Dating ER doctor nahawa ng COVID-19 sa kaniyang anak na teenager

Narito kung bakit hindi dapat na muna basta-basta pinapalabas ang iyong anak sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Positibo sa COVID-19 ang isang dating doctor. COVID-19, teenager na anak niya umano ang nagdala sa bahay nila at nakahawa sa kaniya.

Image from Freepik

Positibo sa COVID-19 ang isang dating doctor

COVID-19, teenager na anak niya umano ang nagdala

Isang dating emergency doctor na si Kimmery Martin mula sa Charlotte, New Carolina USA ang positibo sa COVID-19. Ito ay sa kabila ng pag-iingat na ginagawa ng kaniyang pamilya na hindi makakuha ng virus at mahawaan ng sakit.

Ayon kay Martin, ay ilang buwan na siyang hindi lumalabas magmula ng magsimula ang COVID-19 outbreak sa kanilang lugar. Habang ilang taon narin niyang iniwanan ang pagiging doktor upang mag-concentrate sa pagsusulat. Ngunit bigla niyang kailangang maging doktor muli ng biglang lagnatin ang kaniyang 14-anyos na anak. Ito ay matapos itong lumabas at makipaglaro ng field hockey sa kaniyang mga kaibigan.

Ayon kay Martin, ay nagpumilit umano ang kaniyang anak na lumabas at makipaglaro. Bilang kondisyon sa kaniyang pagpayag ay pinaalalahan niya ang mga ito na magsuot ng mask sa lahat ng oras. Ngunit tulad ng inaasahan ay hindi ito sinunod ng kaniyang mga anak at ito ngayon ay kaniyang pinagsisihan.

“I instructed my teenagers to wear masks at all times but that didn’t always happen. I really regret that now”, pahayag ni Martin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil matapos lagnatin ng kaniyang anak, siya naman ang nakaranas ng kakaiba sa kaniyang pakiramdam. Nakaranas siya ng pagsusuka na noong una akala niya ay dulot lang ng heat exhaustion.

“Just feeling yucky,” she said. “Vomited once and again I truly thought this was heat exhaustion.”

Huli na ng nalaman niya na siya pala ay COVID-19 positive na.

Mga naranasang sintomas ng COVID-19

“I felt super achy, muscles achy, hurt to get out of bed, I had a sore throat. Once the initial symptoms resolved, I started noticing bizarre side effects pulse would zoom up really high every time I stood up and when I tried to move, I got super dizzy.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Martin tungkol sa kaniyang naranasang sintomas ng COVID-19. Hanggang sa ngayon, ayon kay Martin siya ay nakikipaglaban parin sa sakit.

Mas naikakat ng mga batang edad 10 pataas ang COVID-19 virus

Image from Freepik

Ang karanasan ni Martin ay maiuugnay sa isang bagong pag-aaral na isinagawa sa South Korea. Ayon sa pag-aaral, ang sakit na COVID-19 ay mas naikakalat daw umano ng mga batang edad 10 pataas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We detected COVID-19 in 11.8% of household contacts; rates were higher for contacts of children than adults. These risks largely reflected transmission in the middle of mitigation and therefore might characterize transmission dynamics during school closure.”

Ito ang konklusyon ng pag-aaral matapos sundan ang 5,706 na coronavirus patients sa South Korea mula noong January 20 hanggang March 27 ngayong taon. Tinukoy o na-traced din ang 59, 073 na naging contacts nila. Kung saan ang lahat ng kasama nila sa bahay o household ay isinailalim sa test, may sintomas man o wala. Habang ang mga nakasalimuha nila na nakatira sa labas ng kanilang household ay itinest lang ang mga nagpakita ng sintomas ng sakit. Nang ikumpara ang mga datos na nakuha, dito na natuklasan ng mga researchers ang mga sumusunod:

Findings ng isang pag-aaral tungkol sa COVID-19 transmission

  • Ang mga batang edad 10-19 anyos na infected ng sakit ay hindi agad nagpapakita ng sintomas ng COVID-19. Ngunit, kaya nilang agad na mahawaan ang 18.6% ng mga taong kanilang nakasalimuha partikular na ang nasa loob ng kanilang tinitirang bahay o household. Ang transmission rate na ito ay pinakamataas sa iba’t-ibang age group na sumailalim rin sa pag-aaral.
  • Pumapangalawa sa age-group na may mabilis na transmission rate ng sakit ay ang mga matatandang edad 70-79 anyos. Naitalang 18% ng kanilang mga household contacts ang na-infect ng sakit.
  • Sumunod naman sa may pinakamataas na transmission rate sa kanila ang mga matatandang edad 60-69 anyos na may transmission rate na 17%.
  • Samantala, pinakababa naman ang transmission rate ng sakit sa mga batang 9-anyos pababa. Isa sa itinuturong dahilan ay dahil sa mas maliit pa ang mga bata sa age group na ito. At ang hangin na kanilang inilalabas o inihihinga ay agad na bumababa sa lupa dahilan upang hindi ito agad na malanghap ng mga matatanda.
  • Pagdating naman sa labas ng bahay o household, ang mga matatandang edad 70-79 anyos ang may pinakamataas na transmission rate sa mga taong kanilang nakasalimuha. Nasa 4.8% ng kanilang non-household contacts ang na-infect nila.

Paalala sa mga magulang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Kaya naman mula sa naging findings ng pag-aaral, pinapaalalahanan ang mga magulang na hangga’t maari ay huwag na muna basta palabasin ang mga anak. Kung hindi naman ito maiiwasan ay pagsuotin sila ng mask at paalalahanang isagawa lagi ang social distancing. Pabaunan rin sila ng alcohol upang laging ma-sanitize ang kanilang kamay.

Pag-uwi ng bahay sila ay agad na pagpalitin ng damit at paghugasin ng kamay. At para makasigurado, sila ay bigyan ng masusustansyang pagkain at patulugin ng sapat. Ito ay upang mas lumakas ang kanilang resistensya laban sa mga sakit.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

WCNC, TheAsianparent PH

Basahin:

Magkapatid, naulila nang mamatay ang mga magulang dahil sa COVID-19