasawa sa totoong buhay ay malayo sa mga kwentong pambata na ating napanonood.”
Ito ang dahilan kung bakit sinasaktan ng anak mo ang kapatid niya!
2. Nirerespeto ninyo ang boundaries o privacy ng isa’t isa.
Tulad ng pagtitiwala, hindi na kailangan pang malaman ng asawa mo ang mga passwords mo kung may respeto kayo sa boundaries at privacy ng isa’t isa.
Gaya na lang sa tech journalist na si Eric Limer at kaniyang asawa. Ayon kay Limer, hindi niya ibinibigay sa kaniyang asawa ang mga passwords niya dahil baka mamaya ay may magawa ito na maaaring pagsimulan pa ng problema.
Maaaring makabura ito ng mga mahahalaga niyang file na hindi sinasadya. O kaya naman ay maka-download ito ng virus na makokompromiso ang mga files na iniingatan niya.
Ang set-up nila na ito ayon kay Limer ay hindi naman big deal sa kaniyang asawa. Sapagkat sa nirerespeto nito ang boundaries at privacy niya.
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
3. Kung sakaling kayo ay maghiwalay ay maaaring gamitin niya ito sa masama laban sa ‘yo.
Isa sa nakakatakot na maaaring mangyari kung alam ng asawa o partner mo ang mga personal passwords mo ay ang posibilidad na maaaring gamitin niya ito sa masama laban sa ‘yo.
Oo nga’t mahal ninyo ang isa’t isa sa ngayon pero maaaring dumating ang panahon na magkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan at magkaroon ng pangit ng paghihiwalay kinalaunan.
Ang mga passwords mo, maaari niyang gamitin para mag-commit ng identity theft. Maaari niya rin itong gamitin para mamili online o mangutang ng malaking halaga na ang pangalan mo ang nakapronta. Ito ay ayon sa identity theft expert na si Alayna Pehrson.
Paliwanag niya,
“Sharing passwords and logins can be good as it establishes trust and convenience, but it can also be extremely risky. In my opinion, the cons outweigh the pros when it comes to sharing passwords. For instance, a partner could seem trustworthy at first (when you give them your passwords), but they could easily use those passwords to commit identity theft, make unwarranted purchases/build up a large amount of debt, catch a virus on devices, etc.”
4. Maaaring i-spy ng ex mo ang account mo. Gamitin ang mga photos at impormasyon mo para makaganti sa ‘yo.
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Kaspersky Lab, may 21% ng mga tao ang umaming ini-spyan ang account ng kanilang ex partner dahil sa alam nila ang email at social media passwords nito.
Habang may 12% ang nakapagsabi na para makaganti sa pangit nilang paghihiwalay ay naiisip nilang isapubliko ang mga private photos at information ng kanilang mga ex.
Kaya payo ni Pehrson para maiwasan ito ay mabuting agad na magpalit ng passwords matapos ang break-up ninyong mag-partner o mag-asawa.
O sa una pa lamang ay mas mabuting huwag nalang magpalitan ng passwords. Lalo na kung hindi pa kayo matagal na nagsasama at hindi ninyo pa ganoon kakilala ang isa’t isa.
“Sharing can be caring if you truly know the person and establish ground rules. It definitely depends on the situation and the relationship at hand. I highly recommend you avoid giving out passwords to a person you’ve known/been dating for less than a year.” ani ni Pehrson.
Computer photo created by freepik – www.freepik.com
5. Kung may pag-aalinlangan sa partner o asawa ay mas mabuting pag-usapan ninyo ito.
Ayon pa rin kay Pehrson, kung may pag-aalinlangan sa inyong relasyon ay mas mabuting makipag-usap sa iyong asawa o partner. At hindi yung aalamin ang kaniyang password para mag-imbestiga.
Para naman sa relationship coach na Ben Edwards, ang pagpapalitan ng passwords ay hindi naman mahalaga sa isang relasyon. Ang importante lang ay dapat totoo at tapat kayo sa isa’t isa.
“Sharing passwords isn’t a necessity. Trust is a fundamental part of any partnership and your relationship should incorporate a degree of honesty and intimacy that ultimately makes password sharing unnecessary.”
Ito ang pahayag pa ni Edwards. Kung pakiramdam mo ay dapat ibigay sa ‘yo ng partner mo ang password niya o kaya naman ang password mo sa kaniya ay maaaring mas may malalim itong dahilan. Para malaman ito at masolusyonan ay kailangan ninyo itong pag-usapan.
Dagdag naman ng life coach na si Jamie Skipper, hindi porket hindi nagbibigay ng password ay may itinatago o nagloloko na. Sa isang relasyon mahalaga ang magkaroon kayo ng respeto sa privacy ng isa’t isa. Magagawa ito siyempre kung ikaw ay mayroong tunay na pagmamahal at pagtitiwala.
Source:
Inverse, Bustle, Metro UK, Wired
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!