Kahit na busy na kayo sa inyong kids at work, importante pa rin ang date night for parents.
Hindi naman dapat natatapos ang inyong dating stage kapag kayo ay ikinasal na. Sa katunayan, mas kailangan niyong mag-effort sa puntong ito ng inyong relasyon to keep the love alive.
Date night for parents
Bakit nga ba mahalaga na mag-date pa rin kayo kahit na kayo ay kasal na?
Image from Freepik
1. Para mapag-usapan niyo ang mga bagay bagay
Kung hindi na kayo masyadong nagkakausap sa isang buong linggo, ito ang panahon niyo para mag-catch up. Hindi niyo naman kailangan pag-usapan ang mga issues kung sa tingin niyo ay makakasira lang sa inyong gabi. Kahit mga small talks ay importante sa isang relasyon dahil patunay ito na interesado ka pa rin sa mga nangyayari sa kanya.
2. Dapat ay patuloy niyo pa ring kinikilala ang isa’t isa
Marami pa rin kayong mga bagay na kailangan malaman tungkol sa isa’t isa. Hindi naman natatapos ang getting-to-know stage kapag kayo ay ikinasal na.
Image from Freepik
3. Isa itong paraan para mag de-stress
Ang date night ay puwede ring escape niyong mag-asawa sa stress. Ito ang oras para sulitin niyo ang isa’t isa at mag-unwind. Para mas maging effective ang date night niyo, subukan na mag-discover ng mga lugar na peaceful at calm. Iwasan na ang mga malls o matataong lugar.
4. Ito rin ay paraan para magpakita ng commitment niyo sa isa’t isa
Kung consistent niyo itong magagawa, mararamdaman ng inyong partner ang pagpapahalaga niyo sa commitment. Mutual effort din kasi ang kailangan para tumagal ang isang relasyon.
Date night ideas
Marami kayong puwedeng gawin bilang mag-asawa. Kung minsan ay nauubusan na kayo ng idea, narito ang ilan sa mga date night ideas!
Image from Freepik
1. Movie night
Kahit simpleng movie night lang sa bahay o manonood man kayo sa sinehan, ang mahalaga ay magkasama kayong dalawa. Isang tip, mamili na ng mga movie bago ang movie night dahil maaring pag-awayan niyo pa ito kung hindi kayo magkasundo.
2. Couple’s Massage
Kung kailangan niyo ng pampawala ng stress, perfect ito para sa inyong dalawa!
3. Recreate your first date
Unique date ba kamo? Kung medyo nostalgic o nagce-celebrate kayo ng inyong anniversary, puwede niyong i-recreate ang inyong first date.
4. Roadtrip
Kung may oras kayo na mas mahaba, pumunta sa malapit lang na lugar at mag-unwind. Kung nae-enjoy niyo na paminsan-minsan ay lumalayo sa busy na siyudad, ito ang dapat niyong gawin sa date night.
5. Staycation
Mag-set ng staycation na wala muna ang inyong kids para masulit niyo ito. Importante pa rin na may alone time kayo dahil dito niyo mas mabibigyan ng atensyon ang isa’t isa.
BASAHIN: 7 Amazing mommy-daddy stay-at-home date night ideas
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!