Malungkot na ibinalita ni 1993 Miss Universe Dayanara Torres sa publiko na siya ay na-diagnose na may skin cancer at kasalukuyang naghihintay ng susunod na treatment matapos na sumailalim sa dalawang operasyon upang tanggalin ito.
Skin cancer ni Dayanara Torres
Ibinahagi ni Dayanara sa kaniyang Instagram post kung paanong ang simpleng nunal sa kaniyang binti ay naging melanoma.
“Today I have some sad news… I have been diagnosed with skin cancer ‘melanoma’ from a big spot/mole I never paid attention to, even though it was new, it had been growing for years & had an uneven surface,” saad ni Dayanara.
Ayon sa kanya, ang kaniyang fiance ang nagkumbinsi sa kaniya na ipasuri ang kaniyang binti at doon na nila nalaman na siya ay may skin cancer.
“My fiancé Louis had been begging me to have it checked & finally made an appointment himself… after a biopsy & a second surgery last Tuesday the results unfortunately are positive.
“Now we are waiting to see which treatment I will be receiving but they have already removed a big area from the back of my knee & also they have removed 2 lymph nodes at the top of my leg where it had already spread. Hoping it has not spread to any more areas or organs,” dagdag pa niya.
Bagaman takot at nag-aalala, ang kaniyang dalawang anak na sina Cristian, 18, at Ryan, 15, ay may tiwala umano sila sa Kaniya na malalagpasan niya ang kaniyang pinagdadaanan ngayon. “I have put everything in God’s hands & I know he has all control… My sons although a bit scared know about my faith and know they have a warrior of a mommy!” ani Dayanara.
Nagbigay-payo naman siya sa lahat na huwag balewalain ang anumang pagbabago na napapansin sa ating katawan at huwag mag-atubili na magpasuri sa doktor.
“But if I can help anyone along the way based on my experience, it would be to tell you… PLEASE, never forget to take care of yourself. If you see something or feel something different in your body have it checked… I had no idea skin cancer could spread anywhere else in your body,” sabi ni Dayanara.
Ano ang skin cancer?
Ang melanoma o skin cancer ay isang uri ng mapanganib na cancer kung saan ang nasirang DNA ng skin cells ay nagkaroon ng genetic mutation. Karaniwang nakukuha ito mula sa pagiging expose ng balat sa ultraviolet rays o UV rays ng araw o mula sa mga tanning beds. Nagde-develop ang depektong ito sa balat at kumakalat, na nabubuo bilang isang malignant melanoma.
Senyales ng skin cancer
Nagsisimula ang skin cancer sa hindi normal na paglaki ng isang nunal ng tao. Ang isang tao ay madaling magkaroon ng skin cancer kung siya ay may maraming nunal sa kaniyang katawan. Kaya dapat ay maging mapagmatyag ang sinuman sa mga pagbabago na mapapansin sa kanyang mga nunal.
Narito ang tinatawag na “ABCDE” ng skin cancer:
- Asymmetry – iregular na hugis ng isang nunal.
- Border – ipagkakaroon ng hindi makinis at hindi pantay na ibabaw ng nunal.
- Color – ang kakaibang kulay ng nunal sa regular na kulay nito.
- Diameter – ang lawak ng isang nunal sa balat ng tao.
- Evolving or Elevation – anumang pisikal na pagbabago na mapapansin sa nunal.
Agad na magpatingin sa doktor kung ang iyong nunal ay may ganitong senyales ng pagbabago.
Source: Dayanara Torres Instagram account, skincancer.org, cancercenter.com
Photos: Dayanara Torres Instagram
BASAHIN: 10 Overlooked symptoms of cancer you should not ignore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!