Naaalala n’yo pa ba noong una ninyong ipagdiwang ang inyong wedding anniversary? Para sa mga matagal nang kasal, nagiging paulit-ulit na lamang ito na dahilan para hindi nila ito ipagdiwang.
Ngunit sa katotohanan, ang inyong wedding anniversary ay napakahalaga at dapat pinaglalaanan ng oras para gunitain. Narito ang mga dahilan kung bakit:
1. Ito ay isang espesyal na paraan para gunitain ang inyong magandang alaala
Ang pagdiriwang ng inyong wedding anniversary ay paraan para alalalahanin ang napakahalagang bagay na nangyari noong kayo ay ikinasal.
Alalahanin ang inyong mga naramdaman noong araw na iyon: ang kaba, labis na ligaya, kaunting takot at higit sa lahat, ang pagmamahal ninyong mag-asawa para sa isa’t isa.
Ang pagdiriwang ng araw na ito ay paraan para mabalikan ninyo ang mga taong lumipas at maalala ang mga masasayang ala-ala ninyo bilang mag-asawa.
2. Pagkakataon itong i-assess at pagtibayin ang inyong relasyong mag-asawa
Taun-taon, dapat ugaliing tasahin o i-assess ang inyong pagsasama ng inyong asawa. Tanungin n’yo ang isa’t isa kung may mga bagay ba na hindi nakapagpapasaya sa kanila, o may mga bagay na maaari pa ninyong mapagbuti para sa inyong pagsasama.
Maaari kayong gumawa ng plano para sa mga bagay na ito para sa susunod na taon ninyo bilang mag-asawa.
Sa ano mang paraan, kayo ng inyong asawa ay dapat na nananabik para sa mas marami pang taon na kayo ay magkasama.
3. Ito ay panahon para ipagdiwang ang inyong relasyon
Ang inyong anniversary as isang pagdiriwang. Ito ay nagmamarka ng isang bagong taon para sa inyong mag-asawa kaya naman dapat itong ipagdiwang.
Regaluhan ang inyong asawa ng isang mahalagang bagay, o kaya naman padalahan sila ng mga matatamis na mensahe upang maiparamdam sa kania na sila ay inyong minamahal at pinapahalagahan. Huwag balewalain ang araw na ito dahil mahalaga itong panahon sa inyong buhay.
Higit sa lahat, mahalagang ito ay magkasama ninyong ipagdiwang upang lalo kayong tumagal bilang mag-asawa.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na article ni Jan Alwyn Batara.
BASAHIN: Mga salita na kailangan nating marinig mula sa ating asawa