Ilang buwan na ang nakalipas ay naibalitang nagkaroon si Dayanara Torres ng cancer. Naging malaking balita ito, hindi lang sa kaniyang mga fans sa Puerto Rico, ngunit pati na rin sa mga fans niya dito sa Pilipinas.
At kamakailan lang ay nagbahagi si Dayanara Torres ng cancer update. Bagama’t hindi pa siya lubos na gumagaling, mukhang positibo ang nagiging resulta ng kaniyang pagpapagamot.
Dayanara Torres cancer update: Kamusta na ang kondisyon niya?
Sa pinakabagong update ni Yari tungkol sa kaniyang kalusugan, ibinahagi niyang nagpapagamot siya sa Arizona, USA. Nasa ika-9 na session na raw siya ng treatment, at mukhang positibo ang nagiging resulta ng pagpapagamot.
Kasama niya ang kaniyang mga kapatid habang nagpapagamot, at naikwento rin ni Yari na ang panganay na anak niya raw ay nagpunta sa New York, at ang 16-year-old naman niyang anak ay magsisimula na ng unang araw ng pagpasok sa klase.
Bagama’t hindi niya makakasama ang mga anak, siya ay naeexcite sa mga bagong kaganapan sa kanilang mga buhay.
Malaki rin ang kaniyang pasasalamat sa mga kapatid na bumisita, at tinutulungan siya habang nagpapagamot. Kasalukuyan siyang nasa 3rd stage ng chemotherapy, para sa kaniyang cancer.
Nagpasalamat rin siya sa mga dasal ng mga fans, at sa mga taong walang-sawang sumusuporta sa kaniya.
Anu-ano ang mga sintomas ng cancer?
Bagama’t nakamamatay ang cancer, may mga maaaring gawin ang mga tao upang mabawasan ang posibilidad na magkaroon sila nito. Kaya importante na alamin ang mga posibleng maging sanhi ng cancer, upang maiwasan ang mga ito, at makaiwas rin sa cancer.
Heto ang bagay na dapat iwasan:
- Kulay sa buhok
- Processed meats
- Inihaw na pagkain
- Paggamit ng microwave
- Plastic
- Pag-inom ng alak
- MSG
- Cellphone at WiFi router
Hindi naman kinakailangang iwasan ng lubos ang mga bagay na ito. Bagkus, maaaring bawasan ang exposure dito, o kaya limitahan ang pagkain ng mga ito.
Source: Facebook
Basahin: Dayanara Torres, na-diagnose na may cancer
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!