Daniel Padilla ready to marry Kathryn Bernardo: "Looking forward ako doon."

Mabilis ang naging sagot ni Daniel Padilla sa tanong kung handa na ba siyang magpakasal kay Kathryn Bernardo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo napag-usapan ang tungkol sa marriage at kung handa na ba sila sa buhay mag-asawa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Daniel Padilla handa nang pakasalan si Kathryn Bernardo
  • Paano malaman kung handa ka na sa marriage?

Larawan mula sa Instagram account ni Kathryn Bernardo

Daniel Padilla handa nang pakasalan si Kathryn Bernardo

Mukhang siguradong sa kasalan na ang tuloy ng relasyon ng real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa YouTube video na ‘2Good2gether, A Special Reunion’, nakakuwentuhan nina Kathryn at Daniel ang ilan sa batikang direktor na nakatulong sa kanilang career.

Ito ay sina Cathy Garcia-Molina, Olivia Lamasan at Mae Cruz-Alviar. Ilan sa mga na-direct ng tatlong filmmaker na mga KathNiel movies ay ang The Hows of Us, She’s Dating the Gangster, Can’t Help Falling In Love, at Barcelona: A Love Untold.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napag-usapan ng tatlong direktor at nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang usapin tungkol sa kasal. Ayon sa dalawa, kung 10 years from now ay siguradong napasok na nila ang next chapter na marriage.

Wika ni Daniel Padilla, isang dekada na rin silang magkarelasyon ni Kathryn Bernardo kaya hindi malayong sa mga susunod na taon ay magpakasal na sila.

“Yon na ‘yong next chapter ng buhay namin. Kasi syempre kailangan nang — 10 years na kami rin, kapagod na rin.”

Ayon pa kay Kathryn, ang marriage ang magiging ‘seal’ sa kanilang long-term relationship ni Daniel Padilla bilang couple. Sineseryoso rin ni Daniel ang pagpapakasal dahil ito ang magiging pundasyon sa kanilang pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“After that, you build a house together, you build a family together.”

Larawan mula sa Instagram account ni Daniel Padilla

Ayon sa sikat na aktor. Dagdag niya pa, hindi sila puwedeng magsama sa iisang bubong hanggang hindi pa sila ikinakasal ni Kathryn dahil lagot sila sa kanilang mga magulang.

Lahad pa ni Daniel Padilla, tumatanda na rin sila ni Kathryn Bernardo kaya naman tingin nila’y marriage na ang susunod na chapter sa kanilang buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kailangang magpakasal muna kami. Ako kasi, looking forward ako doon. Kasi parang ano pa bang (kulang) sa buhay — 27 na ako, parang what’s next sa aming dalawa?”

Pag-amin din ni Daniel Padilla, noong sila ay edad 16 hanggang 17 — bago pa lang ang kanilang relasyon — sinabi niya na dati na nilang napag-uusapan ni Kathryn Bernardo ang tungkol sa pagpapakasal.

“Now we are here. Ito na. So what is the plan after 3 or 2 years, diba?”

Usapan daw nila dati ni Kathryn ay kapag tumungtong na sila sa edad na 26 o 28 ay kailangang kasal na sila. Ngunit nabago ang timeline sa kanilang wedding kaya naman humirit si Daniel.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Basta 30 usapan natin ahh. Hindi na mamo-move ‘yon.”

Kaagad namang kumontra si Kathryn Bernardo sa binigay na edad ni Daniel Padilla para sa marriage. Wika ni Kathryn, dapat ay siguradong ready muna sila sa pagpapakasal bago ito pasukin.

“Kasi kapag marriage, dapat pareho tayong ready. Alam mong hindi pa tayo ready ngayon. So kailangan pa nating aralin ang buhay.”

Humirit naman si Daniel na ready na raw siya para pakasalan si Kathryn.

“Baka ikaw ang hindi pa ready. Ready na ako.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Kathryn Bernardo

BASAHIN:

Jessy Mendiola maraming adjustments sa first year ng marriage nila ni Luis: “I chose the right man.”

Heart Evangelista binibigyan pa rin ng allowance ni Chiz Escudero: “For basics, not for the luxuries.”

Derek Ramsay nirerespeto si John Lloyd Cruz bilang ama kay Elias: “Wala kaming problema.”

Paano malaman kung handa ka na sa marriage?

Maraming couple ang pinag-iisipan ang pagpapakasal. Ngunit may mga duda ang ilan kung handa na ba sila sa marriage.

Katulad nga ng sinasabi ng mga nakatatanda, ang pagpapakasal ay hindi parang isang pagkain na kapag napaso ka ay iluluwa mo. Kaya naman mahalagang malaman kung handa na ba ang isa’t isa sa marriage para maging matiwasay ang inyong pagsasama.

Ito ang ilan sa mga dapat tandaan kung handa na ba ang couple na magpakasal:

  • Financial independence – Isa sa pangunahing iniisip ng mga gustong magpakasal ay ang pera. Kailangang alalahanin na dadagdag ang inyong mga gastusin sa oras na kayo ay magsama na. Kaya naman mahalagang maging ready muna ang mga couple financially bago ang marriage.
  • Matibay na samahan – Sa bawat relasyon, hindi palaging masaya. Dapat ay maging handa sa mga problemang kakaharapin lalo bilang mag-asawa. Ang pagdedesisyon din ay kailangan ng isangguni sa inyong mga partner.
  • Alam ang mga flaws ng isa’t isa – Kailangan na kilalang-kilala niyo na ang isa’t isa. Kasama na diyan ang pag-alam sa inyong mga kahinaan at mga sikreto.
  • May goals sa buhay – Sa isang samahan, nararapat na magkaroon kayo ng common goal at vision para sa inyong pamilya. Kasama na rito kung kailan magkakaroon ng anak, pagbili ng bahay, career growth at iba pa.
  • Mature relationship – Walang perpektong pagsasama. ‘Yan ang dapat tandaan ng bawat couple. Kaya naman sa tuwing may pagkakamali ang isa ay dapat na magkaroon ng understanding. Kailangan din ng komunikasyon para hindi lumala ang away.