REAL STORIES: "Sinabi ng partner ko sa ex niya na buntis ako"

REAL STORIES: "Sinabi ng partner ko sa ex niya na buntis ako"

Ang unang sinabihan ni hubby tungkol sa pagbubuntis ni misis ay ang ex niya na nagkaroon din siya ng anak. Dapat bang makipag-usap sa ex si mister?

Isang ina ang nagpahayag ng kanyang pag-aalala at pagka-inis sa kanyang asawa sa theAsianparent Community. Ayon sa kanya, siya ay kasalukuyang buntis sa kanyang boyfriend. Subalit, ang unang binalitaan nito ay ang kanyang ex kung kanino siya may anak din. Alamin ang sagot ng iba pang miyembro at kung dapat bang makipag-usap sa ex.

Ang ex-girlfriend ng boyfriend

REAL STORIES: Ayon sa nagbigay ng katanungan, ang kanyang boyfriend ay may anak sa ex nito. Hindi man sila nagsasama, sinusustentuhan parin nito ang kanyang anak sa ex niya. Kaya laking galit nalang ng nagbigay ng katanungan nung kanyang nalaman. Ang ex ng kanyang boyfriend kasi ang una nitong binalitaan na ang nagbigay ng tanong ay ang kanyang ex.

Mga tugon

Iba-iba ang natanggap na tugon ng nagbigay ng katanungan. May ilan na nagsasabi na dapat ay hindi na sila nag-usap tungkol dito. Subalit, may ilan din na nagsasabing tama lang na balitaan niya ito para na rin sa ikakabuti ng kanilang anak.

REAL STORIES:

 

 

 

 

 

Idiniin ng ilan na hindi na dapat mag-usap ang kanyang boyfriend at ang ex nito. Ayon sa kanila, ang ex nito ay labas na sa usapang ng pagiging buntis niya at hindi na dapat pang maki-alam. Sila rin ay naiinis kung bakit pa kailangan ng boyfriend ng nagbigay ng katanungan na unang balitaan ang kanyang ex tungkol dito.

REAL STORIES:

Ipinarating ng isang nagbigay ng komento na mahalagang malaman ito ng kanyang ex. Ito ay para maintindihan niya na ang ama ng kanyang anak ay may iba na ring responsibilidad at hindi agad-agad maipaparating ang sustento. Kailangan din nilang mapag-usapan kung paano nila ito ipapa-alam sa kanilang anak.

REAL STORIES:

Ano man ang naging panig ng mga nagbigay ng kumento pagdating sa pakikipag-usap sa ex, sila ay nagkasundo na hindi naging maganda ang reaksyon ng ex-girlfrend sa balita. Ayon sa kanila bitter ito dahil umaasa pa. May iba naman na nagsasabing kaya ganito ang naging reaction ay dahil sa maaapektuhan ang kanyang natatanggap na pinansyal na suporta.

Hindi man masisigurado ang rason ng ex sa kanyang reaksyon, mahalaga parin na panatilihin ang maayos na komyunikasyon ng bawat panig. Kailangang alalahanin na hindi lang dapat ang mga sarili ang iniisip. Ang mga bata dapat ang tinutuunan dahil sila ang totoong magiging apektado ng mga pangyayari.

Source: theAsianparent Community

Basahin: REAL STORIES: “Nag-cheat ako sa hubby ko—hindi ko tuloy alam kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner