Graduation gift ba ang hanap mo para sa iyong little one?
Narito ang ilang graduation gift ideas na siguradong magugustuhan niya at maghahanda sa kaniya sa next level ng learning sa susunod na school year.
Dahil first time gra-graduate or magmu-move up ng iyong anak, dapat lang na gawin itong memorable.
Kaya naman para bigyan ng appreciation at gawing inspiring ang milestone na ito sa buhay ng iyong anak ay narito ang mga graduation gift ideas na magugustahan niya.
Ito ay mga bagay o regalo na hindi lang magpapasaya kung hindi makakatulong rin sa development ng iyong anak para sa mga susunod pang school years na haharapin niya.
21 graduation gift ideas para sa inyong little one
1. Framed first graduation picture
Dahil ito ang first graduation ng iyong anak ay dapat bigyan siya ng remembrance na talaga namang ite-treasure niya hindi lang sa ngayon kung hindi pati sa paglaki niya.
Kaya naman perfect ang isang picture frame kung saan maaring ilagay ang graduation picture niya.
2. Graduation medal
Hindi lamang ang school at teachers niya ang dapat mag-award sa kaniya.
Bilang magulang ay kailangan mo ring bigyan ng award ang iyong little one na matagumpay na nalagpasan ang unang level ng school experience niya.
Kaya naman bigyan ng award ang iyong anak sa accomplishment na ito sa pamamagitan ng isang medal.
3. Graduation Toy
Dagdagan ang collection ng toys at memories ng iyong anak sa pagbibigay sa kaniya ng isang graduation toy na siguradong maappreciate niya.
4. Customized Graduation Shirt
Mas gawing remarkable ang big day na ito sa buhay ng iyong anak sa pamamagitan ng isang graduation shirt. Siguradong proud na proud niya itong susuotin na nakataas ang noo dahil sa isang job well done sa murang edad niya.
5. Graduation Backpack
Pottery Barn Kids personalized backpack
Kahit anong bagay na may nakalagay na salitang “graduate” ay maa-appreciate ng iyong anak sa remarkable na yugto na ito ng buhay niya.
Pero ang isang backpack na may mga salitang “graduate” ay mas mag-iinspire sa kaniya na mag-move forward sa susunod na school year gamit ito na pwedeng paglayan ng mga school supplies niya.
6. Lunch Box Set
Ilang buwan pa man bago ang susunod na pasukan ay i-excite na ang iyong anak sa pagpasok sa pagkakaroon ng bagong lunch box set.
Piliin ang mga lunch box na may print ng favorite cartoon character niya o kaya naman may printed design na swak sa personality ng iyong anak.
7. Books
Mas gawing exciting ang learning at studying sa iyong anak sa tulong ng mga libro na maghahanda rin sa kaniya sa mga susunod niya pang school years.
Isa nga sa most recommended book at graduation gift na maaring ibigay lalo na sa mga preschoolers ay ang “Oh! The Places You’ll Go By Dr. Seuss” na i-encourage siyang mag-explore at mag-succeed sa kaniyang murang edad.
Naglabas din ang Vibal Publishing ng mga textbooks na mayroong augmented reality (AR) feature kung saan may magpo-pop-up na audio at video kapag ginamitan ng LearnLive AR app sa cellphone o tablet. Hindi lang fun ang AR kundi mas mae-explain pa nito ang ilang concepts na kailangan aralin ng iyong anak.
8. Piggy Bank
Maliban sa pagbibigay ng idea sa iyong anak na ang graduation ay isang accomplishment na very rewarding para sa kaniya, ipaliwanag rin sa kaniya ang kahalagahan nito sa buhay niya.
Kaya naman para i-prepare siya sa mga susunod pang taon ng kaniyang pag-aaral ang pagbibigay ng isang piggy bank ay isang graduation gift idea na magtuturo sa kaniyang mag-save para sa future niya.
9. Personalized water bottles o lunch box
Para i-encourage naman ang iyong anak na manatiling hydrated hindi lamang sa susunod niyang school year kung hindi pati narin ngayong summer, ang pagbibigay ng isang water bottle ay perfect graduation gift din sa kaniya.
Puwede rin bigyan siya ng cute lunch box para magamit niya sa coming school year.
Gawin lang itong mas special at personalized sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan niya o kaya naman ang favorite cartoon character niya.
10. Scrapbook o collage set
Isang magandang paraan naman para i-document ang first graduation niya ay pagbibigay sa kaniya ng isang scrapbook o collage set.
Sa pamamagitan rin nito ay mahahasa ang creativity niya sa pagdedesign ng kaniyang memory book na maitatago niya hanggang siya ay lumaki na.
Samantala, narito naman ang mga graduation gift na kahit patapos na ang school year ay maari paring maging paraan para matuto at madevelop ang learning skills ng iyong anak na siguradong ikatutuwa rin niya.
11. Art set
Maliban sa pagdedevelop ng artistic side ng iyong anak, ang pagbibigay sa kaniyang ng art set bilang graduation gift ay magbibigay sa kaniya ng isang productive activity to do ngayong summer.
12. Toy microscope kit
Hayaang mag-explore ang iyong anak sa mga bagay sa paligid niya gamit ang isang microscope na perfect sa kaniyang edad.
Ito ay effective first step narin para iintroduce sa kaniya ang konsepto ng science na ma-eenjoy niya.
13. Wooden writing table
Ituloy ang pag-aaral ng iyong anak sa inyong bahay.
Ang pagbibigay sa kaniya ng isang writing table ay magagamit niya sa kaniyang pagsusulat, pagbabasa ng libro o kaya naman sa kaniyang paglalaro.
14. Playtent
Trending ngayon sa mga bata ang mga playtents.
Dahil sa tulong ng playtent ay nagkakaroon sila ng kanilang own place to play na pwede rin nilang gawing lugar para i-praktis ang kanilang artistic side at iba pang activities.
Hindi niya lang ito magagamit sa loob ng inyong bahay ngunit pati narin sa inyong mga outdoor activities ngayong summer.
15. White boards
Bigyan naman sila ng chance na mag-pretend na sila ang teacher gamit ang isang white board.
Perfect blank canvass rin ito para sila ay magsulat at mag-drawing para ma-exercise ang self-expression skills nila.
16. Finger Puppets
Ang mga finger puppets naman ay gagawing mas fun ang story telling para sa iyong anak.
Maliban sa ito ay cute ay na-iimprove rin nito ang language at motor skills ng iyong anak sa isang hands-on at masayang paraan.
17. Pattern blocks
Ang paglalaro ng pattern blocks ay isang magandang paraan para mas mai-explore ng iyong anak ang mga shapes at colors.
Maprapraktis rin nito ang galing nila sa pag-dedesign at ang kanilang creativity.
Maliban naman sa mga materyal na bagay ay may mga graduation gift rin naman na maaring ibigay sa iyong anak na ma-eenjoy at ma-appreciate niya.
Tulad nalang ng mga memorable experience na maibibigay ng mga activities na ito.
18. Pagkain sa labas kasama ang buong family
Mas gawing napakaspecial ng graduation day para sa inyong anak sa pamamagitan ng paglabas kasama ang buong pamilya.
Buong pamilya, kasama ang kaniyang lolo, lolo, tita, tito, mga kapatid pati narin mga pinsan na magcocongratulate sa kaniya sa accomplishment na ito sa buhay niya.
19. Pamamasyal sa isang themed park
I-reward naman ang iyong anak sa pamamagitan ng isang graduation gift na ma-eenjoy niya bilang isang bata, ito ay ang pamamasyal.
Mas mapupuno naman ng fun at excitement ang pamamasyal kung dagdagan ito ng mga rides mula sa isang themed park.
20. Dalhin siya sa isang theater show o concert na gusto niya
Ang panonood ng mga theater show o concert ay magiging isang meaningful graduation gift rin para sa iyong little one.
Lalo na nga kung known at favorite character niya ang magpeperform na kung saan makakasabay siya sa mga lyrics o kaya naman sa mga dance moves sa mga performance pieces nito.
21. Congratulatory message and appreciation mula sa iyo
Kahit ano pang graduation gift ang ibigay mo, wala paring mas magiging special at meaningful para sa iyong anak na maikukumpara sa words of appreciation at congratulations mula sa iyo.
Dahil bilang isang anak, isang kasiyahan sa kaniya na malamang proud ka sa mga achievements niya
Kaya naman mas magiging inspired siya na pagbutihin pa ang kaniyang school performance sa susunod na taon kung maipapaalam mo sa kaniya ang happiness mo sa milestone na ito ng buhay niya.
Sources: Fun A Day, Dodoburd, The Spruce, Very Well Family
Basahin: Ogie Diaz: “Ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas ng eskwela”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!