Bilang “ilaw ng tahanan” ramdam nating mga nanay ang pagod araw-araw. Ngunit hindi natin ito magawang idaing dahil sa totoo lang ito rin ang lubos na nagpapasaya sa atin.
Iyong makita natin kung gaano kalinis, kasaya, kalusog ang ating pamilya kahit gaano tayo napapagod at nakakalimot sa ating sarili para magpahinga.
Kaya naman mapapa-“Sana All” nalang ang ibang Ina kung mayroon kang asawa na handang tumulong sa iyo at pumalit kahit isang araw para magawa mong makapag pahinga.
Kaya naman gaya ko ay nagagawa kong makapagpahinga kapag ang asawa ko ay Day Off sa trabaho. Siya naman ang pumapalit sa role ko bilang ina.
Ginagawa niyang gumising ng maaga para makapaghain ng umagahan namin. Sa paraan niyang iyon mas nakakatulog ako ng mas mahaba. Lagi niya rin sinasama ang anak ko kapag kumikilos siya para ‘di ako naiistorbo matulog.
Siya na rin ang nagliligpit ng ibang linisin sa bahay at tatapusin niya ‘yon ng mabilis para magawa niya rin makapag pahinga at makapag bonding pa sa amin ng anak ko.
Kaya naman matulungan tayo o hindi ng ating asawa sa araw-araw nating mga gawain bilang ina, marapat pa rin natin silang pasalamatan dahil hindi rin naman natin lubos na dama ang kanilang hirap ‘pag sila’y nasa trabaho.
Sila ang ating katuwang at hindi kapalit. Nasa kanila ang pressure dahil sila ang mas lubos na kakayahan para itaguyod ang pamilya. Ika nga nila “walang madaling trabaho” wala man tayong sweldo kagaya nila ay para pa rin sa pamilya ang lahat ng paghihirap ng bawat magulang.
Kaya naman sa bawat obligasyon na meron tayong mga magulang ay mahalaga talaga ang diskarte. Hindi lang dikarte kung paano ka mabubuhay kundi diskarte rin kung paano ka makakapamuhay ng matiwasay.
Huwag natin hilingin na gumaan ang ating pamumuhay kundi humiling pa tayo ng kalakasan, magandang kalusugan para makapag taguyod tayo ng isang masaya, malusog, at masaganang pamilya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!