LOOK! Panganay ni Dawn Zulueta nakapagtapos na ng highschool

Congratulations Jacobo!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi mapigilan ni Dawn Zulueta ang kanyang pagiging proud mama sa panganay na anak.

LOOK! Panganay ni Dawn Zulueta nakapagtapos na ng highschool

Screencapture mula sa Instagram ni Dawn Zulueta

Si Jacobo ang panganay na anak ng veteran actress na nagtapos ng high school. Sa isang Instagram post, shinare ni DAw ang graduation ceremony ng anak na ginanap sa New York. 

“Happy Graduation, Jacobo! It’s taken me a while to formulate the words to express what wants to burst out of my heart,” panimula ng aktres sa kanyang caption.

Sobrang saya talaga niya sa bagong milestone na naabot ng ng anak sa kanyang pag-aaral. 

“I speak for your Papa also when I say how overwhelmed with love and pride we are for you & what you’ve worked hard to accomplish.” pagpapatuloy niya pa. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Proud ito sa mga accomplishment at achievement ng anak sa pag-aaral nito at sa buhay. Nagpaalala rin siya sa anak na kahit na college na ito ay lagi pa rin nasa tabi nito ang pamilya. 

 “Now that you’re off to new beginnings and greater heights, know that you’ll always have your family, and all your Titos, Titas, Ninongs and Ninangs whom you can count on for emotional and moral support.” dagdag ng aktres. 

Huwag daw kakalimutan ni Jacobo ang mga bonds na nabuo niya sa kanyang high school life dahil ito ay special. Namention rin ang ilang pinsan na kasabay ng anak sa school na sina Celines, Danni at Anda.

“You will always need each other to lean on.” sey niya, kahit na tumanda man ang mga ito ay sila pa rin ang magtutulungan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag niya na kahit malaki na ang anak ay nandyan pa rin si Dawn bilang mother sa anak. Kahit na saan man ang anak ay nandyan ito pag kailangan nito ng gabay ng kanyang mama. 

 “Fly and soar high, my Son. Keep making us proud [emojis] and may our Heavenly Lord bless and keep you.” aniya pa ni Dawn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva