Pakiligin ang iyong Misis at muling patibukin ang kaniyang puso ngayong Valentine’s day 2019 sa pamamagitan ng mga gift ideas na ito.
Gift ideas para kay misis ngayong Valentine’s day 2019
1. “Best Wife” o iba pang Wife Statement T-Shirt
Ipakita ang iyong pagmamahal at pagiging proud sa iyong asawa sa pamamagitan ng isang statement T-shirt. Maraming statement T-shirt na ang mabibili o maari mong ipa-customized na kung saan maaring mai-print ang simple, funny o di kaya naman ay cute message mo para sa kaniya. Siguradong maappreciate niya ito at proud na susuotin para sa iyo.
2. “Best Wife Ever” mugs o iba pang statement mugs
Gaya ng statement T-shirt, ipagsigawan mo rin ang pagmamahal mo sa kaniya sa pamamagitan ng isang tasa. Siguradong mananamnam niya ang iyong pagmamahal sa tuwing iinom ng kape gamit ang tasang ibinigay mo. Isang paraan din ito na paalalahan siya kung gaano mo siya kamahal at naappreciate, first thing tuwing umaga.
3. Personalized Romantic Valentine Mini Wood Card
Puwede mo rin bigyan si Misis ng isang card na kung saan nakapaloob dito ang iyong mensahe para sa kaniya. Pero para pang-matagalan ito at hindi lang matatambak sa drawer niya, maari mong subukang bigyan siya ng isang wooden card. Hindi mo lang masasabi sa kaniya ang nararamdaman mo, may dagdag display pa kayo sa bahay ninyo.
4. “What I Love About You” Journal
Ipaalam sa kaniya ang iyong nadarama sa pamamagitan ng isang journal. Puwede mo itong lagyan ng mga pictures ninyong dalawa, jokes para tumawa siya, o kaya naman ay mga future plans mo kasama siya. Dito pwede mo ring ilagay ang mga dahilan kung bakit mo siya minamahal ng sobra para mas mapagtibay niya pa ito at ang inyong pagsasama.
5. Aromatherapy Body Oil Set
Para ma-relax si Misis matapos ang nakakapagod na gawaing bahay bigyan siya ng mga essential oils na kaniyang magagamit sa kaniyang katawan. Makakatulong rin ito para mas maintain niya ang kaniyang youthful at glowing skin para siya ay mas maging mukhang kaaya-aya at maganda.
6. Name Plate o Initial Pendant Necklace
Isa sa pinakaclassic na maaring ibigay na regalo para kay Misis ay isang jewelry gaya ng isang kwintas. Maari mong i-papersonalize ito at gawin ang pangalan o initials niya bilang pendant nito. Pwede ring pumili ng kwintas na may heart locket na kung saan pwede mong ilagay ang picture niyong dalawa o ang message mo para sa kaniya.
7. Handwriting Bracelet
Sabihin sa kaniya ang salitang “I love you” sa pamamagitan ng isang bracelet. May mga shops na maari ring mag-customize nito gamit ang sarili mong handwriting. Pwede ka ring pumili ng material kung saan gawa ito na pasok sa budget mo. Puwedeng ito ay 18k gold, rose gold o sterling silver. Kahit ano pa man ang mahalaga ay ang mensahe mo para sa kaniya.
8. Signature Body Perfume
Nadagdagan ang confidence ng isang babae kapag siya ay nakasuot din ng isang signature body perfume. Magagamit niya ito sa mga special occasions na kaniyang pupuntahan o hindi kaya naman sa mga casual events na kasama ka.
Sa tuwing gagamitin niya rin ito ay maipapaalala mo ang pagmamahal mo sa kaniya at ang iyong mensahe na lagi ka lang nasa tabi niya.
9. Pajama Set
Ang mga babae ay gustong natutulog suot ang isang komportableng damit. Kaya naman ang pagreregalo sa kaniya ng isang pajama set ay siguradong ikakatuwa niya. Magandang regalo din ito para maiparamdam sa kaniya ang init ng iyong pagmamahal lalo na ngayong malamig ang panahon.
10. Bag
Siguradong ikakatuwa rin ng iyong Misis kung reregaluhan mo siya ng isang bag. Puwedeng handbag na magagamit niya sa mga casual events o meetings na pupuntahan niya o di kaya naman ay isang crossbody bag na pwede niyang gamitin sa mga daily activities niya.
Magiging napaka-useful nito sa kaniya bilang lagayan ng kaniyang mga daily essentials kung siya ay aalis o lalabas ng kasama ka.
11. Lingerie
Buhayin ang kaseksihan at confidence ni misis sa pamamagitan ng pagreregalo sa kaniya ng isang lingerie. Sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa kaniya ay maipaparamdam mo kung gaano mo parin naappreciate niya ang kaniyang beauty at body kahit kayo ay may anak na. Isang magandang paraan rin ito para kayo ay mas ganahan na payabungin pa ang init ng inyong pagmamahalan.
12. Beauty Products gaya ng lipstick
Kalimitan sa sobrang busy sa pag-aasikaso sa bahay at pag-aalaga sa inyong mga anak ay wala ng oras bumili ng gamit pampaganda ang mga babae. Kaya naman ang pagbibigay sa kaniya ng mga beauty products gaya ng lipstick ay isang paraan na ipaalala sa kaniya na huwag pabayaan ang kaniyang sarili.
13. Gourmet Chocolate Assortment
Mukha mang lumang style na pero ang pagbibigay ng chocolates sa mga babae ay nakakapagpakilig parin sa kaniya. Dahil sa pagbibigay nito ay naipapaalala mo sa kaniya ang mga panahong kayo ay nagsisimula at ikaw ay nanliligaw pa.
Ngunit maliban sa traditional box of chocolate, maaring bigyan siya ng something with a twist tulad ng gourmet chocolate assortment na siguradong magpapatamis ng kaniyang ngiti pati narin ng inyong pagsasama.
14. Gift Card o Gift Check
Kung nahihirapan ka namang mag-decide kung anong ibibigay sa kaniya mas mabuting bigyan siya ng gift card o gift cheque mula sa paborito niyang boutique o shop. Dito siya na ang maaring pumili ng gusto niya at hindi ka na maiistress kakaisip kung ano ang ibibigay sa kaniya.
Sana ay makatulong ang 14 gifts para kay misis ideas na ito sa pagpili ng ireregalo mo sa ilaw ng inyong tahanan ngayong Valentine’s day 2019. Ngunit higit sa materyal na bagay walang tutumbas sa pagbibigay ng quality time sa kaniya at sa inyong pamilya para maiparamdam ang pagmamahal mo at pagkakalinga.
Sources: Our peaceful family, Bonobology, GQ
Basahin: 12 date ideas na puwedeng gawin sa loob ng bahay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!