Hindi maikakaila na nakakatulong ang daycare sa mga magulang na may full time job. Pero hindi madaling magpatakbo nito. Kargo mo ang lahat ng bata at responsibilidad mo na kalingain sila nang parang pangalawang magulang. Ngunit para sa isang may-ari ng daycare center sa Texas, USA, hindi niya ito isinasapuso. Napagalamang may daycare abuse na nangyayari sa pinapamahalaan niya.
Daycare abuse
Hindi inaakala ng isang tatay na mapapanood niya ang isang malagim na video nang maglagay siya ng camera sa car seat ng kaniyang 6-buwang gulang na anak na lalaki.
Sa footage na nakuhaan sa loob ng Home Child Care—na pag-aari ni Rebecca Anderson—kitang-kita sa footage kung paano hinila ni Rebecca ang baby sa paa upang mailabas ito sa car seat para palitan ng diaper. Huli din na hinila niya ang bib na suot ng bata upang maitaas niya ang baby.
Bukod pa sa marahas na paghawak sa bata, nakita din na binibigyan niya ang baby ng tila gamot mula sa isang bote at ipinapa-inom ito sa baby gamit ang syringe. (Ayon sa ama, walang sakit ang bata at walang pinapa-inom na gamot dito.)
Nang mapanood ito ng tatay ng bata, tumawag agad ito ng pulis para imbestigahan ang daycare abuse na nangyayari.
Daycare abuse ng may-ari na si Rebecca Anderson | Image: screengrab, Newsweek.
9 na bata
Nang puntahan ng mga pulis, nadiskubre nilang may 9 na bata sa pangangalaga ni Rebecca, ayon sa ulat ng Newsweek. Tatlo sa mga bata ang nakatali sa mga plastic na upuan sa loob ng closet sa kuwarto. Kinailangan ng mga pulis na putulin ang tali na nagsilbing posas sa mga ito.
Nang tanungin ng mga pulis, inamin ni Rebecca na binibigyan niya ng Tylenol ang mga bata “para tumigil silang umiyak at mapadali ang trabaho ko.” Inamin din niya na gumagamit siya ng sintas ng sapatos upang itali ang mga bata para hindi maglikot ang mga ito.
Dinala ng mga pulis ang mga bata sa ospital para matignan ng mga duktor.
Inaresto ng mga pulis si Rebecca at balak sampahan ng 9 counts ng “abandonment” at “child endangerment.”
Reference: Newsweek
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Lim Venturanza
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!