#AskDok: Puwede bang ma-delay ang bakuna ni baby?

Delaying baby vaccine: Mga inyong kasagutan tungkol sa bakuna ni baby ngayong Enhanced Community Quarantine, ating sasagutin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Delaying baby vaccine – narito ang mga dapat mong malaman.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Gaano kahalaga ang pagpapabakuna?
  • Okay lang bang ma-delay ang vaccine ni baby?
  • Anong dapat gawin kapag nadelay ang vaccine ni baby

Delaying the vaccine of your baby: Pwede bang madelay ang vaccine ni baby?

Ngayong may outbreak ng COVID-19 sa Pilipinas, hirap na ang marami sa atin na bumisita sa mga ospital. Dahil na rin sa total lockdown na ipinatupad sa buong Luzon, naging isang hamon ang paglabas ng bahay para puntahan ang monthly check up ng mga buntis mga batang magpapabakuna.

Kaya naman tanong ng mga concerned moms, pwede bang madelay ang vaccine ni baby o ng isang bata? Ano nga ba ang risk factors nito?

Delaying baby vaccine | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong April 2020 ay nagsagawa ng live session ang theAsianparent Philippines tungkol sa tamang pangangalaga ng kalusugan ng mga chikiting ngayong quarantine. Ito ay sa pangununa ng pediatrician na si Dr.Gellina Ram Suderio – Maala o mas kilala bilang si Doc Gel.

Marami rin ang mga katanungan mula sa mga mommy kung pwede bang madelay ang vaccine ni baby o ng isang bata.

Ayon kay Doc Gel, ang payo ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines ay huwag i-delay ang vaccine o bakuna ng isang bata. Kung magagawan ng paraan upang hindi ito madelay ay mas maganda.

Ngunit sa panahon ngayon na hirap makalabas dahil sa itinaas na Enhanced Community Quarantine sa Luzon. At halos lahat din ng mga clinic ay sarado, paano nga ba makakakuha ng vaccine ang iyong anak kahit na may COVID-19 scare?

Bilang magulang, nakakatakot talagang ilabas ang mga bata, lalo pa habang tumitindi ang banta ng virus. Pero paano nga ba nila makukuha ang kanilang bakuna? Okay lang ba itong i-delay o ipagpaliban muna? Kung oo, hanggang kailan?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit nade-delay ang vaccine ni baby?

Noong July 2020, nagpalabas ng babala ang World Health Organization (WHO) at UNICEF tungkol sa pagbaba ng bilang ng mga batang nakakatanggap ng mga kailangang bakuna sa buong mundo. Ito ay dahil sa mga disruption o pagkaantala ng delivery ng mga vaccine at immunization services, na sanhi ng Covid-19 pandemic.

Ayon sa data mula sa WHO at UNICEF, ang pagkaantalang ito ay nagiging banta para masayang ang tagumpay na nakamit noong mga nakaraang taon para hikayatin ang mga kabataan na makatanggap ng mga bakuna na maaring sumagip sa buhay nila.

“Vaccines are one of the most powerful tools in the history of public health, and more children are now being immunized than ever before,” ayon kay Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus, WHO Director-General. “But the pandemic has put those gains at risk. The avoidable suffering and death caused by children missing out on routine immunizations could be far greater than COVID-19 itself. But it doesn’t have to be that way. Vaccines can be delivered safely even during the pandemic, and we are calling on countries to ensure these essential life-saving programmes continue.” dagdag niya.

BASAHIN:

5-step guide para mas maging less painful ang pagpapabakuna sa iyong anak

Booster shots for kids and why a vaccine schedule for toddlers is essential

7 Libreng bakuna sa health center na ibinibigay sa mga batang 1-taong gulang pababa

Gaano kahalaga ang pagbibigay ng bakuna kay baby?

Nagkalat ang sakit sa paligid. At ang kadalasang tinatamaaan nito ay ang mga taong may mahihinang immune system, at ang mga bata. Hindi pa kasi ganoong ka-developed ang kanilang immune system.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At gaya nga ng lagi nating sinasabi, prevention is better than cure. Bakit mo pang hihintayin na magkaroon ang iyong anak ng sakit kung pwede mo naman siyang bigyan ng proteksyon habang bata pa siya.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC, mayroong paraan upang mabigyan mo ang iyong anak ng proteksyon laban sa malulubhang sakit – ang pagpapabakuna.

Ipinaliwanag rin nila kung paano ba talaga gumagana ang mga bakuna sa katawan ng isang tao:

Ang vaccines ay naglalaman ng parehong antigen na nagdudulot ng sakit. Halimbawa, ang measles vaccine ay naglalaman ng measles virus.

Subalit ang mga antigens na ito ay pinapatay o pinapahina para hindi sila magdulot ng sakit. Sa kabila nito, kaya pa rin nilang magproduce ng antibodies sa immune system ng tao para maging immune na ito na sa sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa madaling salita, ang bakuna ay ang “safer substitute” sa unang exposure ng bata sa sakit. Nakukuha niya ang proteksyon nang hindi na niya kailangang magkasakit. Sa pamamagitan ng vaccine, nagkakaroon ang bata ng immunity mula sa sakit na iyon.

Narito pa ang ilang karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabakuna sa mga bata:

  • Ang mga bagong panganak na sanggol ay immune sa maraming sakit dahil nakakakuha sila ng antibodies mula sa kanilang mga nanay. Subalit nawawala ito sa unang taon ni baby.
  • Kapag ang isang unvaccinated na bata ay na-expose sa isang germ o virus, maaring hindi maging malakas ang kaniyang katawan para labanan ito. Bago nauso ang pagbabakuna, maraming bata ang namatay dahil sa mga sakit gaya ng whooping cough, measles at polio. Subalit dahil naimbento ang mga bakuna laban dito, unti-unti nang nawawala o kumokonti ang mga kaso ng mga sakit na ito.
  • Noong 2019 lang ay nagkaroon ng polio outbreak sa bansa. Subalit dahil sa vaccination campaign na pinamunuan ng Department of Health, naideklarang tapos na ang outbreak na ito.
  • Kapag maraming bata ang nagpapabakuna, nakakatulong rin ito na maprotektahan ang buong lugar, lalo na ang mga taong hindi pa pwedeng tumanggap ng bakuna. Ito ay dahil sa tinatawag na herd immunity.
  • Ang pagpapabakuna sa isang bata ay nakakatulong para makaiwas sa pagbisita sa doktor, hospitalization at paglala ng mga sakit na maaring humantong sa kamatayan.

Delaying baby’s vaccine

Bakit mahalagang on-time ang bakuna ni baby?

Ayon sa CDC, mayroong anim na rason kung bakit mas mabuting kung on-time at nasa tamang schedule ang bakuna ng isang bata.

  • Timing

Ang vaccination schedule ng bata ay nakabase ayon sa mga pag-aaral, ayon sa immune system ng bata at kung paano ito nagrerespond sa bakuna sa panahong iyon, at kung ano ang posibilidad na ma-expose ang bata sa sakit.

Ito ay para makasiguro na protektado ang iyong anak mula sa 14 na malubhang sakit, sa tamang oras. Gayundin, walang sapat na basehan para sabihina mayroong benepisyo ang pagpapaliban ng mga bakuna sa bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Upang maiwasan ang mga komplikasyon

Sa pagdelay ng bakuna ni baby, nagiging vulnerable siya sa sakit kung saan posibleng magkaroon ng mga komplikasyon sa kaniyang kalusugan.

Isipin mo na lang na ang bakuna ay parang helmet para kay baby. Gaya ng helmet na napoprotektahan siya laban sa matinding aksidente, ang pagpapabakuna sa tamang oras ay nakakaprotekta sa kaniya laban sa mga seryosong sakit.

  • Maagang proteksyon

Hindi naman agad-agad ang bisa ng mga bakuna. Maaring umabot ng ilang linggo para makagawa ang katawan ng mga antibodies, at ang ibang bakuna ay nangangailangan ng higit sa isang dose para makapagbigay ng kumpleto at mas matinding proteksyon.

Kaya mas mabuti na maibigay na agad kay baby ang bakunang kailangan niya para maprotektahan siya ng mas maaga.

  • Para mabigyan ng pinakamabisang proteksyon laban sa sakit

Upang masiguro na makakaiwas ang bata sa 14 na malubhang sakit, dapat ay matanggap niya lahat ng recommended dose ng bawat bakuna.

Bawat bakuna ay pinag-aralan at ginawa para maprotektahan ang bata sa isang sakit. May iba na nangangailangan ng mahigit isang dose para makagawa ng sapat na antibodies para maprotektahan ang bata, o para palakasin ang kaniyang immunity sa sakit.

Halimbawa, kailangan ng iyong anak ng flu vaccine taun-taon dahil nag-iiba-iba ang sakit na ito. Kaya naman bawat dose ng bakuna ay mahalaga at dapat maibigay sa tamang oras.

  • Mas mahabang proteksyon

Ang breastfeeding ay nagbibigay ng mahalagang proteksyon sa iyong sanggol laban sa maraming infections lalo na habang nagdedevelop pa lang ang kaniyang immune system. Subalit hindi naman ito panghabang-buhay, at hindi nito napoprotektahan ang sanggol laban sa lahat ng sakit.

Ang pagpapabakuna pa rin ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa maraming seryosong sakit.

  • Para maiwasan ang pagkalat ng sakit

Ang mga batang hindi nababakunahan sa oras ay hindi lang at risk mula sa sakit, subalit pwede rin nilang makalat ito sa ibang taong hindi makakakuha ng proteksyon, gaya ng mga bagong panganak na sanggol o mga taong may mahinang immune system.

Sa pagtanggap ng bata ng bakuna, hindi lang siya napo-protektahan, kundi pati na rin ang ibang tao sa paligid niya.

Bukod sa tamang nutrisyon at sapat na pahinga, mahalaga rin pala ang pagbibigay ng bakuna sa bata para masiguro ang kainyang kalusugan,

Narito ang vaccination schedule ng isang sanggol dito sa Pilipinas, ayon sa Philippine Pediatric Society.

Image courtesy of Philippine Pediatric Society

Anong dapat gawin kapag na-delay ang pagbibigay ng bakuna?

Payo ni Doc Gel, kausapin ang iyong pediatrician tungkol sa maaaring gawin sa bakuna ng iyong anak. Kung magagawan ng paraan na magkita at ibigay ang vaccine, ito ay maaari. Pwede rin naman na tanungin ang iyong pedia kung may clinic silang available na puntahan.

Pero sa kabilang banda, maaari rin naman madelay ang vaccination ng isang bata dahil sa catch up immunization. Ito ay nakabase sa pag-uusap niyo ng inyong health care provider o ng iyong pedia.

Ngunit kailangan agad na mabigyan ng bakuna ang iyong anak pagkatapos na pagkatapos ng ECQ dahil marami ang kailangan habulin.

“Delaying the vaccine, pwede rin. Pwede tayong mag delay ng vaccine kasi mayroon tayong catch up immunization. So that will be, kayo na ang mag-uusap ng health care provider niyo kung paano ‘yon gagawin.

But the earliest na pwedeng ibigay after the quarantine, the earliest na pwedeng ibigay yung vaccine after the quarantine, kailangang ibigay kasi marami ang kailangang hahabulin.” ani ng doktora.

Ang hindi lang maaaring isama sa catch up immunization ay ang Rotavirus vaccine. Ito ang vaccine kung saan maiiwasan ang pagkakaroon ng diarrhea sa mga baby. Ang maximum age na kailangan makatanggap nito ay 32 weeks o 8 months old.

“As much as possible po ang recommendation ay do not delay. Pero ngayon po sa kondisyon natin, we have to weigh the benefits over risks. Kaya po if idedelay, ok lang earliest possible po paglift ng ECQ ibibigay. If wala po means na magkita kayo ng inyong health care provider. Rotavirus po hanggang 8 months lang pwede ibigay.” pahayag ni Doc Gel.

Delaying baby vaccine – mga dapat tandaan

Para kay Doc Gel, kung ang isang baby ay kasalukuyang naka breastfeed at made-delay ang vaccine, marapat lang na ugaliin ang healthy lifestyle ni mommy.

Kumain ng masustansyang pagkain at maging maingat. Sa nanay kasi nakaalalay ang mga baby at dito sila kumukuha ng pagkain. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay makakatulong para rito.

Isama pa ang mga ibang myembro sa bahay. Panatilihin rin ang pagkain ng masustansya at malinis na surroundings.

Siguruhin rin na nakakakuha ng tamang nutrisyon at sapat na pahinga ang iyong anak para makaiwas siya sa mga sakit. Palakasin ang kaniyang immune system sa panahong ito hangga’t maaari.

Delaying baby vaccine | Image from Freepik

Ang vaccine ng isang bata ay hindi dapat ma-delay ngunit sa panahon ngayon, mahirap na ang sumugal na pumunta sa labas dahil sa banta ng COVID-19.

Kaya maaari naman madelay ng kaunti ang vaccine ng bata ngunit kailangan rin agad nilang mabakunahan sa oras na matapos ang ECQ. Hindi dapat itong ipagpaliban dahil importante ang vaccine.

Kung madedelay rin, mas dobleng pag-iingat ang kailangan ng mga baby at bata dahil wala pa silang vaccine. Ang batang walang vaccine ay prone sa sakit kaya naman kailangan ugaliin ang healthy lifestyle.

Para masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng iyong anak, ugaliing makipag-ugnayan sa kaniyang pediatrician. Huwag mahiyang magtanong tungkol sa mga nararanasang sakit ng sanggol, at pag-usapan na rin kung paano niyo maibibigay ang mga bakunang kailangan ng bata sa tamang panahon.

Source:

The Asian Parent Philippines Live, CDC, WHO

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Mach Marciano