Sa dami ng kailangan nating gawin sa araw araw, madalas ang pag-uusap natin ng ating asawa ay minadali o madalang na lamang. Pero para tumibay ang samahan ninyo, kailangan mong ipaalala sa misis mo na mahalaga siya sa’yo. Hindi naman ito kailangan maging matagal na pag-uusap. Minsan, mga simpleng kataga, o love affirmations kung tawagin, ay sobrang makakatulong para ipadama sa asawa mo na mahal mo siya.
Narito ang mga magandang ehemplo ng love affirmations, ayon sa Marriage Counselor na si Michael Jacobson.
1. Na-a-ppreciate ko lahat ng ginagawa mo para sa ating pamilya.
2. Napaka-ganda mo.
3. Dahil sa’yo, gusto kong maging mas mabuting tao.
4. Salamat sa pag-aaruga mo sa ating pamilya.
5. Na-i-inspire ako ng pananampalataya mo.
6. Ang dami kong natututunan sa’yo araw-araw.
7. Sobrang amazed ako sa growth mo bilang babae.
8. Nag-e-enjoy talaga ako tuwing kasama ka.
9. Ang luto mo ang pinaka-masarap. Promise!
10. Salamat sa sipag at tiyaga mo sa pagbibigay ng magandang buhay sa mga anak natin
11. Sobrang blessed nila na ikaw ang mommy nila
12. Tinutulungan mo ako na maging ‘best self’ ko.
13. Tunay ngang malakas ako kay Lord dahil ikaw ang binigay niya sa ‘kin.
14. Walang kupas ang ganda mo, parang wedding day natin ay kahapon lang
15. You complete me.
16. Ang favorite place ko? Kahit saan, basta kasama ka.
17. Ikaw ang buong mundo ko!
18. Gusto kitang ligawan araw-araw!
19. Napaka-talino at talented mo.
20. Sobrang na-aappreciate ko ang advice mo.
photo: pexels
21. Napaka-tatag mong tao.
22. Napakagandang role model mo sa mga anak natin!
23. Alam mo ba na ikaw ang best friend ko?
24. Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka
25. Sobrang napapasaya mo ako
26. Ikaw ang dream girl ko!
27. Sobrang happy ako na mapagkaka-tiwalaan kita
28. Kayang kaya mo kahit anong ibato sa ‘tin ng buhay!
29. Sa’yo ako kumukuha ng lakas!
30. Sobrang proud ako na asawa kita!
31. Sobrang hindi kita deserve, pero thankful ako na ikaw binigay sa ‘kin ni Lord.
32. Gusto kong tumanda kapiling ka.
33. Ikaw lang, wala nang iba.
34. Salamat dahil hindi ka sumusuko sa ‘kin.
35. Ang tunay na kayaman ko ay ikaw.
36. Napaka-generous mo, mahal ko.
37. Napapangiti mo ko araw-araw.
38. Wala kang katulad.
39. Basta’t mahal mo ko, wala na kong hihilingin pa.
40. Mamahalin kita habang buhay!
BASAHIN: Words of Love: Para sa iyong asawa na malapit nang sumuko
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!