Unconventional date ideas para sa mga Pinoy couples

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aminin natin, kahit gaano mo kamahal ang iyong partner, darating at darating ang panahon na kung saan mauubusan na kayo ng mga date ideas niyo.

Kung paano ka tutugon sa maselan na sitwasyong ito nang iyong relasyon ay maaaring makalago o makasira ng inyong relasyon, kaya dapat bigyan ito nang labis na pansin.

Ayon sa isang pagsasaliksik, ang mga bago at exciting na karanasan ay maaaring makatulong makabuti ng iyong relasyon sa iyong partner. Maaari rin kayong maka-diskubre muli ng mga bagong ugali ng bawat isa.

Unconventional date ideas

Luma na ang mga date ideas tulad ng paglabas-labas para kumain at manood ng movie sa cinema house, sapagkat hindi niyo naman na masisigurado kung mas lumalakas ba ang inyong pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas masaya kung parehas kayong gagawa ng mga bagong date ideas, hindi lamang ito paraan upang ma-introduce ang mga sarili niyo sa isang masayang experience together, ito rin ay paraan upang makadiskubre kayo ng mga bago sa isa’t-isa na malay niyo hindi niyo pa naipapakita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang ilang mga unconventional date ideas para sa mga Pinoy couples na game na game na mag-try ng mga bago:

  • Mag-grocery shopping nang magkasama.
  • Mag-reading date sa isang bookstore o library.
  • Mag-try ng mga bagong pagkain, tulad ng mga exotic foods.
  • Mag-photowalk sa lumang neighborhood ng Manila tulad ng Intramuros, Binondo, o Fort Santiago.
  • Mag-stroll sa Roxas Boulevard.
  • Mag-ukay-ukay shopping nang magkasama.
  • Mag-hiking sa isang bundok.
  • Mag-travel sa mga di pa masyadong mga kilalang magagandang isla tulad ng Jomalig, Balabac, at marami pang iba.
  • Mag-one-on-one sa board games.
  • Magpunta sa zoo o di kaya naman sa isang museo.
  • Mag-volunteer sa isang foundation o organization.
  • Mag-take ng class nang magkasama tulad ng meditation class, dance class, art class, cooking o baking class.

Source: Psychology Today

Basahin: 12 date ideas na puwedeng gawin sa loob ng bahay