#ASKDOK: Puwede bang ma-delay ang bakuna ni baby?

#ASKDOK: Puwede bang ma-delay ang bakuna ni baby?

Delaying baby vaccine: Mga inyong kasagutan tungkol sa bakuna ni baby ngayong Enhanced Community Quarantine, ating sasagutin!

Delaying the vaccine of a baby: Pwede bang madelay ang vaccine ni baby?

Ngayong outbreak ng COVID-19 sa Pilipinas, hirap na ang marami sa atin na bumisita sa mga ospital. Dahil na rin total lockdown na ipinatupad sa buong Luzon, isang challenge na ang lumabas para puntahan ang monthly check up ng mga pregnant women o mga batang mag papabakuna.

Ang tanong ng mga concern moms, pwede bang madelay ang vaccine ni baby o ng isang bata? Ano nga ba ang risk factor nito?

delaying-baby-vaccine

Delaying baby vaccine | Image from Freepik

Delaying baby vaccine: Can vaccination be delayed by a month?

Noong April 8, nagsagawa ng live session ang theAsianparent Philippines tungkol sa tamang pangangalaga ng kalusugan ng mga chikiting ngayong quarantine. Ito ay sa pangununa ni Doc Gellina Ram Suderio – Maala o mas kilala bilang si Doc Gel.

Marami rin ang mga katanungan mula sa mga mommy kung pwede bang madelay ang vaccine ni baby o ng isang bata.

Ayon kay Doc Gel, ang payo ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines ay ‘wag i-delay ang vaccine o bakuna ng isang bata. Kung magagawan ng paraan upang hindi ito madelay ay mas maganda.

Ngunit sa panahon ngayon na hirap makalabas dahil sa itinaas na Enhanced Community Quarantine sa Luzon. At halos lahat din ng mga clinic ay sarado, paano nga ba makakakuha ng vaccine ang iyong anak kahit na may COVID-19 scare?

Payo ni Doc Gel, kausapin ang iyong pediatrician tungkol sa maaaring gawin sa bakuna ng iyong anak. Kung magagawan ng paraan na magkita at ibigay ang vaccine, ito ay maaari. Pwede rin naman na tanungin ang iyong pedia kung may clinic silang available na puntahan.

Pero sa kabilang banda, maaari rin naman madelay ang vaccination ng isang bata dahil sa catch up immunization. Ito ay nakabase sa pag-uusap niyo ng inyong health care provider o ng iyong pedia. Ngunit kailangan agad na mabigyan ng bakuna ang iyong anak pagkatapos na pagkatapos ng ECQ dahil marami ang kailangan habulin.

“Delaying the vaccine, pwede rin. Pwede tayong mag delay ng vaccine kasi mayroon tayong catch up immunization. So that will be, kayo na ang mag-uusap ng health care provider niyo kung paano ‘yon gagawin. But the earliest na pwedeng ibigay after the quarantine, the earliest na pwedeng ibigay yung vaccine after the quarantine, kailangang ibigay kasi marami ang kailangang hahabulin.”

delaying-baby-vaccine

Delaying baby vaccine | Image from Freepik

Ang hindi lang maaaring isama sa catch up immunization ay ang Rotavirus vaccine. Ito ang vaccine kung saan maiiwasan ang pagkakaroon ng diarrhea sa mga baby. Ang maximum age na kailangan makatanggap nito ay 32 weeks o 8 months old.

Question: Doc, pwede bang madelay ang vaccine ni baby o ng isang bata since ngayon ay naka Enhanced Community Quarantine  tayo?

Doc Gel: As much as possible po ang recommendation ay do not delay. Pero ngayon po sa kondisyon natin, we have to weigh the benefits over risks. Kaya po if idedelay, ok lang earliest possible po paglift ng ECQ ibibgay. If wala po means na magkita kayo ng inyong health care provider. Rotavirus po hanggang 8 mos lang pwede ibigay.

Delaying baby vaccine: Ano ang dapat tandaan?

Para kay Doc Gel, kung ang isang baby ay kasalukuyang naka breastfeed at made-delay ang vaccine, marapat lang na ugaliin ang healthy lifestyle ni mommy. Kumain ng masustansyang pagkain at maging maingat. Sa nanay kasi nakaalalay ang mga baby at dito sila kumukuha ng pagkain. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay makakatulong para rito.

Isama pa ang mga ibang myembro sa bahay. Panatilihin rin ang pagkain ng masustansya at malinis na surroundings.

delaying-baby-vaccine

Delaying baby vaccine | Image from Freepik

What happens if baby vaccination is delayed?

Ang vaccine ng isang bata ay hindi dapat ma-delay ngunit sa panahon ngayon, mahirap na ang sumugal na pumunta sa labas dahil sa banta ng COVID-19. Kaya maaari naman madelay ng kaunti ang vaccine ng bata ngunit kailangan rin agad nilang mabakunahan once na matapos ang ECQ. Hindi dapat itong ipagpaliban dahil importante ang vaccine.

Kung madedelay rin, mas dobleng pag iingat ang kailangan ng mga baby at bata dahil wala pa silang vaccine. Ang batang walang vaccine ay prone sa sakit kaya naman kailangan ugaliin ang healthy lifestyle.

Source: The Asian Parent Philippines Live, CDC

BASAHIN: #AskDok: Mayroon nang Oral Polio Vaccine ang anak ko, safe na ba siya?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner