Ayon sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), inanunsyo ng Vatican si Darwin Ramos bilang “servant of God.” Ang pag-anunsyo ay isinagawa ng Prefect of the Congregation for the Causes of Saints Cardinal Angelo Becciu nuong ika-29 Marso.
Ang preparasyon para sa proseso ng Cubao Diocesan Tribunal ay pangungunahan ng postulator na si French Dominican Fr. Thomas de Gabory.
Ayon sa CBCP, si Bishop Honesto Ongtioco ng Cubao ang nagsimula ng proseso para sa kanonisasyon ng binata. Ito ay ayon sa kahilingan ng The Friends of Darwin Ramos Association.
Ang pagiging “servant of God” ay ang pangalawang hakbang sa pagiging santo. Ang una ay ang paghintay ng limang taon matapos yumao ang isang tao. Ang panahon na ito ay para humupa ang mga emosyon sa pagkamatay ng tao at ma-assess nang maayos ang kaso nito.
Matapos ang pagiging “servant of God” ay dadaan pa sa tatlo pang steps bago maging santo si Darwin.
- Pagpapakita ng “heroic virtue” habang ang kandidato ay nabubuhay pa
- Pagmimilagro sa pamamagitan ng pagdadasal sa kandidato; kapag may napatunayang himala ay ibig sabihin nasa langit na nga ang kandidato
- Canonization matapos ang pangalawang himala
Ayon kay Bishop Ongtioco, nagbigay ng ang Vatican ng pahintulot upang suriin ang naging buhay ng binata.
Ang kuwento ni Darwin Ramos
Si Darwin Ramos ay ipinanganak sa kahirapan sa Pasay City. Sa murang edad, ay nangalakal upang matulungan ang pamilya sa mga gastusin.
Sa kalaunan ay na-diagnose siya sa pagkakaroon ng Duchenne muscular dystrophy, isang genetic disorder na nagpahina ng muscles ng bata. Umabot sa punto na hindi na niyang kayang tumayo.
Sa kabila ng kaniyang karamdaman, nakuha parin ni Darwin Ramos na tumulong sa mga batang kalye.
Siya ay nabinyagan noong 2006 at naka-tanggap ng first communuion at kumpil sa sumunod na taon. Sa paglala ng pisikal na kundisyon ni Darwin Ramos, lalong lumalim ang kanyang personal na relasyon sa Diyos.
Sa taong 2012, siya na ay isinugod sa ospital dahil sa paglala ng sakit. Gano’n pa man, nanatili ang pagiging pala-kaibigan ng binata at nakukuha pang magpasalamat sa lahat ng tumutulong sa kanya.
Nagpatuloy ito hanggang siya ay bawian ng buhay sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City noong September 23, 2012 sa edad na 17 years old.
Source: GMA News Online, BBC
Photo: Darwin Ramos Association Facebook
Basahin: Street kid nagpupursige mag-aral kahit nababasa ng ulan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!