#AskDok: Ano ang pinagkaiba ng normal rash sa rash na dala ng dengue?

Alamin ang mga kailangang malaman tungkol sa dengue rashes at ang mga kailangang gawin sa oras na matukoy na dulot nga ito ng dengue.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tuwing tag-ulan, laganap ang sakit na dengue. Sa katunayan, ngayong 2019, nasa halos 200,000 na ang naitalang kaso ng dengue. Dahil dito, nagdeklara na ang Department of Health (DOH) ng National Dengue Alert nuong ika-15 ng Hulyo. Isa sa mga sintomas ng dengue ang pagkakaroon ng mga rashes sa katawan. Ngunit, ano ang pinagkaiba ng dengue rashes sa normal na rashes?

Dengue rashes vs allergy

Ayon kay Dr. Art Jerome D. Luzande, MD, iba ang rashes na dulot ng dengue kumpara sa rashes mula alerhiya. Kadalasan, ang mga rashes na dulot ng alerhiya ay tila bumubukol. Mararamdaman ito agad kapag idinaan ang kamay sa balat. Lagi itong nagdudulot ng pangangati na nagiging senyales na may nararanasan na allergic reaction ang katawan.

Sa dengue, ang rashes ay hindi nararamdaman sa paghawak lamang. Ito ay mapupulang maliliit na rashes na lumalabas sa ika-2 o ikatlong araw ng pagkakaroon ng lagnat. Hindi ito laging makati ngunit maaaring magdulot ng pagiging hindi kumportable sa paghupa ng lagnat. Maaari itong lumabas sa malaking bahagi ng katawan.

Sanhi

Ang dengue rashes ay isa sa mga pangunahing sintomas ng dengue. Ganunpaman, hindi ito lumalabas sa lahat ng kaso na naitala na may dengue. Hindi rin naiiba ang rashes nito sa rashes na maaaring idulot ng iba pang kundisyon. Dahil dito, kailangan ay may kasama ito na iba pang sintomas upang matukoy na dulot ito ng dengue.

"Dapat bantayan ang rashes dahil ito ay indikasyon sa dami ng platelet ng pasyente," ayon kay Dr. Luzande. Mahalagang mabantayan lalo ang mga patuloy na kumakalat ang rashes dahil ito ay senyales na bumababa ang dami ng platelets.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas

Ayon kay Dr. Luzande, mas makabubuti na agad na magpasuri kung ang pagkakaroon ng rashes ay may kasabay na iba pang sintomas na maiuugnay sa dengue. Ang mga sintomas na ito ay:

  • Lagnat
  • Pagsakit ng ulo
  • Pananakit ng katawan
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Pananakit ng tiyan
  • Pagdurugo ng gilagid o ilong
  • Dugo sa ihi, dumi o suka
  • Hirap sa paghinga

"Napakarami ng maaating lumabas na sintomas ng dengue," dagdag ni Dr. Luzande. "Kadalasan, lumalabas ang mga ito kapag pagaling na. Pero pwede rin makita ang mga ito sa mga kritikal na bahagi ng pagkakasakit."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan magpapa-konsulta sa doktor?

Kung naghihinala na ang lumabas na rash sa balat ay dulot ng dengue, dapat magpasuri agad. Sa oras na makumpirma na ito ay dahil sa dengue, kailangan itong aksyunan sa lalong madaling panahon.

"Random ang dengue. Hindi madaling masasabi kung ano ang kaso na magiging malala o walang madudulot na masama. Ang mahalaga ay mabigyan ng close monitoring at supportive management ang sino man na may sakit nito," ayon kay Dr. Luzande.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Interview with Dr. Art Jerome Luzande

Basahin: Sintomas ng dengue sa mga baby: Mga kailangang bantayan