Sa artikulong ito ay malalaman ang sumusunod:
- Kung bakit hindi ok na tingnan ang cellphone ng asawa mo.
- Ano ang mas mabuting gawin kung may gustong malaman tungkol sa kaniya?
Ayos lang bang tingnan ang cellphone ng asawa?
Tayong mga babae ay magaling sa pag-iimbestiga. Lalo na kung ang gusto nating malaman ay tungkol sa ating partner o asawa. Mas nagiging madali nga sa ating gawin ito sa tulong ng technology at social media.
Sapagkat karamihan sa atin ay gumagamit ng mga ito na kung saan madalas makikita ang mga impormasyon na nais malaman mo. Higit sa lahat, pagdating sa relasyon, ito rin sa ngayon ang madalas na nagiging daan upang matukoy kung ang iyong partner o asawa ba ay gumagawa ng kabulastugan.
Pero ang tanong ayos lang bang tingnan ang cellphone ng asawa? Lalo na para i-check ang mga messages at account niya sa social media?
Ayon sa mga psychologist at relationship experts, mas mabuting hindi. Sapagkat ang paggawa nito ay hindi lang makakasama sa inyong relasyon. Ito rin ay sumasalamin sa relationship problems na maaaring nararanasan mo at ng pag-sasama ninyo.
Para mas maintindihan, narito ang mga dahilan kung bakit mas mabuting huwag tingnan ang cellphone ng asawa. Alamin kung ano ang mas mainam mong gawin kung may hinala o may agam-agam tungkol sa kaniyang mga ginagawa.
6 dahilan kung bakit mas mabuting HINDI i-check o tingnan ang cellphone ng asawa mo!
Photo by Karolina Grabowska from Pexels
1. Ito ay paglabag sa privacy ng asawa mo! Dapat mong respetuhin ang kaniyang privact kahit may relasyon kayo.
Ayon sa psychoanalyst na si Claudia Luiz, una sa lahat, ang pag-check o pagtingin sa cellphone ng asawa na walang pahintulot niya ay malinaw na paglabag sa privacy niya.
Bagama’t may intimate relationship kayo, mas mabuti umanong huwag gawin ito. Dapat matutong respetuhin ang asawa o partner mo.
Mas mainam na iwasang tingnan ang kaniyang phone. Sapagkat madalas kahit hindi naman dapat ay pinagsisimulan ito ng pagtatalo o hindi pagkakaintindihan sa inyong relasyon.
2. Ang pagtingin sa cellphone ng asawa mo ay nagpapakita lang na mayroon kang trust issues.
Para naman sa psychologist na si Ryan Howes, ang pag-check sa cellphone ng asawa mo ay isang palatandaan na wala kang tiwala sa kaniya at sa relasyon ninyo. Paliwanag ni Howes,
“It says that you don’t trust that what your partner tells and shows you is who they really are. And that their true self is reflected in their communication and searches on their phone.”
Sinang-ayunan ito ng men counselor na si Kurt Smith. Dagdag pa niya, wala itong maidudulot na mabuti sa relasyon. Sa katunayan, ay maaari pa itong magdulot ng problema na dapat agad na ma-solusyonan.
“When people sneak a peek at their partner’s phone, it feeds secrecy and distrust into the relationship, both of which are likely to be the primary reasons the person is checking in the first place. So, while this may seem in the moment as a good idea and justified, it only creates more of the problems that need to be resolved.”
BASAHIN:
Ano ang gagawin mo kapag laging pinagkukumpara ni hipag ang anak niya sa anak mo?
REAL STORIES: 5 tips para maibalik ang tamis ng pag-ibig
5 Signs na nagseselos si mister
3. Maliban sa trust issues, nagpapakita lang ito na may nararamdaman kang insecurities sa sarili mo.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Para naman sa dating expert na si Laurel House, nagsisimula ang gulo sa pagtse-check ng cellphone ng asawa sa oras na may nakita kang impormasyon dito na hindi mo gusto.
Tapos ang impormasyon na nakita mo ay lalagyan mo ng twist at assumptions na hindi makakabuti sa inyong relasyon. Ang mga ito nangyayari hindi lang dahil sa trust issues mo. Kung hindi pati na rin sa nararamdaman mong insecurities sa sarili mo.
“Looking at your partner’s phone shows distrust and insecurity, and it builds on itself, possibly even becoming an obsession. If you’re looking for something inappropriate, you’ll find it. You can twist and mistake words and purposes. You can make assumptions and make up stories.” pagbabahagi ni House
Ayon pa rin sa kaniya, sa pagsasagawa nito ay ipinapakita mong naghahanap ka ng validation sa pagkaka-akala mong hindi ka sapat sa partner mo. Dahil rito ay maaaring maghanap ng ibang kapalit mo ang mister mo.
4. Iniisip mong hindi masaya sa ‘yo ang iyong asawa o karelasyon at maaaring niloloko ka niya.
Ang isang malusog na pagsasama ay dapat may tiwala sa isa’t isa. Ito ay ayon sa pa rin sa psychologist na si Ryan Howes. Kung wala ito ay maaaring ma-damage ang relasyon.
Maaaring magsimula ito ng iyong pag-iisip na hindi siya kontento sa iyo at maaaring maghanap ng iba. Ito ay maaaring dahil paranoid ka lang, naloko na dati, may history na siya nito o kulang sa pagtitiwala sa iyong sarili.
Kaya ang pagtingin sa cellphone ng asawa ay ginagawa mo para humanap ng ebidensya o patunay na tulad nga siya ng iniisip mo.
“You bring an irrational fear into the relationship that they aren’t really honest and/or committed to you. If you don’t have any evidence to suggest otherwise, and you search anyway, you’re probably the one intruding on their privacy and doing damage to the relationship. Your fears may be more based in your self-esteem, your capacity for intimacy, or your history of being deceived in past relationships.” pagpapaliwanag ni Howes.
5. Maaaring kaya mo ito ginagawa dahil sa ang hinala mo sa iyong asawa ay gawain mo.
Ayon naman kay House, ang paghihinala mo sa ginagawa ng asawa mo ay maaaring projection din ng pinagagawa mo. Sapagkat madalas ang tao umanong nagsususpetsa ay siya pa lang may ginagawang masama na takot gawin ng iba ang pinagagawa niya.
“Often times, the person who suspects something inappropriate is happening is the one who is actually doing the inappropriate acts. It’s top of their mind because it’s their own actions.”
Ito ang pahayag ni House.
6. Kulang kayo sa communication at may problema sa intimacy.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Para naman sa sa psychologist at sex therapist na si Shanon Chavez, ang pag-check o pagtingin sa cellphone ng asawa ay isang palatandaan na may problema kayo sa communication o intimacy.
Sapagkat imbis na pag-usapan ninyo ang bagay na gumugulo sa isip mo ay mas gusto mong malaman ito ng mag-isa. Kaysa hingin ang paliwanag niya sa paghihinala o curiosity na nararamdaman mo.
“The problem is that checking a partner’s phone has become easier than being vulnerable and sharing how you are feeling and why you feel compelled to check the phone.”
Ito ang pahayag pa ni Chavez.
Ano ang dapat mong gawin?
Para nga maayos ito at matigil ang iyong mga paghihinala, ang numero unong dapat gawin ay kausapin siya. Ayon sa psychologist na si Mary Lamia, kung ang iyong asawa ay isang mabuting lalaki ay makikinig siya sa gusto mong sabihin at sa nararamdaman mo. Pahayag ni Lamia,
“Their ability to have a conversation about your concerns will tell you more about their capacity to be a good mate than your snooping will ever reveal.”
Sa pakikipag-usap sa kaniya, ay simulan ito sa sumusunod na halimbawa, ayon kay Lamia.
“Sa ilang dahilan, nawawalan ako ng tiwala sa ‘yo at gusto kong kausapin ka tungkol dito.”
Ang tiwala ay napakahalaga sa pagsasama ninyo. Kung tunay niyang pinapahalagahan ang pagsasama niyo, ang pagkakarinig pa lang sa linyang ito ay isang bagay na dapat ng pumakaw ng kaniyang atensyon na makipag-usap sa ‘yo. Higit sa lahat ay mapatunayang mali ang hinala mo.
Makipag-usap ng maayos sa kaniya. Sabihin ang iyong nasa isipan habang pinakikinggan rin ang paliwanag o side niya. Sa pamamagitan nito ay mas nakikilala at naiintindihan ninyo ang isa’t isa. Isang hakbang na positibo at makakatulong para mas patatagin pa ang inyong relasyon.
Source:
Health, Huffpost, Elite Daily
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!