Dapat nga bang ipagbawal mag-Facebook ang mga yaya habang oras ng trabaho?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pag-alaga sa mga bata ay isang mabigat na responsibilidad na nangangailangan ng walang hangganan na supply ng pasensya at konsentrasyon. Kung kaya’t para sa mga magulang o mga guardians tulad ng mga lolo’t-lola, tito’t-tita, o di kaya naman ninong-ninang na pinipiling mag-hire ng professional help na tumingin o mag-alaga ng kanilang mga anak, natural lang sa kanila na ang rules para sa yaya na kanilang kukunin ay maaasahan na pokus lagi sa kanilang trabaho at bawal muna gumamit ng cellphone.

Bawal gumamit ng social media habang nasa trabaho

Ang ibang mga pamilya nga ay pinagbabawalan na rin ang kanilang mga yaya sa paggamit ng kanilang mga social media accounts tulad na nga lamang ng Facebook habang sila’y nagta-trabaho, dahil na nga rin sa takot na marahil maging masyado silang distracted habang nag-aalaga ng kanilang mga anak.

Marami na ngang mga magulang ang nakakapansin na tumataas na ang popularidad ng mga social media platforms sa mga nakaraang taon at ito nga’y nagiging pangunahing dahilan din upang hindi na masyado mabantayan ng mga yaya ang kanilang mga alaga ng mabuti.

Base sa isang pag-aaral

Ayon sa isang pag-aaral nadiskubre na ang mga average Brit daw ay nagche-check ng kanilang mga telepono mga dalawampu’t-walong beses sa isang araw, na nage-equate ng higit pa sa sampung libo bawat taon.

Ang mga babysitting agencies nga raw tulad ng Abbeville Nannies sa South London at Kensington Nannies naman sa West London ay gumagawa ng mga pagsisikap upang limitahan ang bilang ng oras ng mga yaya nila sa kanilang paggamit ng social media sa pagpapakilala sa kanila ng mga regulasyon patungkol sa paggamit ng kanilang mga smartphones.

Pahayag nga ng co-founder ng Abbeville Nannies na si Kate Baker sa The Times na sa nakaraang tatlong buwan, mga benteng mga magulang ang humiling na madagdagan ng smartphone clauses sa mga kontratang ibibigay sa kanilang mga yaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya nga, “It is about nannies and their attention straying. [Parents are] saying, ‘We don’t want you to be texting your friends or being constantly on your phone while looking after the kids in the background.”

Si Louise Taylor naman ang international consultant ng Kensington Nannies ay sinasabi na ayaw ng mga magulang na kapag may ibang tao na makasalubong ang kanilang mga yaya na sabihin o isipin na wala silang kakayahan na tingnan at alagaan ang kanilang mga anak ng maayos.

Paliwanag nga niya, “[The clause] is to stop that thing where a neighbour says: ‘I saw your nanny walking down the street and she was talking on the phone and no one was paying attention to the child.’”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagkaroon din ng point si Taylor na ang mga magulang ay nakikitang “bugbear” kapag nakikita ang kanilang mga yaya na gumagamit ng kanilang mga telepono habang sa oras ng trabaho at syempre sayang din ang pera na binabayad nila sa mga ito kung hindi rin naman nila nagagawa ng maayos ang kanilang mga trabaho.

Ang mga yaya na hina-hire sa Kensington Nannies ay bound na sa isang “social media clause” sa kanilang mga kontrata, kung saan sinasabi na kailangan nakatago o hindi ginagamit ang kanilang mga personal na telepono habang oras ng trabaho, imbes gagamitin lang ng mga yaya ang mga teleponong pangtrabaho na ibibigay sa kanila.

Hindi rin dapat gumamit ng telepono o social media

Ngunit tandaan din natin kung ang rules ng yaya ay hindi gumamit ng telepono o di kaya naman social media habang inaalagaan ang inyong mga anak dapat sa iba din na mag-aalaga sa mga chikiting.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit?

Sapagkat katulad na nga lamang ng mga yaya na distracted kapag nag-aalaga ng mga bata habang gumagamit ng telepono, hindi ito naiiba sa mga magulang o ibang guardians tulad ng mga lolo’t-lola, tito’t-tita, o di kaya naman ninong-ninang.

Dapat limitahan din nating mga magulang at mga ibang guardians nating mga anak ang paggamit ng telepono at social media upang makapag-pokus din tayo sa pag-aalaga sa mga chikiting at makapagturo din ng mga ibang bagay at aktibidad na pwedeng gawin sa buong araw na engaging at interaktibo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Independent

Basahin: Maid humihingi ng tulong dahil mahuhulog na sa condo; Amo nag-video lang