Pagkukumpara ng anak sa iba, guilty ka rin ba sa usaping ito?
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagkukumpara ng anak sa iba
- Iba’t-ibang uri ng comparison
- Ano ang gagawin mo kapag pinagkukumpara ni hipag ang anak niya sa anak mo?
Marami ang nagsasabi na ang mga sister-in-law ay “monsters-in-law” kung tawagin. Mahirap kasi silang pakisamahan at talaga namang kakailanganin mo ng pasensya. Kadalasan, ang mga hipag na ito ay sobrang kritikal ng ugali, mapagmataas at hilig na ang magkumpara ng anak nila sa iyong anak.
Kadalasan, nakakawala na ito ng pasensya at masusubok ang iyong pakikisama. Ikaw momsh, paano mo i-handle ang ganitong sitwasyon kasama ang hipag mong hilig nang sagarin ang iyong pasensya?
Pagkukumpara ng anak sa iba
Kapag usapang pagkukumpara ng anak sa iba, maraming nanay ang guilty diyan. Maaaring ikaw mismo ay pinagkumpara mo na ang development ng anak mo sa iba. Pasok dito ang kanilang pisikal na anyo at talino.
Masasabi namang normal ito ngunit ang palaging pagkukumpara ng anak sa iba ay delikado na sa iyo at maski sa iyong anak. Maaaring sinasabi mo sa sarili mo na bakit hindi kasing ganda, kasing talino o kasing bait ng anak mo ang ibang bata.
Sa malalang kaso, maaari itong magdulot ng pagdamdam ng iyong anak sa kaniyang magulang o kaya naman pagbabago ng iyong nararamdaman sa kaniya.
Sa ibang kaso, ang pagkukumpara ng iyong anak sa ibang bata ay maaaring magresulta ng tensyon sa pamilya. Kasama na rito ang iyong hipag na hilig magkumpara ng achievements ng anak niya sa iyong anak.
BASAHIN:
10 paraan para mapabuti ang relasyon sa in-laws
“Paano ko malalaman kung dapat nang bumukod sa in-laws ko?”
5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan
Iba’t ibang uri ng comparison
Maraming rason kung bakit hilig na ng magulang ang ikumpara ang kanilang anak sa ibang bata. Para sa iyong sister-in-law, ito ay maaaring dahil sa selos, mga hindi makakalimutang alaala ng pagkabata o ibang rason na siya lang ang makakapaliwanag.
1. Selos
Maaaring naiingit siya ng patago sa iyong mga anak. Hilig na ng iyong hipag ang ipagyabang na matalino ang kaniyang anak. Subalit ang totoo ay nagseselos lang ito sa iyong mga anak dahil sa pagiging sikat ng mga ito kahit hindi nakakakuha ng mataas na marka.
2. Hindi makakalimutang alaala ng pagkabata
Maaaring ang iyong hipag ay na-bully na noong bata pa lamang siya. Sapagkat hindi siya makalaban, maaaring gumaganti ito sa mga nakikita niyang tao na madaling i-target. Maaaring ikaw ito at iyong mga anak.
3. Ibang rason
Mahirap makisama sa hipag lalo na kung hindi mo alam kung ano ang pinagmulan ng kanilang selos o galit.
Subalit isa sa maaaring dahilan nito ay ikaw ay may magandang estado sa buhay (financially, physically, intellectually or career-wise). Kagaya ng bully, ang target niya ay ang mga anak mo.
Ano ang gagawin mo kapag pinagkukumpara ni hipag ang anak niya sa anak mo?
Tila bangungot nang maituturing ang pakikipagusap o pakikisama sa hipag mong mahirap kontrolin. Kahit na sabihin niyang ito ay biro lamang, hindi pa rin maiaalis na nakakasakit siya ng damdamin.
Mahalagang panatilihin ang kapayapaan sa pamilya kapag pilit mong pinapakisamahan ang iyong hipag. Mas mabuting iwasang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa kaniya.
Pagkukumpara ng anak sa iba
Kapag alam mong nasa paligid siya, maging civil at iwasan munang makipag-usap ng matagal. Kung hindi ka naman komportable kapag nandiyan siya, umalis ka ng kuwarto. Sapagkat hindi mo maiiwasan habang buhay ang iyong hipag, pakiramdaman kung kakaiba pa rin ang turing nito sa iyong anak.
Kapag naman nagpakita siya ng compassion o pagmamahal sa iyong anak, mag-relax lamang tungkol sa kaniyang mga kahinaan o paminsan-minsang pagyayabang. Kapag naman nag-umpisa siyang magbitaw ng masasakit na salita, ito na ang pagkakataon para komprontahin mo ang iyong hipag.
Sa pakikisama sa iyong sister-in-law, siguraduhin na ilayo ang iyong mga anak. Lalo na kung kakaiba ang ugali nito sa iyo. Magpakita ng kabaitan sa kanila at pag-asa.
Hindi magtatagal ay mapapagtanto ng hipag mo na wala kang balak na saktan siya o kaya naman magkaroon ng kompitensya sa anak niya laban sa iyong anak.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filpino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!