Dani Barretto, sweet bday message kay Millie: 'Magiging Ate ka na!' – Tips kung paano sabihin sa iyong anak that you’re having another baby

Nagbahagi ng b-day greetings si Dani Barretto para sa panganay. Alamin dito paano ba sabihin sa anak na magkakaroon na siya ng kapatid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang sweet birthday message ang ibinahagi ni Dani Barretto sa social media para sa kaniyang firstborn na si Millie.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Dani Barretto may heartwarming message para kay Millie: ‘Magiging Ate ka na!”
  • Paano sasabihin sa iyong panganay na you’re having another baby?

Dani Barretto may heartwarming message para kay Millie

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Dani Barretto ang mga cute and sweet photos nila ng kaniyang panganay na si Millie. Kalakip ng social media post ang isang heartwarming message para sa anak.

Larawan mula sa Instagram ni Dani Barretto

Aniya, sina Millie at ang baby brother nito ang kaniyang “heart and soul” at ang mga ito ang pinakamagagandang biyaya sa kaniyang buhay.

Caption pa ni Dani Barretto, This year is pretty big for us, especially for you. You turned 5 and you’re going to officially be an ATE in just a few weeks. You’re gonna be the best big sister to your brother. I just know it.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Dani Barretto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You, my first born, will always be my baby. I am who I am today because of you, Mill. My life started the day you were born. I love you more than you’ll ever know, my angel on earth!”

Paano sasabihin sa iyong panganay na you’re having another baby?

Narito ang ilang tips kung paano sasabihin sa iyong anak na magkakaroon na siya ng kapatid:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Dani Barretto

  1. Mainam na ikaw mismo ang magbahagi ng balita at gawin ito kapag handa na kayo bilang pamilya.
  2. Gumamit nang simpleng salita na maiintindihan agad ni baby. Sabihin na may baby sa iyong tiyan at kailangan nito ng tulong kapag lumabas na.
  3. Ipaliwanag na magkakaroon sila ng kalaro o tagapanood sa kanilang mga sayaw at laro.
  4. Magbasa ng mga kuwento tungkol sa pagiging kuya o ate upang maunawaan nila ang pagbabagong darating.
  5. Hayaan silang tumulong sa paghahanda ng gamit ng baby, tulad ng pagpili ng pangalan o damit.
  6. Kilalanin at tanggapin ang kanilang mga emosyon, tulad ng pagkasabik o pag-aalala.
  7. Sabihin kung saan matutulog ang baby o kailan ito darating.
  8. Ibahagi ang mga kuwento ng kanilang pagiging baby upang magkaroon sila ng koneksyon sa bagong kapatid.

Sinulat ni

Jobelle Macayan