Silipin ang mga larawang ibinahagi sa kanilang Instagram account ng celebrity moms na sina Dawn Zulueta at Ina Raymundo sa kakaganap lang na high school prom ng kanilang mga son.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Dawn Zulueta and Ina Raymundo proud of their sons
- Ano ang prom night
Dawn Zulueta and Ina Raymundo proud of their sons
Sa mga nagdaang taon marami ang nalungkot lalo na ang mga estudyante dahil ilan sa mga memorable na kaganapan sa school ay naudlot o hindi na isinasagawa dahil sa nangyaring pandemic.
Halos dalawang taong walang face to face classes, walang field trips, physical activities, competitions, at syempre, ang prom night na sadyang inaabangan sa high school life.
Ngayong medyo maluwag na ang kaganapan at halos lahat ng tao ay fully vaccinated na rin, maraming schools na ang sinubukang magbukas at maglunsad ng iba’t ibang face to face activities.
Kaya naman pinasilip din ng mga celebrity moms na sina Dawn Zulueta at Ina Raymundo sa kanilang mga Instagram accounts ang mga larawan mula sa ginanap na high school prom ng kanilang mga anak.
Sa Instagram post ni Ina Raymundo, ibinahagi niya sa kanyang followers ang video kung saan makikita ang outfit of the day o OOTD ng kanyang anak na si Jakob Poturnak. Sa video, makikitang masayang-masaya si Ina at napapasayaw pa habang sinasabi na,
“Congratulations! It’s your prom! It’s Jakob’s prom!”
Tuwang-tuwa siya habang tsini-cheer ang kaniyang anak sa event na ito dahil hindi raw niya naranasan ang ganito nitong nakaraang taon. Dagdag pa ni Ina Raymundo sa kanyang caption, siya raw ang no. 1 cheerleader ng anak na si Jakob.
“It’s my son’s HS Prom tonight! This means a lot ‘coz there was none last year. He’s so handsome in a suit. I’ll always be his no. 1 cheerleader! #myonlysonshine #JakPot”
Maraming followers naman ni Ina ang natuwa ang nagkomento sa video na ito ng kanyang anak. May mga nagpaabot din ng pagbati dahil nakaattend na sa event na ganito ang kanyang anak at mayroon namang mga nagsabi na para lang daw silang magkapatid na dalawa.
“So good-looking! You’re just like his sister, Ina!”
“Kainggit. My son never had their Junior nor senior prom, Diretso college and gf!”
“Congratulations on your son’s HS prom night its a high school tradition all students will cherish as before they move up to college/university life.”
Samantalang hindi rin nagpahuli ang actress and mom na si Dawn Zulueta sa pagbabahagi rin ng mga pictures ng kanyang anak sa ginanapa na high school prom nito.
Makikita sa Instagram post ni Dawn Zulueta na looking good ang son niyang si Jacobo Antonio Lagdameo suot ang isang napakagandang black suit with blue neck tie.
Bitbit din nito ang gift na mukhang ibibigay niya sa kanyang kadate sa mismong event. Sa caption ni Dawn Zulueta sinabi niyang siya raw ay isang ‘proud mama’ para sa kaniyang son na si Jacobo.
Nagbigay rin ng komento ang ilan sa mga celebrities sa post na ito ni Dawn Zulueta,
Karen Davila: OMG!!! Such a gentleman already!!!
Princess Punzalan: Wow! Napaka-debonaire ng iyong anak!
Jackielou Blanco: binata na!!!
BASAHIN:
LOOK: Neri Naig-Miranda magiging college graduate na sa kursong Business Administration!
Ana Roces proud sa kaniyang anak na si Carmela: “May college student na ako!”
Ano ang high school prom? Ano ang dapat tandaan ng parents kung aattend ang anak nila dito
Ang high school prom ay isang event na nagaganap kadalasan sa pagtatapos ng academic year na dinadaluhan ng junior at senior high school students. Karaniwang dinadaos ito sa gym o event spaces. Madalas na nagsisimula ang high school prom sa gabi at natatapos hanggang madaling araw.
Ito ay isang formal dance kung saan nagsusuot ng formal attire tulad ng dress at suit ang mga estudyante. Inilulunsad ito ng school upang magsasama-sama pa muli ang mga estudyante bago tuluyang maghiwa-hiwalay na sa susunod na taon.
Para sa parents na may anak nang kailangan umattend sa ganitong event, narito ang ilan sa dapat tandaa:
- Alamin ang details ng event, mula sa date, address, at programs.
- Paalalahanan ng anak sa ilan sa mga rules and reminders mo tungkol dito.
- I-monitor ang kaganapan sa prom upang makaiwas sa disgrasya.
- Tiyaking kasama ng anak ang mga trusted friends niya.
- Hangga’t maaari ihatid at sunduin ang anak sa mismong venue.