Dani Barretto buntis sa kaniyang second baby: “We can’t wait to meet you. ❤️”

Gender ng kaniyang second baby inanunsyo narin ni Dani.

Dani Barretto buntis sa kaniyang second baby. Tingnan dito ang masayang announcement ng celebrity mom sa kaniyang pagbubuntis.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Dani Barretto buntis sa second baby.
  • Pamilya ni Dani Barretto.

Dani Barretto buntis sa second baby

dani barretto buntis sa second baby

Larawan mula sa Instagram account ni Dani Barretto

Celebrity mom na si Dani Barretto buntis sa kaniyang second baby. Ito ang masayang ibinahagi ni Dani sa kaniyang Instagram account kahapon. Kasabay ng kaniyang announcement ay ang pagbibida niya ng kaniyang baby bump.

“Growing a love too beautiful for words. 🙏🏻 Hello Baby #2! We can’t wait to meet you. ❤️”

Ito ang caption ng post ni Dani tampok ang kaniyang pregnancy photos. Isa nga sa mga larawan na ipinakita niya ay kasama niya ang mister niyang si Xavi Panlilio.

Samantala, sa isa pang Instagram post ay ibinahagi rin ni Dani ang gender ng kaniyang second baby. Ito ay baby boy base sa mensahe niya sa kaniyang pinagbubuntis at panganay na anak na si Millie.

“To our Millie girl & our Son, I’m yours forever. ❤️‍🔥 So excited to see you guys grow up together. 👧🏻👶🏻”

Ito ang sabi pa ni Dani Barretto tungkol sa kaniyang second pregnancy.

Pamilya ni Dani Barretto

dani barretto and family

Larawan mula sa Instagram account ni Dani Barretto

Si Dani Barretto ay anak ng aktres na si Marjorie Barretto at aktor na si Kier Legaspi. Ikinasal siya kay Xavi Panlilio. Sila ay ikinasal noong 2019.

Si Dani masaya sa kaniyang pagiging isang ina. Nito ngang nagdaang Mother’s day ay may sweet siyang mensahe sa kaniyang baby girl na si Millie. Ayon kay Dani, thankful siya sa anak na tinuturing niya ring angel niya dito sa mundo.

“The greatest love of all, my pride and joy, and my daily reminder that life is precious. I love you so much, my angel on earth! Thank you for making me a Mama.❤️”

Ito ang mensahe ng celebrity mom sa kaniyang panganay na si Millie.

dani barretto with daughter millie

Larawan mula sa Instagram account ni Dani Barretto

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!