Delayed motor skills: Mga dapat gawin at kung kailan dapat mabahala

Ano ang dapat gawin kung delayed ang motor skills ng anak mo? Narito ang ilang kwento ng mga magulang at kung paano nila solusyunan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Delayed ba ang motor skills ng anak ko? Malamang ito ang unang naiisip mo kapag napansin mong hirap gumalaw ang iyong anak kahit na ito ang nasa tatlong taong gulang na.

Mga dapat mong gawin kung delayed ang motor skills ng anak mo

Hindi maiwasang mag-alala ni Lisa Dahlstrom, 42 years old sa kaniyang tatlong taong gulang na anak na papasok na sa preschool. Wala kasi itong interes na maghawak ng lapis o krayola. Kung hahawakan man niya ito, ay tila pang-toddler na hawak pa sa krayola. Hirap itong sundan ang mga linya at mismong paggamit ng gunting. Nagkakaroon din ito ng problema sa pagsuot paghubad ng sariling damit at hindi nagpapakita ng interes sa potty training.

“He wasn’t doing well with these skills when he was in daycare before the pandemic. And now, being home for months, he’s really fallen further behind.” ito ay ayon sa ina ng bata. “At daycare, he had other kids to motivate him and make it fun.”

Delayed motor skills | Image from iStock

Mahirap makumpirma kung ang iyong anak ba ay delayed. Ayon sa 2019 review na nakalimbag sa medical journal JAMA Pediatrics, isa sa apat na batang papasok sa kindergarten ay may delay sa pagsasalita, gross motor skills o fine motor skills.

Ngunit dahil sa pandemic na nangyari at isinara muna ang mga school “we are now seeing many kids who have lost not just learning, but coordination and fine motor skills,” ayon ito kay Tanya Altmann, M.D., assistant clinical professor ng University of California, Los Angeles, Mattel Children’s Hospital at kasalukuyang spokesperson ng American Academy of Pediatrics.

Bilang resulta, marami na ang nangangailangan ng therapy. Ito’y makakatulong sa pag-develop ng fine motor skills ng mga bata kasama na ang eye-hand coordination at ang pang araw-araw na gawa katulad ng pagkain, pagbibihis at paggamit ng gunting.

Maaaring mahirap sa ngayon ang pagtukoy sa development ng iyong anak. Ayon kay Susan Cahill, Ph.D., director ng evidence-based practice sa American Occupational Therapy Association,

“Previously, parents often used other kids as a gauge as to whether their own was behind, but it’s much harder to compare when your family is social distancing from others.”

Ngayog pandemic, nahihirapan pa rin ang mga batang ito kahit na sila ay sumailalim na sa O.T.

Ang 34 years old stay-at-home mom na si Abby Cooper at ang anak niya na si Noah na 6 years old ay nakakatanggap ng private O.T. kada linggo. Nagsimula ito noong  preschool siya dahil hirap siyang humawak ng lapis. Ngunit natigil ito noong March dahil sa pagsasara pansamantala ng school.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“As the months went by, he got slower and messier with his school work and struggled more. He couldn’t keep up with the spelling tests or writing assignments during his Zoom classes,” ito ang ibinahagi ni Abby. Kahit na may ibinigay na worksheets ang kanilang occupational therapist para kay Noah, hindi pa rin ito ginagawa. “He’s hesitant to do things that are difficult for him, and I get that.” dagdag pa niya.“At the same time, I personally don’t feel comfortable returning to in-person therapy.”

Delayed motor skills: Paano makakatulong ang mga magulang?

May mahalagang ginagampanan ang mga magulang sa pagtulong sa kanilang anak kahit na sila ay nasa bahay lamang. Ito ay sa pamamagitan ng play-based activities na magpapalakas sa fine motor skills ng iyong anak. Ayon ito kay Marina Scott, isang pediatric occupational therapist sa Old Saybrook, Conn. “In general, academic expectations for kids in preschool and kindergarten aren’t always developmentally appropriate.” paliwanag niya. Halimbawa, sa ibang preschool i-expect mo na ang isang 4 years old na makapagsulat ng buong pangungusap na kadalasang lumalabas sa kapag siya ang 6 o 7 years old.

Nagbigay ng payo si Marina Scott tungkol sa mga magulang. Imbes na bigyan sila ng handwriting exercises o worksheets, subukang dalhin sila sa likod ng bahay niyo o sa mga palaruan at hayaang ialiw ang sarili sa monkey bars. Paliwanag niya,

“When children hang from them, they are strengthening their core muscles and shoulder girdle, working with both sides of the body as they move from bar to bar, and are improving hand strength and grip as they hold on.”

Puwede ring gumawa ng obstacle course sa likuran ng inyong bahay o mismong living room.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Just having your child walk over an uneven surface, or putting a line of tape on the floor and have them walk heel to toe across it, builds up core strength and improves coordination and balance.”

Lahat ng ito ay magiging madali sa kanila kapag bumalik na ng classroom. Katulad ng paggamit ng lapis o gunting na kinakailangang kontrolin ng kanilang isang kamay ang isang tool.

Si Liatte Lasher naman ay isang 30 years old elementary school teacher mula Stamford Conn., lagi niyang kasama sa labas ang anak nitong 3 at 4 years ild na anak na sina Emma at Abby na kasalukuyang sinasanay ang kanilang fine motor skills.

“I taught second grade this past year and was struck by how many of my students didn’t have the muscle strength in their hands and fingers to use scissors or a pencil for long periods of time.” ito ay ayon kay Lasher. “During online schooling, parents were worried about their kids being behind in their academics. But making sure they incorporate activities that use fine motor skills are just as important.”

Ito ang mga paboritong aktibidad ng kaniyang anak katulad ng paggamit ng gunting para putulin ang damo o maghanap ng insekto. Lagi niyang isinasama ito sa “nature hunts” kung saan nangongolekta sila ng dahon o bulaklak at inilalagay sa basket para putulin isa-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para kay Rebekah Tolin, isang pediatric occupational therapist sa Los Angeles, ang gardening sa mga bata ay isang magandang activity para sa kanila.

“Digging with a shovel works their trunk and shoulder muscles. And planting seeds is a good way to help your child develop and improve their pincer grasp. Since the seeds are so tiny and you hold them between your fingers and thumb,”

Delayed motor skills | Image from iStock

Sa loob ng inyong bahay, ang pagbe-bake ay makakatulong din sa fine motor skills ng iyong anak. Ang pag-roll ng dough gamit ang rolling pin o pagpino ng mga ito ay isang paraan para masanay ang kamay sa coordination. Kung saan makakatulong sa kanila para maging ma-perfect ito. Ang paglalagay ng ingredients sa bowl, pagtakal gamit ang kutsara o paglagay ng icing sa cupcakes, lahat ito ay nakakatulong para ma-improve ang hand strength at hand-eye coordination.

Kailan dapat humingi ng tulong?

Kung nasubukan mo na ang mga aktibidad sa taas at hindi mo pa rin nakikitaan ng pagbabago ang iyong anak katulad na lamang kapag sila ay apat na taong gulang na at hindi pa rin nakakaguhit ng tao na may dalawa hanggang apat na parte ng katawan o kaya naman paggamit mismo ng gunting, kumonsulta na agad sa iyong paediatrician. Dito tatalakayin ang mga pangyayari o kung kailangan na bang sumailalim sa O.T. evaluation ang anak mo.

Dagdag ni Amy Houtrow, MD, PhD, MPH, FAAP, Chief, ng Division of Pediatric Rehabilitation Medicine sa Children’s Hospital of Pittsburgh, halos lahat ng insurance plans ay nag-aalok ng O.T. Ngunit ang iba ay inaalok lang ito sa piling mga bagay katulad sa ospital o specific providers.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman ayon kay Dr. Houtrow, kailangan mong alamin sa iyong paediatrician ang diagnostic code na kanilang ginagamit. Alamin din sa iyong insurance company kung kasama ito sa kanila. Kung hindi ito maaapruba, laging tawagan ang iyong insurance company kung bakit ito nangyari.

Ayon kay Dr Houtrow,

“Some insurance simply needs a more specific diagnosis than, say, developmental delay. Which is something your paediatrician can easily provide,”

May pagkakataon naman na ang iyong physician ay magbibigay ng letter of medical necessity. Kung saan ang O.T. at paediatrician mo ay ipapaliwanag kung bakit kailangan ito ng anak mo.

Delayed motor skills | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang ang online therapy naman ay kinakailangan daluhan din ng mga magulang para makakuha ng ideas sa activities.

Si Rachel Winer Sticklin ay isang 40 years old na communications consultant sa Olney. Ayon sa kaniya ang anak niyang si Sam na kasalukuyang 6 na taong gulang ay dumadalo kada linggo ng O.T. Simula noong preschool pa ito at dahil nga sa pagsasara ng school siya ay nasa virtual sessions na simula noong March.

Noong June naman, gumawa ng sariling Father’s Day card si Sam na may tulong ng kaniyang therapist. “He was able to draw, cut and glue with minimal assistance, which is huge progress for him,”

Ayon sa kaniya,

“He’s not where he would have been if he were still in school and attending weekly in-person sessions. But he’s definitely not sliding backwards.”

 

“How to Help a Child With Delays in Motor Skills and When to Get Support” by Hallie Levine © 2020 The New York Times Company

Hallie Levine is a health writer who lives in Fairfield, Conn., with her three children and two dogs.

This story was originally published on 21 August 2020 in NYT Parenting.

Translated in Filipino by Mach Marciano

 

BASAHIN:

Hindi pag-ngiti ng baby, maaaring sign ng autism

5 early signs ng autism sa bata na kailangan mong bantayan

#ASKDOK: Puwede bang ma-delay ang bakuna ni baby?

Sinulat ni

NYT Parenting